"Uh, dumating ang bodyguard ko. So, I had to be separated from him. You know, Tito will get mad. Nasaan kayo?" tanong niya sa mababang boses para hindi iyon marinig ni Kristoff.

Anong klaseng rason iyon? Hindi porket dumating ang bodyguard ay lalayo siya sa kadate niya. He's just a bodyguard! Wala siyang pakialam kung kanina niya gusto sumama.

"Nasa Nike kami. Bumibili sila ng sapatos. We'll wait here." sabi ni Dani.

Tumingin siya kay Paris at Kristoff na nakikinig sa kanya. Ngumiwi siya at tinuro ang labas. Hindi niya akalain na titig na titig ang mga lalaki sa kanya. Sa di kalayuan, naroon sina Jack at ang iba pa na nagmamasid.

"Sa Nike tayo. I'll meet my friends."

Panay ang titig sa kanya ng ilan tuwing nakakasalubong. Nasa gitna kasi siya ni Kristoff at Paris, habang nasa likuran niya ang tatlo pa. At di naman maitatangging lahat sila ay matipuno at may hitsura. Kung dati ay ayos lamang sa kanya ang pagtinginan, ngayon ay parang gusto niyang ipagdamot ang lima.

Pumasok siya sa Nike at nadatnan si Brent at Dani na nagfifit ng couple shoes. Si Clarence naman ay nakatalikod sa kanya at nakatingin sa shelves ng mga sapatos. Tumikhim siya at tiningnan si Kristoff.

"Stay here." Hindi na niya hinintay at naglakad na siya papunta sa mga kaibigan. Tumango siya sa dalawa at pinuntahan si Clarence na wala pa ring alam sa nangyayari. May hawak itong kulay puting sneakers.

"That will suit you." aniya na nakapagpalingon sa lalaki. Halata ang gulat rito at binaba agad ang sapatos.

"Why are you here?" tanong ng lalaki at nilingon ang mga bantay ni Olivia. Lumunok ito at ngumiti.

"It's rude to go home without saying goodbye to you. Besides, I enjoyed our time." Ngiti niya.

She's not rude. She like Clarence as a friend. Tiningnan niy ang binabang sapatos nito at kinuha iyon para suriin. Ngayon ay napagtanto niyang pambabae iyon.

"For someone? special?" tanong niya. Tumango naman si Clarence at ngumiti sa kanya.

"Yup. For you."

"No need t-"

"Oh, I insist. That's a thank you gift for spending this day with me." Hinawakan ni Clarence ang magkabilang braso ni Olivia at iniupo ito sa malapit na couch at kumuhod.

Kinuha niya ang sapatos at hinubad ang heels ng dalaga. Pinatong nito ang kaliwang paa ni Olivia sa kanyang tuhod at doon kinalas ang lock ng heels nito. Nakatitig lamang si Olivia sa kanya. Gusto man niyang pigilan si Clarence, ay hindi niya magawa. He's so kind for her to hurt. Kaya kahit naiilang ay umupo siya ng tahimik at hinayaan ang binata na isuot ang sapatos.

"It fits you." Ngiti nito.

Nilingon ni Clarence ang saleslady para humingi ng bagong stock ng sapatos. Binalik din niya agad ang sapatos. Binuksan niya ang bag niya pra bayaran iyon. Pero agad na binigay ni Clarence ang kanyang card sa saleslady.

"Clarence, I can pay for that." sabi ni Olivia at pilit na binibigay ang kanyang card. Umiling si Clarence sa kanya at ngumiti.

"That's my gift, Olivia. Do not worry about it. I can buy you ten more shoes, if you want. I don't care, as long as it's you."

Uminit ang pisngi ni Olivia sa kahihiyan. Ito ang unang beses na ibinili siya ng sapatos ng iba. Sa sobrang hiya, napatingin siya sa banda ni Kristoff na nakatayo lang sa pintuan at pinapanood sila. Nag-iwas siya ng tingin muli at tiningnan na lamang ang babaeng nilalagay sa paperbag ang sapatos. May isa pang paperbag doon na iniabot naman kay Clarence.

Bulletproof (Querio Series #1)Where stories live. Discover now