"The night I got lost, I think? Sa bar?" Sagot niya.

Kumunot ang noo ni Kristoff.

"Sa kanya ka natulog?" Tanong pa nito.

Umiling si Olivia.

"Nope. Sa ibang kaibigan, Captain." Sagot niya at nagtype na ulit.

Akala ko ba wala 'tong interest sa akin? Bakit tanong siya ng tanong ngayon?

"Babae ba o lalaki?" Tanong ulit nito na halatang na ang tensyon.

Doon ay napatingin na si Olivia. Ngumuso siya at tinuon ang buong atensyon kay Kristoff.

"Lalaki."

"What?" Ramdam niya ang iritasyon ni Kristoff para sa kanya.

"Olivia, what the hell are you thinking? If your Dad and uncle knew about this, he's a dead meat."

Then, your brother's a dead meat. Gustong gusto niya iyong isagot pero nanahimik na lang siya.

Binalik niya ang tingin sa ginagawa dahil nakarating na siya sa school. Niligpit niya ang laptop at nilagay iyon sa kanyang bag. Pero nang papalabas na ay nagtanong ito.

"Sino ang kasama mo?"

Hindi niya iyon pinansin at tumungo na sa pagkikitaan nila ni Clarence. Pero bago pa siya makalayo ay hinila siya nito.

"Ano ba, Kristoff? Can't you just shut this conversation off?" Naiirita niyang sinabi.

"No. This is my job, Olivia. I can't stay silent about this."

"Basically, not. Day-off mo iyon. And 'di ba sabi ko, ibalik mo ang mga inalis mo?" Irap niya.

He wants her to grow up. At iyon ang ginagawa ni Olivia. If Kristoff doesn't feel the same with her, ay ititigil na niya ito.

Kaso hindi niya nakuha ang pangingialam niya sa dalaga. Paano niya magagawa ng maayos ang paglayo kung ganito palagi si Kristoff.

"Just tell me, Olivia." May din na sabi niya.

Tumigil si Olivia para harapin si Kristoff.

"Kristoff, kahit na parte man ito o hindi ng trabaho mo... Wala kang karapatan na pilitin akong sabihin ang tungkol sa anumang aspeto ng pribadong buhay ko." Huminga siya ng malalim.

Nakatitig lang ng seryoso din sa kanya si Kristoff. Nakapamulsa ito at maigting ang panga.

"Come on, Kristoff. Stop being so nosy about my life. Kung ayaw mong makialam ako sa buhay mo... Then, tigilan mo din ang makialam sa buhay ko."

Tinalikuran niya ito at hinarap ang napatingin na si Clarence na sa 'di kalayuang table.

Umupo siya sa harap nito at tipid na ngumiti. Ngumiti din si Clarence pabalik.

"Uh, hi... I'm sorry sa pagiging istorbo ko. Nahihirapan kasi ako sa Econ, eh." Binuksan niya ang laptop at pinabasa iyon kay Clarence.

"Sure, no problem."

Binasa niya ang nasa laptop ni Olivia. Nahihirapan siya kaya naman lumipat si Olivia sa kanyang tabi para hindi na ito mahirapan.

Nagkangitian sila. Totoong tinulungan ni Clarence si Olivia. Nagulat si Olivia sa dami ng alam ni Clarence sa subject na ito. May mga binigay pa iyong title ng libro na pwede ng maging references niya.

Sumandal naman sa puno si Kristoff at pinanood na parang lawin si Olivia at Clarence. Sa tabi niya ay si Paris na nakangiti at panay ang pacute sa mga kolehiyala na dumadaan.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now