Kaekekan Chapter

1.3K 35 5
                                    

Jamael

Ilang taon na rin ang nakalipas, single pa rin ako. Ilan taon na rin ang nakalipas, nagmomove on pa rin ako. Ilan taon na ang nakalipas, minamahal ko pa rin siya ng patago. Tanga pa ako? Siguro nga. Tanggap ko naman ng wala ng mangyayareng kami e. Kaya nga di na ako nagreklamo e, di na ako lumaban at di na ako sumabat sa pagmamahalan nila.

Kahit naman papaano naiibsan ang lungkot na nararamdaman ko. Tulad ngayon, nakaupo lang sa tabi ng dagat habang tinitignan ang paglubog ng araw. Kasama ko yung alak na di ako iniiwan.

"Ikaw na 'ata ang makakasama ko sa pagtanda!" Natawa ako sa sinabi ko. Nababaliw na yata ako e. Baliw na baliw sa kanya. "Sumagot ka gago! Sabihin mo, 'di kita iiwan' para naman magkaroon ako ng lakas ng loob para magpatuloy sa buhay,"

Simula kasi ng kasal na iyun, lumayo na ako sa kanila. Pumunta dito sa Zambales para dumistansiya at para na rin makamove on-kaya lang wa-effect pa rin. Sa bawat araw na lumilipas inom alak lang ang ginagawa ko. Minsan iiyak dahil sa katangahan. Iiyak hanggang sa tumahan. Hirap pala talaga kapag sobrang mahal mo yung isang tao. Magsisisi ka kasi di ka umamin agad. Magdudusa ka kasi di mo sinabi ang nararamdaman mo. Bakit kasi di ako lumaban non? Bakit kasi di ko pinagpilitan non? Hays. Tinuruan kasi ako ng Mommy ko nun na kapag di para sayo dapat daw matutong magparaya di raw ibigsabihin nun duwag ka at gawin mong dahilan kung bakit nagparaya ka is dahil mahal mo siya. Siguro naiapply ko iyun nun.

"WAAAAA! Wag mo kong hahawakan! Wag kang lala--"

Nagulat ako sa sigaw na iyun mula sa di kalayuan. Nilingon ko ang pinanggalingan at napansin kong may isang babae na hinihila ng isang lasing na lalaki. Napatayo ako at nilapitan sila.

"Hoy bitawan mo siya!" Sigaw ko.

"At sino ka!?" Sigaw na tanong naman sakin nung lalaki. Nakakatakot yung mukha niya at mukhang adik.

"Di mo gugustuhin na makilala ako kaya bitawan mo na siya," nagpamewang ako at tinignan yung babae, maganda siya at punong-puno siya ngayon ng takot.

"Wala kang respeto!" Sigaw saakin ulit nung lalaki.

"Mas nakakawalang respeto ang pagtrato mo ngayon sa babae. Hinaharass mo siya, bastardo! Bitawan mo siya hangga't nakakapagtimpi pa ako!" Sagot ko sa kanya na mukhang mas nagpainit ng ulo niya.

Binitawan siya yung babae at sumugod saakin ng suntok. Buti na lamang at nahuli ko yung kamao niya at nasuntok ko siya sa mukha. Matagal na rin akong di nakakasuntok ng mukha ah. Natumba siya sa buhanginan.

"Ano!?"

Muli siyang tumayo at sumugod saakin. Akala ko susuntukin niya ako iyun pala ay yayakapin niya ako hanggang sa matumba ako at madaganan niya. Pinagsusuntok niya ako sa mukha. Di ko naman nararamdaman yung sakit. Manhid na ba ako? Punyeta.

"Paki-lakasan naman," sabi ko sa kanya.

Pinagsusuntok niya pa ako at di na ako lumaban. Hinayaan ko na lang na basagin niya ang gwapo kong mukha total basag na rin naman yung puso ko. Hinihiling ko na sana tapatan man lang ng suntok na natatanggap ko ang sakit mula sa puso ko. Sana naman sa suntok na ito magising na ako. Sana sa suntok na ito makalimot na ako. Sana sa suntok na ito, mawala na ako.

Napapikit ako at nilasap ang mga suntok pero ilan sandali lang nawala na yung sumusuntok kaya napamulat ako. Nakabulgta na yung lalaki at napansin ko yung babae na may hawak na kahoy. Nilapitan niya ako at sa sumunod na nangyare ay di ko na siya nakita. Nawalan na ako ng malay.

--

"Kuya! Kuya!"

Tinapik ko yung dumudotdot sa pisngi ko habang nakapikit pa. Inaantok pa ako at ayuko ng may isturbo sa pagtulog ko ngayon.

"Kuya gising na, tanghali na. Nandito ka pa rin sa kwarto ko!"

Napamulat ako ng mata at bumungad sa harap ko ang mukha ng babaeng maganda. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nilibot ng mga mata ko ang paligid ng kwarto. Di ko nga ito kwarto.

"Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko.

"Hala Kuya! Nagka-amnesia ka ba dahil sa bugbog ng adik na yun?"

Biglang pumasok sa isip ko yung nangyare kahapon. Oo nga't pinagbubog-bog ako ng adik na iyun at hindi ako lumaban dahil lang sa gusto kong tapatan ang sakit sa puso ko. Mukhang nagsisisi na ako dahil namamaga ata ang mukha ko.

"Kuya, thank you nga pala ha,"

Tumango na lang ako at umupo. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit nito. Wow kahit papaano naging sapat yung sakit nun.

"Kuya okay ka lang?" Tumango ulit ako bilang sagot. "Kung sana lumaban ka lang dun sa adik na yun edi sana di ka nabugbog ng ganyan."

Ngumiwi na lang ako at tumayo na at tinungo ang banyo. Nakita ko yung mukha ko sa salamin na namamaga nga. Napailing na lang ako at binuksan ang gripo. Naghimalos ako at nakaramdam ako ng hapdi. Tangina, sising-sisi na ako na di ako lumaban.

"Kuya okay ka lang ba?"

Nagpunas na ako ng mukha at lumabas ng banyo. Nakaupo pa rin siya sa kama at nakatingin saakin. Humarap ako sa kanya at tinitigan. Bigla siyang nailang.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"A-Ako s-si Kaye!" Sagot niya.

Kaye..

--
TULOY O HINDI?

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon