"And? Wag ka paapekto kung di totoo noh. Tsaka wala naman yan sa sinasabi ng ibang tao. Nasa paano mo pinapahalagahan yung sarili mo yan. Violet Ree Arcillas nga pala," I extended my hand for a hand shake.

"Stephen Josef Caynes," he took my hand.

Pagkatapos ng introductions namin, lumapit yung director.

"Sef, Violet, we'll go ahead. May ibang shoot pa kami. Hindi pa ba kayo aalis?"

"Oh, we'll stay for a couple of minutes." sagot ni Sef sa kanya.

Dahan-dahang tumango si direk at nagtaas ng kilay. Baket feeling ko may something siyang naiisip?

Hinatid namin sila sa sasakyan nila at tapos, naglakad lakad kaming dalawa. Mataas na ang araw pero eto kami, feel na feel ang paglakad sa seashore. :P

"Makiki-feeling close na ko ah. Kelan ka nagstart maging model?" usisa ko.

"Oh. When I was 18. Yung mga kapatid ko e model din kaya napasok ako agad sa industriya. I started as a ramp model sa France dahil matangkad naman ako hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Hanggang may kumuha sa aking agency dito sa Pinas at dito ko pinagpatuloy yung pagmmodel ko."

"Oooh. Ang ganda naman pala siguro ng lahi niyo. Model ba naman ang lahat ng kapatid? May lahi ka ba? Hindi ka kasi mukhang Pinoy."

Natawa siya, "I'm one fourth English, one fourth American, and half Pinoy."

"Wow. United nations ba yan? Sosyal ka! Soo, may girlfriend ka na?"

He smiled. Napaghahalataang in love!

"Well, yeah. But she's not here. Actually, sa France kami nagkakilala. I think you know her."

"Really? Baket ko naman kilala? Ohw! Sikat ba?"

"Yeah. Mas sikat sakin. Pero hindi alam ng public. Kaya wag mong ipagkakalat ah."

"Promise!" I pledged. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Kwentuhan lang din. Mga 11 nung nagdecide kaming umalis na. Iitim na ko neto e.

"Nice meeting you, Violet. Sana makasama kita sa iba kong projects," sabi niya pagkahatid niya sakin sa kotse ko.

"Sus, sana nga at ng malibre mo ko some other time. Ipakilala mo rin sakin yung gerpren mo ha."

Tumawa lang siya saka kumaway.

"Adieu!" at nagdrive na ko paalis.

***

Dumiretso ako sa kitchen at napaupo sa stool.

"Oh? Baket namumula mukha mo? Nagbeach ka ba?" tanong ni Ate Nora, cook namin dito sa Essence. Masarap siyang magluto. Hindi siya nakapag-college pero talo niya pa yung mga chef na nakapag aral ng culinary.

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now