XXIII

461 9 4
                                    

Chapter Twenty-three

I tensely stood in front of them as I nervously waited for them to sip on their mugs of coffee that I personally made. I felt over-conscious. Ito pa lang kasi ang pinaka-unang pagkakataon na nagtimpla ako ng kape para sa ibang tao. Hindi instant coffee dahil kinailangan ko talaga ng measurements and estimations.

Kumalabog ang dibdib ko nang hinawakan ni J-Hope ang holder ng mug niya at mabagal na dinala sa bibig niya, nananatili ang matamis na ngiti sa mga labi. They had been smiling since I woke them up and told them I made them coffee. Nag-unahan pa nga sila sa pagpunta sa dining table at naupo sa kani-kanilang mga upuan na para silang mauubusan.

Para talagang mga bata… though, it warmed my heart because I felt so appreciated.

The others just continued staring at their mug. Para bang hindi nila kayang inumin iyong kapeng ginawa ko. Pangit ba sa paningin? Mukha bang hindi masarap? Hindi ko na kasi tinikman ang mga iyon dahil hindi rin naman ako mahilig sa black coffee.

"Ack~!" J-Hope instantly reacted upon having a quick sip on his coffee. Na-i-bagsak niya ang baso sa mesa na naglikha ng ingay. He had his mouth dropped as he had his brows crossed.

I bit my lower lip. H-Hindi ba masarap? "J-Hope…?" I asked him nervously, not knowing what to do. Nagdadalawang-isip pa akong lumapit sa kaniya. Magkasalikop ang mga kamay ko sa likod ko habang ramdam na ramdam ko ang pressure sa loob ng dibdib ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. When our eyes met, he closed his mouth and hardly gulped, two times. Sinubukan niyang ngumiti pero nauwi iyon sa ngiwi. I sighed exasperatedly. I guessed, it tasted awful.

Simpleng kape lang… simpleng pagtitimpla lang ng kape bakit hindi ko pa magawa?

Great, Hanselle. Kailan ka ba gagawa ng tama? My inner Goddess shook her head in disappointment.

Yumuko ako dahil sa hiya. Pinagpipisil ko ang mga kamay kong nasa likod ko at tahimik na ipinapanalanging sana ay maglaho na lang sila ng parang bula—ako na lang pala.

"Y-Yah, Hobi-ah! It's delicious, right?" I heard Jin tell JP in a convincing tone, as if trying to pathetically save the situation when in fact, it was already hopeless.

Ayaw kong mag-angat ng tingin dahil nahihiya akong makita ang mga mata nilang paniguradong pinapanood ang failure ko. Nakakahiya talaga. I bet they all were gawking at my failure. I knew, all my life I had been a failure. I had been termed as a Living Failure in the old days, dahil sa sobrang dami kong hindi kayang gawin.

I always tried hard but things weren't just going the way I liked it. Kaya nga sinubukan kong mamuhay mag-isa para kahit papaano, may masabi naman akong kaya kong gawin sa buhay na ito. My degree was not something I was good at. All people could do administrating. All people could do paper works. Napakadali lang din ng mga ginagawa ko sa likod ng mga tours na hina-handle namin. At sino na lang ba sa panahon ngayon ang hindi marunong magmanipula ng computer?

My degree was not fruited from my talent. Dahil wala naman akong talent. Harsh truth. Kung magkakaroon nga lang siguro ng kompetisyon sa World Guinness Record ng mga taong walang talent, baka ako ang manguna.

"D-De! Ack~!" sagot ni J-Hope na pilit sinusubukang pagaanin ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagngiti ngunit nauuwi pa rin ito sa pagngiwi.

Ngumuso ako dahil parang hinahaplos ang puso ko sa paraan niya para pagaanin ang loob ko. They sure knew how to cheer me up at times like this pero kasi sanay na kasi sa ganito at ang pinagkaiba lang ngayon hindi ako sanay sa mga taong ito.

[Her] Beautiful Dream [BTS Fanfiction] ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt