CHAPTER 40

1.6K 51 0
                                    

Mhea's Pov

Nagising ako ng walang gumigising sakin at walang breakfast on bed, di ako sanay. I mean arggh! May kulang.

Napaupo ako mula sa pagkakahiga. Pinagmasdan ko ang paligid ko na parang may magbabago. Bumagsak yung balikat ko at sabay ng pagbuntong hininga.

Naisipan kong puntahan ang kambal kaya bumaba ako ng kama ko at sinuot yung slipers ko. Lumabas ako ng kwarto ko at nilakbay ang hallway patungo sa kwarto ng kambal. Pagkatapat ko sa pinto, nakita kong bukas. Binuksan ko yun ng unti para makita ang nasa loob, Si Martian.

Napangiti na lang ako ng makita ang mukha niya. Nung ngumiti si Martian, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Di ko alam kung bakit kaya napahawak na lang ako sa dito.

Nakita kong papalingon si Martian kaya nagtago ako at tsaka tumakbo pabalik ng kwarto ko. Nang makapasok ako ay sinara ko 'to agad at napasandal sa pintuan.

Biglang nagsink in sakin ang ginawa ko. Para akong tanga!

Ano ba yung ginagawa ko!? Baliw na ba ako!? Bakit ganon!? Why!? Ginagawa kong tanga yung sarili ko. Di ko maintindihan. S**t!

**knock**knock**

Napatalon ako sa narinig kong yun. Napailing pa ako habang humihiling na sana hindi yun si Martian. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi yun si Martian. Isa sa yaya dito.

"Good Morning Ma'am, breakfast is ready!" Ngumiti siya ng matamis.

"Okay," sinara ko ulit ang pinto.


Suot ang simpleng damit ay bumaba na ako. Nakita kong andun na lahat pati yung mga babies ko at lahat nga—. Lumapit ako sa kambal at humalik.

"Morning babies," sabi ko at bumati din ng "Good Morning!" Sa kanila bago ako umupo.

Nakarecieve ako ng good-morning-too pero sa isa wala. Fck! Who cares.

Nagsimula na kaming kumain. Kutsara at tinidor lang ang maingay sa sitwasyong yun. Walang nagsasalita. Ghad! Pero buti na lang may nagsalita.

"Ma'am Mhea, may nakalap kaming impor—"

"Mamaya mo na yan sabihin, kumakain tayo." Maawtoridad na sabi ni Martian.

Oh! Wait! What! Napatingin ako kay Rhea. Nagtatanong ang mga titig ko sa kanya pero kinibitan niya ako ng balikat.

"Sorry p—"

"Tell us kung ano man yan!" Sabi ko kay Ton.

"I said—"

"I said Yes!" Putol ko sa sasabihin niya. "Come on Ton!"

Siguradong nalilito si Ton. Nakatingin ako kay Martian habang nakataas ang isang kilay ko. Pero blankong mukha lang ang binigay niya sakin.

"Sabihin mo na Ton," sabi ko habang di nawawala ang tingin ko kay Martian.

Pabagsak na binaba ni Martian ang kutsara't tindor niya at tsaka tumayo at umalis. Sinundan ko siya ng tingin, sa labas siya dumeretso. ANUBA!! Napatayo ako at napapamewang.

"Ano bang nangyayare!? Anong problema!? I can't believe it!" Kung nagulat sila sa ginawa ni Martian mas nagulat sila sa ginawa ko.

"Affected leng?! Keep calm and eat your foods teh!" Rinig kong sabi ni Rhea, di ko siya tinapunan ng tingin. "Jetlags lang yan, relax!"

Umupo ulit ako at sinimulan ang pagkain. Dahil ba yun sa nangyare, sa mga nasabi ko. Ano bang nangyayare sakin? Ba't nasasaktan ako sa ginagawa niya? Ba't parang gusto kong maging okay na ulit, gaya nung dati na paggising ko andiyan siya. Yung siya ang bahala sa breakfast ko, yung siya ang kalaban ko sa training, yung tinutulungan niya ako sa mga bagay. Nahihirapan ako sa sitwasyon namin. 

Natapos na kaming kumain. Dinala ko yung kambal sakay ng stroller sa labas ng bahay para makalanghap ng hangin. Naglalakad lakad kami sa ganden nang mapansin ko si Martian sa silong ng puno, nakaupo at nakasandal siya sa puno. Natutulog. Kusang naglakad ang paa ko palapit sa kinaruruunan niya. Di ko din alam kung bakit ako umupo sa tabi niya.

"Galit ka?" Bulong ko na ako lang ang nakakarinig, "Ako naman ang hihingi ng sorry. Bakit ba kasi ganyan ka?" Naramdaman kong nag-init ang gilid ng mata ko. "Ngayon nagsisisi na ako sa mga nagawa ko sayo kasi—" tinignan ko siya, tinignan ko ang nakapikit niyang mga mata. "—napatunayan ko na sa sarili ko na MAHAL pa rin pala kita." May luhang tumulo sa mga mata ko.

Mahal ko pa din si Martian. Di ko lang maamin sa sarili ko. Di ko lang masabi kasi meron pa ding duda. Duda na baka palabas lang ulit to. Pero nagkamali ako, pinagdudahan ko si Martian. Totoo siya, naramdaman kong totoo lahat. Bakit ba kasi antanga ko!?

"Sorry Martian, sana di ka tuluyang bumitaw," bumaba ang tingin ko sa labi niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa labi.

Ilang segundo lang ang tumagal at binitawan ko na ang labi niya. Pinunasan ko ang mata ko at tsaka tumayo. Tinulak ko na ulit ang stroller at lumayo dun.
Naramdaman kong namasa ulit ang mga mata ko at di ko na napigilan ng tumulo ang mga luha. Luha ng pagsisisi, pagsisisi sa pagpapahirap sa kanya, sa pananakit sa kanya. Luha din ng pagpapatawad, pagpapatawad sa mga kasalanan niya sakin noon. Naipon lahat ng luha ko at ansarap sa pakiramdam na maibuhos lahat.

Inaalala ko lahat ng mga sakit, paghihirap ko. Nakakatawa, magiging wala na lang yun sakin. Magiging isang alaala na lang yun na lilimutin ko. Bubuo ng bago kasama ang mga mahal ko.

Napasinghot ako at pinunasan ang luha ko na dumaloy sa pisngi. Wala ng tumulo, wala na. Naubos na lahat.

Bumalik na ako ng mansyon.

-to be continued-

Please comment and vote.

Magcomment naman kayo.
Opinyon niya sa story ko.
Ano??

#DODONGKO

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon