"Padala ni Kristoff. Uminom muna kayo." Aniya at iniabot sa kanilang dalawa ni Bernice ito.

Sumimangot si Bernice pero kinuha din. Hindi man lang niya sinulyapan si Paris na panay ang titig sa kanya. Mabilis siyang umupo ulit at hinawakan ang straw. Bunaling ito sa mga kaibigan.

"Uh... Thanks, Paris." Sabi ni Olivia. Tumango lang si Paris at naglakad na din pabalik sa kinatatayuan niya.

Nagtagal ng ilang minuto ang bonfire. Ayaw pa kasi nilang magsibalikan sa kani-kanilang suite dahil mainit at wala pa ding kuryente.

Nakaramdam na siya ng antok kaya naman nagpaalam na siya. Maaga siyang nagising kanina. Sa gilid ng mga mata niya ay kita niya ang paglalakad din ng mga bantay.

May ilang emergency light ang nagbibigay liwanag sa hallway. Namimigay naman ang ilang staffs ng battery operated lamps sa bawat kwarto. Kinuha ni Kristoff ang isa at pinuwesto iyon sa pagitan ng kama nila.

Sa kaunting liwanag ay pansin ni Olivia ang pagsilip nito sa banda niya. Humiga si Olivia at pinilit na pumikit.

"M-Matutulog na ako. Please, leave the lights open." Bilin niya.

"Yeah." Humiga din si Kristoff sa kanyang kama at tumalikod sa kanya.

Mabilis siyang nakatulog sa sobrang pagod, hindi na inalintana ang init ng panahon.

"Mama! Dito na ba tayo titira?" Tanong ng batang si Olivia habang nakasunod sa isang guard na may bitbit ng bagahe.

"Oo, anak. Dito tayo titira. Excited ka na ba na makilala ang Papa mo?" Tanong ni Ofelia sa anak.

"Opo! Sasabihin ko kay Papa kung gaano ko siya namiss kahit na 'di ko pa siya nakikita. Mama, ang yaman pala ng Papa ko? Siguro malaki ang kwarto natin, 'Ma." Namamangha ng sabi nito.

Sa daan ay hinarang sila ni Esmeralda na nakataas ang kilay.

"Tingnan mo nga naman ang mga daga... Masyadong gustong maging kalebel ng mga pusa." Nanghahamak na sabi nito.

"Esmeralda, hindi ako naririto para guluhin kayo. Naririto ako para magtrabaho at para makasama ng anak ko ang ama niya."

Tumaas lalo ang kilay ni Esmeralda at humalakhak pa. Mas lalong humigpit ang hawak ni Ofelia sa anak.

"Lia, sa tingin mo ba ay may puwang ang bastardang iyan sa pamilya ng ito? Malaking pagkakamali ang nagawa ni Eduardo." Napailing ito.

"Hindi bastarda ang anak ko, Esmeralda. Pareho nating alam 'yan. May karapatan siya gaya ng mga anak mo dahil pareho ang dugong nananalaytay sa kanila."

Naputol lang ang usapan ng dumating ang isang katulong. Nakayuko ito at tila nagdadalawang isip na putulin ang usapan.

"M-Madame, pinapatawag na po kayo ni Donya sa loob. Kayo din po..." Anito at sumulyap kay Ofelia.

"Tss. Masyadong mabait si Mama para anyayahan kayo rito kahit na alam naman ng lahat na pera lang ang habol niyo." Umirap si Esmeralda at nauna nang pumasok.

Hinatid sila ng katulong sa malawak na sala ng mga Villafuerte. Doon nakaupo si Donya Frida Wilhelmina Villafuerte. Sa tabi nito ay ang mga manugang na si Alicia Villafuerte at Regina Villafuerte. Malalaki ang alahas at tumama agad ang mata sa mag-inang kasunod ng katulong.

"Lia," bati niya sa dating katulong.

"Donya." Bati din ni Ofelia. Minuwestra niya ang upuan kaya umupo sila.

Umupo si Esmeralda sa upuan niya nang may disgusto sa mukha. Bumaba naman ang magkakapatid na Villafuerte sa engrandeng staircase. Tumikhim si Esmeralda.

Bulletproof (Querio Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن