Hindi na niya hinintay si Kristoff at umalis na. Saka lang siya makahinga ng makasakay sa elevator. Naghanap siya ng kakainan sa baba. Namataan pa niya sina Jack, Dylan at Lui sa hindi kalayuan.

Sinenyasan niya ang mga ito na lumapit sa table niya na pinaunlakan ng mga ito.

"Upo kayo dito. Uh, sabayan niyo akong kumain." She said.

Nakikiramdam na nagkatinginan ang tatlo kaya napailing siya.

"Come on, guys. It's so lonely here." Sabi ni Olivia.

"Ma'am, we can't leave the parameter. Mapapagalitan kami ni Sir Kristoff." sabi ni Jack.

Ngumiwi si Olivia. Gusto lang niyang nakilala ang tatlo. Palagi na lang si Paris ang nakakausap niya at minsan, nakakasawa na din dahil masyado siyang maingay.

"Oh, come on! It's just a meal. Umupo na kayong tatlo. Ako na ang bahala sa abnormal niyong Captain." pilit niya.

Umorder na din ang tatlo. Noong una ay awkward pa pero kalaunan ay nag-umpisa na siyang magtanong. They're not that bad. Mula sila sa mga middle class na pamilya. May mga hitsura din sila at dahil sa pagsusundalo ay lalo silang kumisig. With all their tight shirts and muscles, hindi na siya nagtataka na pinagtitinginan ngayon ang table.

Naputol lang ang pagkain namin ng dumating si Kristoff. Halos mabulunan ang tatlo at mabilis na tumayo para harapin ang kapitan.

"What are you doing here?" Tila kidlat ang tanong na iyon.

"Pasensya na po, Sir." Sagot ni Dylan at tumayo ng tuwid.

"Bakit niyo iniwan ang parameter check? Hindi ba malinaw ang assignment na binigay sa atin ni Senator?" Sabi pa niya.

"Come on, Kristoff. Can't you just wait 'til they're done with their dinner?" Naiiritang sabi ni Olivia.

"Ma'am, huwag po kayong mag-alala. Tapos na po kami." Sabi ni Jack at tinanguan ang dalawa ng kasama.

Umirap si Olivia.

"Oh, shut it... Hindi pa nga nangangalahati iyong inorder niyo. Sit here and finish your dinner."

Hindi nalaman ng tatlo kung sino ang susundin.

"No."

"Captain, I'm your boss. Can't you take my order? Let them eat first. Nasaan si Paris? I don't want you guys to do your job with an empty stomach. Kumain ka na din muna and stop blabbering." kontra niya.

Umangat ang kilay ni Kristoff sa sinabi ni Olivia.

"You're not my boss, Olivia. Your uncle is my boss." Giit niya at binalingan ang tatlo. "Sit and finish your dinner then go back to your posts."

Tumango ang tatlo at sumaludo pa sa ngayon ay tumatalikod na sundalo. Uminom ng tubig si Olivia habang umupo ulit ang tatlo.

"Sadya bang ganyan kasungit 'yang Captain niyo?" Tanong niya.

"M-Medyo lang po. Nung nakaraan 'yan lang sumungit ng todo." Sagot ni Lui.

"Nakakainis siya minsan. Err, wait let me correct that... Nakakainis siya all the time!" Rant niya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Ginagawa lang naman niya ang trabaho niya, Ma'am. Nung nasa PMA kami at senior namin siya palagi siyang pinupuri ng mga instructor namin kasi responsable, matalino at magaling 'yan." sabi ni Lui.

Tumaas ang kilay ni Olivia.

"Teacher's pet?" Tanong niya pa.

Umiling si Jack.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now