Umiling siya at nagtipa ng reply.

Olivia: No need. Let me treat you, this time. I need to say thank you for the shoes though.

Clarence: Then, consider it done.

Nakahinga naman ng maluwag si Olivia, binabalak na niyang ibalik ang sapatos kay Clarence. Simula kasi noong sa Nike, naging weird na ang paligid at aura ng protection squad niya.

Naglakad sila ni Paris sa cafeteria. Umupo siya sa usual spot kung saan siya kumakain at hinintay ang pagdating ni Clarence. Halos mabitawan niya ang hawak na coffee nang makita si Clarence, kasama ang teammates. Kita niya ang pagdikit ng titig ng mga kababaihan sa grupo.

Well, they're the guys who's on tv. Marami din silang fan outside school. Mas lalong nagbulungan ng lumapit sa kanya si Clarence at umupo sa harapan niya.

She just smiled and put her coffee down.

"So, shall we eat?" tanong niya.

Tumango si Clarence at tiningnan ang pagkain sa counter.

"Anong gusto mo? I'll go buy it."

"Oh, no. I told you, right? My treat." Hinawakan ni Olivia ang kamay ng papatayong si Clarence para pigilan ito.

Ngumuso si Clarence at tinapik ang kamay niya na nakahawak sa braso niya. There's a rumor in his face.

"I don't let a woman pay for me. It's no biggie, Olivia."

Wala na siyang nagawa. Pinanood nalang niya ang pagpila sa counter ni Clarence para pumili ng kakainin nila. Napalingon siya sa pintuan kung saan doon nakatayo si Kristoff na nakatingin din kay Clarence. Maya-maya pa'y nilipat nito ang tingin sa kanya kaya naman nag-iwas agad siya ng tingin at tinuon ang paningin sa mga kagrupo ni Clarence na nagtatawanan sa 'di kalayuan.

Shit, bakit ba nakatingin sa akin ang lalaking iyon? Aniya sa kanyang utak. Palagi na lang siyang naguguluhan kay Kristoff. Well, palagi siyang cold nung nakaraan sa kanya kaya naguguluhan siya. Kung hindi siya nagseselos, bakit ganito siya? Pagod sa trabaho? O dahil sa personal matter na pinuntahan niya?

Naputol lang iniisip niya ng dumating si Clarence dala dala ang pagkain nila. Umupo ito sa harap niya, dahilan para matakipan si Kristoff na nasa sa kabilang table lang.

"Umpisa na ulit ng UAAP season this weekend." Umpisa ni Clarence.

Ahh. Kaya siguro may dala dala na siyang gym bag. Sumubo na siya ng kanin at pilit na tinuon lang tingin sa pagkain.

Aksidente namang napatingin si Olivia sa sapatos ni Clarence at napanganga ng mapagtantong couple shoes ang sapatos nila.

Kaya ba ayaw ipasuot ni Paris lang sapatos sa kanya?

"Olivia? Are you listening?" Tanong ni Clarence ng mapansin ang pagkatulala ng dalaga.

"Uh. I forgot to do something for my next class. I need to go. Sorry."

Halos kumaripas siya at 'di na nilingon si Clarence kahit na tumatawag ito. Mabilis niyang sinenyasan si Paris patungo sa kotse.

"The heck, Paris? Bakit hindi mo sinabi?" Sisi niya sa bodyguard.

"Ang alin, Ma'am Olivia?" Nagtatakang tanong into habang kumakain ng burger.

"Na ang sapatos na ito ay couple shoes! Kaya pala panay ang ngisi ng mga kaibigan niya sa amin."

Agad niyang hinubad ang sapatos at tinaas ang paa niya sa backseat at sinamaan ng tingin ang binata.

Natahimik lamang sila ng pumasok sa driver's seat si Kristoff.

Bulletproof (Querio Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora