CHAPTER 43

1.5K 48 1
                                    

A/N: Thank you sa patuloy na nagbabasa 😊😊
Sorry sa mga typos ko,
sorry din kung maikli yung mga updates. Hahabaan ko na po ng unti 😂😂😂 jk.
Sana magvote din kayo para naman ganahan ako sa pagsusulat.

correction lang po 😂😂 Si Kate po pala yun hindi Kaye.
Sorry po tanga lang yung author 😔😔😂😂
Naedit ko na phoue

Mhea's POV

Nanginginig ang mga daliri ko habang hinuhugasan ko ng tubig ang kamay ko na puro dugo. Umaagos rin ang luha ko galing sa mga mata ko. Di ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman, basta ang alam ko lang napagtagumpayan kong patayin si Kate, napagbayaran na nya ang ginawa nya. Ang utang niya sakin.

Nawala na ang ilang dugo pero sa dalawang kamay ko ngunit bakas pa rin ang dugo damit ko. Hinayaan ko na lamang ito. Pumunta na ako sa pinto at pinihit ito, pagbukas ko. Nagulat ako kay Martian. Dali siyang pumasok sa loob at nilock ang pintuan.

"Ano bang pinag--"

Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil sa nakita nya sa sahig. Si Kate na duguang nakahilita sa sahig habang wala ng buhay.

"A-a-"

Napatingin sakin si Martian na may gulat sa mukha. Yung mga mata niyang may pag-aalala at parang nagtatanong na rin. Yun bang parang tinatanong niya kung paano ko yun nagawa o bakit ko yun nagawa.

"Bagay lang sa kanya yan. Bayad na siya sa kasalanan niya." Sabi ko sabay tingin sa katawan ni Kate. "Di mo masisisi, Martian. Naniningil lang ako."

Nag-iba yun tingin niya sakin. May pagkadismaya, galit, inis. Di ako sanay na makita syang ganon, parang dinudurog ako. Di ko kaya.

"Mhea naman! Pinapahamak mo ba yung sarili mo!?" Sigaw niya sakin.

Di ako sumagot. Nanahimik lang ako. Oo pinapahamak ko sarili ko pero kaya kong lumaban. Kaya ko silang patayin. Kung iniisip niya na mahina ako, nagkakamali siya. Malakas na ako, malakas na malakas.

"Aalis na tayo rito!" Sabi niya sabay tanggal ng jacket at isinuot sakin.

Hinila niya ako palabas ng cr hanggang palabas. Hila-hila niya ako hanggang sa umabot na kami sa parking lot. Isinakay niya agad ako sa sasakyan at sumakay na rin sya. Paharurot nyang minaneho ang sasakyan. Agad akong nagseatbelt.

"Martian dahan-dahan lang naman!" paki-usap ko sa kanya.

Di siya sumagot. Mas binilisan niya pa ang pagmamaneho. Napapakapit na ako at parang humihiwalay yung kaluluwa ko sakin sa sobrang bilis niya magmaneho. Mukhang galit na galit siya sakin. Masisisi niya ba ako, galit na galit ako sa Ma-Ka-Ma. Isa si Kate sa gumawa sakin ng masama, niluko niya ako. Kaya napatay ko siya. Naghigante lang ako, naningil sa kasalanan nila.

Pero bakit ganito yung pinapakita ni Martian. Dapat di siya ganito, dapat hinahayaan lang niya akong gawin ang gusto kong maghigante. Bakit ansama-sama ng loob niya nang makitang patay na si Kate. Bakit, dahil ba kapatid ng Kate na yun ang ex-girlfriend niya? Yun ba yun.

Napatingin ako sa tabi kong bintana ng makita kong may palabas na malaking sasakyan sa kanto.

"STOP!!" sigaw ko at agad naman naihinto ni Martian yung sasakyan na gamit namin.

Dumaan sa harap namin ang malaking sasakyang yun at muntikan na kami. Buti na lang at naihinto niya agad kung hindi ay pagulong-gulong na kami. Dinamba ni Martian yung manibela.

"Bweset!!" Sigaw niya.

Napasandal siya at bakas ang inis sa mukha niya. Ramdam mo din ang init ng ulo niya.

Ano bang problema mo, Martian.

Hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit. Pero agad niya ding inalis yun at lumabas ng sasakyan. Nakita ko siyang sinipa ang gulong ng ilang beses at tsaka nagpamewang at muling sinipa ang gulong.

Ano bang tumatakbo sa utak mo, Martian?

Bumaba din ako ng sasakyan. Gusto ko malaman lahat. Gusto ko aminin niya sakin yung nararamdaman niya. Gusto kong marinig ulit  sa kanya na mahal niya pa ako. Gusto kong sabihin niya kung anong problema at gusto ko din mag-sorry dahil sa mga pagtaboy ko sa kanya.

"Martian, ano bang problema mo!?" pasigaw na tanong ko sa kanya.

"Bumalik ka na dun!" pag-uutos niya. Di ko sinunod.

"Galit ka ba sakin ha!? Saan, sa pagtaboy ko sayo o sa pagpatay ko kay Kate na kapatid ng ex-girlfriend mo!?" Tanong ko. Nagsimula nang namuo yung mga luha ko at nag-unahan sa pagpatak.

Nasasaktan ako. Bakit? Dahil ba wala na akong maramdamang pagmamahal mula kay Martian. Bakit kasi ganito. Kailangan mo munang magsisi bago mo marerealize lahat. Napakatanga ko, sobra.

"Sa lahat," sagot niya. "Galit ako sa lahat kahit sa sarili ko. Galit na galit ako kasi dahil sa katangahan ko naging ganyan ka." dagdag niya.

Nakatingin siya sa mga mata kong may umaagos na luha. Seryuso, walang emosyon. Huling kita ko sa mukhang yan ay noong pinapahirapan nila ako. Noong sinasaktan niya ako. Di ako sanay sa mukhang yan. Parang binabalik yung dati, kung saan napakahina ko.

"Pati sakin galit ka?" Tanong ko ng deretsa sa mga mata niya.

"Oo," sabay ng pagpatak ng mga luha ko. Bakit pati sakin galit ka? "Galit ako sayo kasi padalos-dalos ka! Di ka nag-iisip, di mo pinag-iisipan lahat. Pinapahamak mo yung sarili mo." Dagdag niya.

"Ginagawa ko yun dahil sa hustisyan--"

"Di yun yung punto. Ang punto ay dapat pinag-iisipan mo muna yung mga ginagawa mo! Nagplano ka pa!" Putol niya sa sinabi ko.

Di ako nagsumagot. Tama siya, di ako nag-iisip. Di ko pinag-iisipan yung mga dapat kong gawin. Padalos-dalos ako. Tama lahat. Tama.

"Tama ka." Binaba ko yung tingin ko. "Sorry, sorry."

Pinunasan ko yung luhang nagbabadyang pumatak. Naipangako kong di na ako iiyak pero ito ako ngayon lumuluha. Sinira ko yung sarili kong pangako. Pangakong di na muling iiyak pa.

"Balik ka na tayo sa loob ng sasakyan," sabi niya.

Pero may gusto pa akong malaman, para malinaw lahat. Para di na ako umasa pa, para di na ako masaktan. Pinigilan ko siya.

"Martian sandali," pigil ko sa kanya. Huminto naman siya at humarap sakin. "Mahal mo pa ba ako? Diba sabi mo nun, mahal mo ko! Mahal mo ko at mahal mo ako at kapag mahal mo ako di ka ganyan sakin, di ganyan yung trato mo. Di ka tumigil." dagdag ko habang nakatingin sa mga mata niya. "Martian, nasasaktan kasi ako sa atensyon mo. Kasi nasasanay na ulit ako, nasasanay na ulit akong mahalin ka. Pero bakit ka tumigil, bakit ka bumitaw?"

Mula sa kinatatayuan niya ay lumapit siya ng unti. Ang traydor kong mata nagsimula na namang lumuha.

"Sinong may sabing bumitaw ako?" Panimula niya. "Ginagawa ko lang 'to Mhea kasi nagbabasakali lang ako na ako naman ang hanap-hanapin mo. Ginawa ko yun kahit mahirap." Lumapit na ulit siya sakin. Hinawakan niya yung mukha ko, ansarap sa pakiramdam ng hawak na yun. "Sorry, sorry kung nasasaktan na naman kita. Sige tama na, ititigil ko na yung ginagawa ko. Ipaparamdam ko na ulit sayo na mahal kita. "

Hinalikan niya ako at tsaka niyakap. Nagsorry siya ulit. Naging malinaw sakin. Nawala na yung mga sakit na nararamdaman ko. Naramdaman ko na ulit yung pagmamahal niya. Niyakap ko din siya. Ramdam ko yung tibok ng puso siya. Mabilis tulad ng akin. Nawala na yung mga luha ko. Tumigil na.

--TO BE CONTINUED--

PLEASE VOTE AND COMMENT :<

THANKS SA PAGBABASA.

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon