"Sa dress ko?" Tanong niya. Paanong nagkaroon ng papel sa loob ng kanyang dress? Hindi niya maalala na may insidenteng naglagay siya ng papel sa damit niya.

"Opo, Ma'am. Mukhang importante po at phone number ang nakalagay." Sabi nito.

Kinuha ni Olivia ang papel. Medyo basa na iyon pero aninag pa din ang numero. Mabilis niyang sinave iyon para makakuha ng kopya. Naalala din niya ang lalaking nakahoodie na nakabanggaan niya sa bar.

Hindi kaya imposibleng iyon ang naglagay ng phone number? Para saan naman kaya iyon? Lumabas na ang katulong. Umupo siya sa kama panandalian para kuhanin ang envelope.

"Wait for my call." Binasa niya. Hindi kaya ang number na iyon ay ang number na gamit ng taong gustong tumulong sa kanya?

Lumabas siya para pumasok sa paaralan. Ilang linggo na lang at graduation na nila. Sa wakas, tapos na siya sa pag-aaral niya gaya ng ipinangako niya sa ina.

Nagkatinginan sila ni Kristoff nang pagbuksan siya ng pintuan. Uminit ang pisngi niya ng maalala ang ginawa nila kaninang madaling araw. Sumunod naman agad sa kanya si Kristoff.

Sa araw na iyon, si Dylan ang kanilang driver. Wala kasi si Paris dahil may inutos daw sa trabaho. Tahimik silang nagbyahe ng magsalita si Kristoff.

"Feeling better or still tired?"

Mabilis niyang nilingon ang lalaki. How could he actually asked that in front of Dylan? Nilingon din niya ang driver na seryoso sa pagdadrive.

Kinurot niya ang braso ng binata at pinanlakihan ito ng mata. Humalakhak naman si Kristoff dahil sa inarte nito. He could tease Olivia all day.

"Shut up!" Bulong ni Olivia.

"What? I am just asking you kung okay ka na ba?" Pang-aasar niya.

Napasandal na lang si Olivia. Sa lakas noon, hindi na naiwasan ni Dylan na tingnan sila sa rear view mirror. Tumingin siya sa labas ng bintana para matigil ang pang-aasar ni Kristoff.

Panay ang tawa ni Kristoff sa tuwing magkakatinginan sila ni Olivia. Umiirap naman ang dalaga sa kanya. Iyon ang naging ganap hanggang makarating sila sa school.

"I'll just complete my requirements tapos noon diretso na tayo sa campaign ni Senator. Diana will be furious kapag nalate ako." She ordered Kristoff.

Tumango si Kristoff at namulsa. Seryoso na ngayon ang mga mata nito habang nagmamasid sa corridor ng school. Umupo agad si Olivia sa usual seat niya sa likod. May ilang napapatingin pa din sa kanilang pagdating.

Minsan nga, nahuhuli ni Olivia ang pagkuha ng litrato ng mga blockmate niya kay Kristoff at ang simpleng hagikhik ng mga ito. Napapailing na lang siya at hindi na pinag-aksayahan ang mga humahanga sa boyfriend niya. Kung siya nga, pahirapan pa kung mapansin nito, ano pa ba sila?

Nag-ayos siya ng mga kailangan for graduation. May ilan ding bumabati sa kanya dahil sa kampanya ni Senator. Even their university is pro-Villafuerte. Isa na sa rason ay ang investment nila sa school.

Matapos ang pagpila niya sa loob ng administration office, nadatnan niyang nakasandal sa pintuan si Kristoff na may hawak na food container at coke-in-can.

"Gutom ka na? Pwede ka naman munang kumain?" Aniya sa binata.

Umiling ito.

"It's not mine. Past lunch time na. Binili kita ng pagkain mo." Sagot nito at hinawakan ang kamay niya. May ilang napatingin sa kanila pero wala siyang pakialam.

Her heart is fluttering for his simple actions.

"Thank you." She smiled and grabbed the chance to kiss him in the cheeks. Wala na siyang pakialam kung may makakita man sa kanila. She's too estatic to mind anything. "But I will eat it in the car. Late na tayo."

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now