Chapter 9

2.6K 91 0
                                    

Nakaaligid lang sakin yung pating at alerto ako. Nang nakita ko siyang pasugod ay napapikit akong inihampas ang katana sa pating. Pagmulat ko kulay dugo na ang tubig. Umahon ako at nakahinga ng malalim. Sa wakas natalo ko yung pating. May dumating naman na mga lalaki at iniahon nila ako sa tubig.

"Angas!" Sabi nung isa.

Nakakita ko na sa wakas ang mukha ng pamilyar na yun. Ililigtas niya ko. Sa seryuso niyang mukha alam kong nag-aalala siya. Nagkaroon ako ng lakas. Samantala, nagpapalakpakan naman yung iba ng pababa ako. Pagbaba ko, nagkatinginan kami. Di ko na mapigilan pa yung sarili ko kahit na masakit yung paa ko ay buong lakas akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya ng sobrang higpit. Napaiyak na lang ako.

Ang saya ko kasi nakita ko.na ulit siya. sana bukas okay na. Sana bukas magising na ko sa masamang panaginip na toh. Sana bukas nakaakbay na ulit sakin si Martian at.sana sweet na ulit kami.

"I love you Martian!!" Sinasabi ko yun sa kanya ng buong puso. At unti-unti pa akong nawawalan ng malay.

-------

Nagising ako dahil sa gutom. Pagmulat ng mata ko nandito na ko ulit sa kwartong toh. Nakakadena ulit ang paa't kamay. Bigla namang pumasok yung mga lalaki dala yung tray ng pagkain. Naalala ko si Martian dahil.sa tsokolate na nakapatong dun. Si Martian nga pala.

"Nasaan si Martian!!!??" Sigaw ko pero walang sumagot at umalis na.

Kinuha ko yung tsokolate at naiiyak ako kasi naalala ko yung mga pangarap namin. Yung mga sumpaan. Bakit kasi nangyayari lahat ng toh!! Yung mga sinabi niya sakin noon pinanghawakan ko yun at itinago sa puso ko. Di ko binitawan ni-Tuldok ng sinabi niya.

Kumabog yung dibdib ko ng makita ko siya na niluwa ng pintuan. Napangiti ako at napatayo.

"Martian, babe bumalik ka! Ayuko na dito, uwi na tayo!" Sabi ko sa kanya. Di siya sumagot. "Babe".

Lumapit ako sa kanya para yakapin pero lumayo siya na parang nandidiri.

"Makakalabas ka lang kapag napagbayaran mo na ang lahat!" Sabi niya, may galit yun at di ko maintindihan.

"Anong ibig mong sabihin?" Natawa siya at nakakatakot yung mukha niya. Hinawakan niya din yung balikat ko ng sobrang higpit at ang sakit.

"Oo nga pala wala kng kasalanan.." sabi niya. "..yung kuya mo yung may kasalanan!! Kaya ikaw yung ibabayad namin sa buhay ng GIRLFRIEND KO!!" sigaw niya sakin tsaka niya ko binitawan.

Di ko maintindihan yung nangyayari. Sinong girlfriend niya? So hindi ako at si Kuya, di niya yun magagawa. Kilala ko si Kuya.

"Di magagawa ng kuya ko yun!!! Di niya kayang patayin yang girlfriend mo na yun!!!!!" Lumuluha na ko at nasasaktan. "..di ba ako yung mahal mo?? Di ba ako?"

"Di kita mahal!!!! At kahit kailan di kita minahal" di naman ako makahinga ng sabihin niya yun. ", galit lang ang nararamdaman ko sayo at hindi pagmamahal!!!"

Iyak ako ng iyak habang sinasabi niya yun. Kasi sobrang sakit eh mahal na mahal ko siya tapos ang totoo, ang sakit!!! Ang sakit!!!

"Ibalik mo si Martian!!! Ibalik mo yung totoong minahal ako!!!" Halos magwala na ko habang sinasabi ko yun.

"Walang Martian ang nagmahal sayo!!!" Sigaw niya.

Parang dinudurog yung puso ko sa mga naririnig ko ngayon. Sobrang sakit pa, mas masakit pa sa.kagat ng pating sa binti ko. Kahit na umiyak ako ng umiyak nasasaktan pa.din ako. Totoo pala yung sinasabi nilang masakit kapag nalaman mo yung totoo. Ano ba kasing nagawa ng Kuya ko!

"Ano bang nagawa ng Kuya ko para ganituhin mo ako?" Tanong ko sa kanya. Nakatingin lang siya sakin. "Ano bang nagawa ng KUYA KO SA MALANDI MONG GIRLFRIEND!!!???" sigaw ko ng di niya ko sagutin pero~~

***SLAP***

He slapped me tapos hinawakan niya ng mahigpit yung pisngi ko. Sobrang sakit nun.

"Wag mong sasabihan ng malandi ang girlfriend ko dahil mas malandi ka pa sa kanya!!!!" sigaw niya sa mukha ko. "Tinatanong mo kung ano yung ginawa ng Kuya mo sa girlfriend ko hah!!! Pinahirapan niya!!! Sinaktan niya!! Lahat yun.mararanasan mo!!!" Sigaw niya sakin.

"Gawin mo!! Gawin mo!!! Mga hayop.kayo!! Mga manluluko!!" papaos na sigaw ko. Iyak ako lang ng iyak.

Umalis na sila at habang ako iyak lang ng iyak. Parang may nakasaksak sa dibdib ko sa sobrang sakit. Niluko nila ako!!! Gusto kong magwala!! Gusto kong sumigaw!! Gusto kong magalit at maghigante pero parang di ko.na yun magagawa dahil huli na!! Pero di ako mawawaln ng pag-asa hanggat buhay pa ko. Matitikman niyo yung galit ko!!! Matitikman niyo ang batas ko!!!!!!

---

Sorry for typos error!!!

Vote and comment!!!

Vote naman para ganahan ako!!!

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon