The One In Jessie's House

Magsimula sa umpisa
                                    

"Masakit talaga 'yan, Gab," sabi ko na parang alam ko ang pakiramdam ng nawalan. Oo, nawalan ako ng tatay, pero nandyan lang naman talaga siya sa totoong buhay.

"Thanks Alex," sabi ni Gab. "Sorry, baka matagalan pa ako dito sa Baguio. Pero tatawagan kita nang madalas. Hintayin mo mga tawag ko, ha. Dyan ka lang palagi, kasi parang mapapadalas pa ang pag-iyak ko."

Natawa nang kaunti si Gab. Parang lumuwag talaga ang kanyang pakiramdam nang makaiyak siya sa akin.

Pero saan na ako pupunta? Kay Kuya, nandoon si Daddy? Mas gusto ko bang kasama si Daddy, kesa kay Jessie? Hindi, hindi ko pa napapatawad ang tatay ko. Hindi niya ako makikitang aasa sa kanya. Si Jessie. Alam ko namang kailangan ko siyang harapin, at lampasan. Pero bakit naman dito sa sarili niyang bahay iyun dapat maganap?

"... I thought Ate was laughing when she saw me in front of the coffin, standing still with tears endlessly falling from my eyes, pero hindi pala, she was crying na din..."

Tuluy-tuloy pala sa pagkukwento si Gab.

Kaya tinanggap ko na lang muna ang sitwasyon ko. Naaupo ako sa gilid ng kalsada at pinakinggan ang boses ni Gab. Kahit papaano, gumaan na din ang pakiramdam ko. Mahal ako ni Gabriel, kung anuman ang mangyari, matatapos ang lahat at sa dulo noon, may nagmamahal pa rin sa akin.

"Salamat Gab," sabi ko.

"Ha?" tanong niyang parang naputol ko ang sinasabi nang magsalita ako.

"Sorry, may sinasabi ka pala," sabi ko. "Nasaan na ulit tayo?"

"Lumilipad yata utak mo," sabi ni Gab. "You are not listening na, no?"

"No," sabi ko. "Sabi ko lang salamat. Na kahit nandyan ka, malayo, nararamdaman pa rin kita dito."

"Of course," sabi ni Gabriel. "I'll always be there for you. Kung nasaan ka, sasamahan kita. Kahit hindi physically. Pero darating din tayo sa physically na yan in a few days."

Dahil sa tawag ni Gabriel. Lumuwag muli ang mundo ko.

--- 

Bihira ang dumadaang sasakyan sa kalsada. Nakaupo pa rin ako kausap si Gabriel. Unti-unti, kumulimlim ang paligid. Medyo lumamig ang hangin. Hanggang sa may marinig akong motor na paparating. May malakas na hanging tumama sa katawan ko, na para bang kinalabit ako para lumingon sa pinanggagalingan ng roar ng motor.

Isang malaking motor ang papalapit sa akin at huminto sa tapat ng bahay nina Tito Raul. Bumaba ang lalaking kahit nakahelmet ay nakatingin sa akin. Naka-jacket siya at nakamaong, nakadagdag sa nakakatakot niyang itusra. Mukha siyang mama, mukha siyang kriminal. Kung ano ang gagawin niya sa akin, hindi ko alam, pero sigurado ako, ito na ang simula.

"Gab, tawag lang ako ni Mama," paalam ko.

"Sige," sabi ni Gabriel. "Basta, tawag ka lang pag may kailangan ka. At tatawagan kita palagi to check on you so keep your phone with you always..."

Tuluy tuloy pa rin sa pagsasalita si Gabriel. Naririnig ko pa siya habang nakatitig ang mata ko sa lalaking bumaba sa humintong motor. Inalis niya ang helmet sa ulo niya. Siya na nga.

Nakangisi si Jessie at mayabang na lumapit na akin.

Nakatulala ako.

Kinuha niya ang telepono kong nakatapat pa sa aking tenga. Nagsasalita pa rin si Gabriel.

Hindi ko alam ang gagawin ni Jessie sa phone ko. Itatapon sa malayo? Ibabagsak at tatapakan? Ingungudngod sa mukha ko? Nakatulala lang ako at hindi alam ang tumatakbo sa isip ng malaking lalaking nakaharap sa akin ngayon.

Tinapat niya sa tenga niya ang phone. Pinakinggan.

Naririnig ko pa si Gab na naghe-hello na parang tinatanong kung nandito pa ako.

Muling iniabot sa akin ni Jessie ang telepono ko.

"Last na 'yan," sabi niya.

Bumukas ang gate. Sumakay muli si Jessie sa motor at pumasok sa loob.

Naiwan akong nakatulala.

"Bye, Gab."



-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Oh Boy! I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon