"I am sorry." He said. Dahan-dahan ang galaw niya. Olivia felt something extra-ordinary. Ngayon lang niya naramdaman ang pagbilis ng kanyang puso ng ganito. Niyakap niya si Kristoff para mapigilan ang sarili.

When they reached the climax, tila tumakbo sila sa hingal. Umupo si Kristoff sa bath tub habang si Olivia at nakaupo patalikod sa binata at nakasandal sa dibdib ni Kristoff.

Maligamgam na ang tubig at nakahalik sa bakikat niya si Kristoff. Magkahawak kamay sila ng kamay. Pagod na pagod na si Olivia. They went for three rounds.

"What if I get you pregnant?" Tanong ni Kristoff.

Sinilip siya ni Olivia. She kissed his hands.

"I told you, I am on pills."

"Yeah. But whatever happens, kung mabuntis man kita... Handa akong panagutan." He said.

Tumango si Olivia. She doesn't know how to comment on that. She's not ready. Her life's a mess at ayaw niya na mamulat sa pamilyang ito ang anak niya. She suffered so much, so she want to save her child from all of this.

May kumatok sa pintuan ng kwarto ni Olivia. Nagkatinginan sila ni Kristoff. Mabilis niyang kinuha ang robe at hinalikan si Kristoff sa labi.

"I will be back. Saglit lang." Bulong niya.

Tinali ni Olivia ang robe at binuksan ang pintuan. Niluwa noon si Tobby na nakataas ang kilay sa kanya.

"What the hell are you doing here?" Tanong niya at mas niyakap ang sarili ng robang suot. She's scared that he might do something again.

"Dad called. Nagsumbong si Tita Esmeralda sa kanila. Pick-up the phone. He's fuming mad." He said.

"Why is he fuming mad? We all know that I am not his child. I am not his responsibility."

"You are his child in papers, Olivia! Dad's just concerned."

"Too concerned on his brother's candidacy." Sinara niya ang pintuan at nilock iyon. Kinuha niya ang cellphone at sinagot ang bagong rehistrong tawag ni Luisito.

"Yes, Luisito." She said impatiently. Bumukas ang pintuan ng banyo at nilabas noon si Kristoff na nakatuwalya lang. Sinenyasan niyang tumahimik ito. Umupo naman ito sa kama.

"Olivia! Anong ginawa mo kay Diana? She's injured according to her mother!" Ani Luisito.

"Hinawakan ko lang ang kamay niya! Can you please move on? At saka, sinampal din ako ni Esmeralda, I think it's fair na?" She explained.

"She slapped you because you are being a bitch! Say sorry to Diana!"

"Hindi kita tatay. Nakausap ko na ang gago kong tatay kaya huwag ka nang dumagdag pa, okay? Ibababa ko na 'to." Padabog niyang hinagis sa kama ang cellphone.

Mariin naman ang tingin ni Kristoff sa dalaga. Tumayo ito at tiningnan ang pisngi ni Olivia.

"She slapped you?" Mariin na tanong ni Kristoff.

Lumunok si Olivia. She's too mad that she forgot Kristoff can hear her. Tumango siya at pinisil ang ilong ng binata na tila galit.

"Yeah. But I forgot about it. Don't worry, hindi naman masakit." Olivia assured him.

"It's not right to slap you! Sa oras na malaman ko na naulit pa ito, hindi ko na sila mapapatawad."

Olivia smiled. Maya maya pa ay hinila na siya ni Kristoff para mahiga sila sa kama. Niyakap siya ni Kristoff at hinalikan ang buhok.

"We should be cuddling." Bulong nito.

Tumawa si Olivia at pinaglaruan ang mga buhok sa dibdib ni Kristoff. Napatingin siya sa bintana. Sumibol ang kuryusidad niya at tinanong si Kristoff.

"Walang puno sa tapat ng kwarto ko, ang it's on third floor? Paano ka umaakyat?" Tanong niya.

Nagkibit balikat si Kristoff.

"Soldier skills, maybe?" He chuckled and kissed her ear. Umiling si Olivia. Ano pa nga ba? Eh mukhang perfect sa lahat itong boyfriend niyang ito.

Tumunog ang cellphone ni Kristoff. Nagmura siya at kinuha iyon para sagutin.

"Yes, General. I'll be there." Aniya na ngayon ay seryoso na. Bumangon ito at kinuha ang basang damit para isuot ulit. Matapos iyon hinalikan niya si Olivia sa labi.

"I'll be going. I hate to go but it's urgent." Aniya.

"Basa ka pa! Ano na lang ang sasabihin ng Lolo mo? Baka magkasakit ka?" Tanong ni Olivia.

"I am fine. I'll call you later, okay?" He headed to the window and jumped.

Huminga ng malalim si Olivia at tumingin sa kisame. That was it? Ganito na lang sila palagi. Work and Olivia, that was his choice. Lumunok siya at tumayo na para magbihis kahit na masakit ang kanyang katawan.

Nang makapagbihis, nakaramdam siya ng gutom kaya nagpasya siyang bumaba para kumain nang marinig niya ang dalawang bulto na nag-uusap sa loob ng study sa dulo ng hallway. Medyo bukas iyon kaya nakinig siya.

"I told you na huwag kang tanga! Paano nalaman ng mga pulis? Nahihibang na ba kayo? Ano na lang ang sasabihin ni Mommy?" Boses iyon ni Diana.

"Pasensya na ma'am. Namanmanan pala ng pulisya ang isa sa mga agents natin."

Kumunot ang noo ni Olivia. Agents? Pulisya?

"Well, ayusin niyo 'yan! Ang business na iyan ang bumubuhay sa inyong pamilya! Baka naman gusto niyong tagtagin ko ang scholarship ng mga anak niyo? Huwag niyong hayaang maungkat ito at masira ang kampanya ng aking ama!"

"Ma'am, aayusin po namin. Huwag niyo lang pong alisin ang scholarship ng mga anak ko." Sabi noong lalaki.

Napanganga ako. Ano itong business na sinasabi niya na makakasira sa kampanya? Mas lalo siyang dumikit sa pintuan para mas makita kung sino ang kausap ni Diana pero nahaharangan niya.

"Umalis ka na rito! Siguraduhin mong masisira ang ebidensya. Sunugin niyo ang pabrika kung kinakailangan. Mga punyeta!"

Sunugin ang ano? Narinig niya ang paggalaw ng mesa hudyat na lalabas ang kung sino sa study. Binuksan naman niya ang pintuang katabi para makapagtao. Sumandal siya sa pintuan at tinakipan ang bibig.

May ginagawa bang masama si Diana? Sangkot ba siya sa kahit na anong ilegal? Alam ba ito ng mga tao dito? Si Esmeralda? Kasali siya rito?

She sighed. Nakalimutan na niya na ang gutom sa narinig. Nang masigurong wala na, saka lang siya nakahinga. Matapos iyon lumabas siya para makababa na. Nadatnan niya si Diana na nakaupo sa sala na akal mo ay walang nangyari. Pinilit niyang umarte na wala siyang narinig at tumungo sa kusina.

Habang pinaghahanda siya ng katulong ng waffles ay pumasok si Manang na may dalang envelope.

"Olivia, may package na iniwan para sa'yo sa guard house."

"Kanino daw galing, Manang?" Tanong niya at binuksan ang wrap ng package.

"Hindi rin nasabi eh. Wala bang nakasulat?" Tanong ni Manang at kinuha ang basket.

"Sige, Manang. Sa taas ko na lang titingnan."

Tinapos ni Olivia ang pagkain at umakyat sa kanyang kwarto. Mabilis niyang binuksan iyon. Sa loob ng kahon ay may isang liham.

Kinuha niya iyon. Malalaki ang bawat letra.

"Mag-iingat ka. Hindi mo sila kilala." Binasa niya iyon.

Kanino siya dapat mag-ingat?

_

#BPKab28

Please do support my next story, Battle Scars! It's the second installment of the Querio Series. :)

Bulletproof (Querio Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin