CHAPTER 28: SPECIAL CHAPTER

2.5K 79 3
                                    

   A/N: VOTE, FOLLOW AND COMMENT PLEASE! ^O^

CHAPTER 28: Martian Flakes' Special Chapter.

Martian's POV

Sa loob ng napakaraming araw ang nagdaan, andaming nangyari, andami kong napagdaanan. Kasama na dun ang pag-alis ko sa Ma-Ka-Ma. Pinutol ko na ang ugnayan ko sa grupong iyun. Merong dahilan, syempre. Siya lang naman ang dahilan, pinagsisihan ko yung kahayupang nagawa ko sa kanya, sising-sisi ako. Araw-araw sinasabi ko sa sarili kong sana di ko na lang nagawa ang mga bagay na yun, na sana di ko na lang siya nakilala para di naging ganun ang buhay niya. Kaya nung nabalitaan kong buhay siya, kumalas na ko sa grupo na nagpapangit ng buhay niya. Hahanapin ko siya kahit saan mang lugar siya naroon. Kahit imposibleng magkita at tanggapin niya pa ko. Di ako magsasawang humingi ng sorry at gawin lahat ng gusto niya para lang mapatawad niya ko.

Palaboy-laboy ako sa lansangan dito sa Japan. Bakit ako nasa Japan? Nalaman ko kasing dito pupunta ang pinapunta ni Mark kaya pumunta na din ako dito. Di ko nga alam kung saan ako magsisimula eh, umaasa na lang ako na makakasalubong ko siya, na makikita ko siya dito kasabay ng mga naglalakad.

Ang hirap palang hanapin ang isang tao kong walang-wala ka na. Walang matitirahan, walang pera, walang nakakain maliban sa mga tirang nakikita ko sa mga basurahan, walang makakausap at walang siya. Nakakalungkot na naging wala ng kwenta ang buhay ko. Laging napapasabak sa gulo, nakikipagbasag-ulo para lang makakain. Nakikipagpatayan para lang sa matutulugan mo.

Hirap na hirap na kong hanapin ang sarili ko, naging wala ng kwenta. Isang tao lang naman ang magbabalik nun, ang minsan ko ng itinatangging mahal na mahal, na minsan ng napalitan ng galit na nararamdaman ang pagmamahal ko at minsan ng naging parte ng buhay ko. Siya! Siya lang naman yun, si Mhea!

Gustong-gusto ko na siyang makita. Gustong-gusto kong humingi ng sorry sa kanya. Gustong-gusto ko na siyang mayakap. Gustong-gusto ko na siyang mahalikan. Gustong-gusto ko na siyang makasama. Gustong-gusto ko na kaso di ko alam kong posible pa ba. Iiyak na lang ako minsan kapag naiisip kong imposible. Iiyak ako na parang bata. Iiyak ako hanggang sa makatulugan ko. Iiyak ako hanggang sa mawala na ang sakit at iiyak na ulit ako kapag nandiyan na naman ang sakit. Mga sakit na nagpapahirap sakin at ang mga sakit na nagpapatatag saking makikita ko din siya. Ang pagmamahal kong nagpapahirap sakin at ang pagmamahal ding nagpapatatag sakin.

Nagawa ko lang naman sa kanya yun dahil sa galit. Galit na ipinapamukha sakin ng grupong kinabilangan ko. Antanga ko na naniwala ako sa kanila. Antanga ko na ginawa ko yun sa kanya . Ang tanga-tanga kong na nasaktan ko siya. Nagsisi na ko sa nagawa ko, yung mga pangakong nabitawan ko sa kanya nung nagkasama kami noon lahat yun inaalala ko. Oo, sinasabi kong peke yun pero ang puso ko mismo ang sumisigaw na totoo yun, isinisigaw niyang gawin ko lahat ng nabanggit kong pangako. Pero huli na. Huling-huli na para magawa ko yun, huli na para marealize ko lahat. Pero nakakapit pa din sa mga pangako kong yun ngayon, umaasang matutupad ko ang mga napakong pangako. Umaasang magiging masaya din kami. Umaasa kahit bigo na, aasa pa din.

Nakakainis! Bakit ngayon ko lang narealize ang lahat kung kelan huli na! Gaano ba ako kasama!? Bakit ko pa natanong!? Sobrang sama ko! Masamang-masama kaya nga di nadidinig ang hiling ko, ang mga hiling kong bukal sa puso ko.

Ang buhay ba ng tao parang sinulid na kapag naputol,mawawalan ka na ng landas? Magiging wala ka ng kwenta?

Siguro nga kasi ito ako ngayon, mag-isa, nagdurusa at hirap na hirap na.

Sarili ko yung dahilan kung bakit ako nandito kaya sarili ko lang ang sisisihin ko. Ako yung nagpagulo ng lahat! Ako yung tanga! Ako yung gago! Ako yung masama! Ako lang! Ako!

Bakit kasi di ko na lang piniling maging masaya, di ba pwede naman?

Napahinto ako sa paglalakad ng huminto din yung mga kasabay ko sa paglalakad. Nakared kasi pala yung stop light at ng maggreen na naglakad na ulit kami.

Andami kong nakikitang tao, may masaya, sobrang saya at merong napakasaya dahil kasama nila yung mga mahahalagang tao para sa kanila. Naiinggit ako kasi di ko magawang makangiti, nalubog ako sa lungkot. Kelan naman kasi ako magiging masaya, magkaroon ng happy ending na sinasabi nila. Iniisip ko na lang na kasama ko siya, magkahawak-kamay kami, nagkikiss at nagsasabihan ng 'I LOVE YOU' sa isa't isa.

Naluha ako ng bigla na namang pumasok sa isip kong galit siya sakin, kinamumuhian niya ko. Paano kong di nga ko kayang patawadin? Paano kong di na niya ako mahal? Paano na?

Napailing na lang ako habang pinupunasan ko yung luha ko. Kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Dapat positive lang, Martian! Puro positive lang! Nang makatawid na ko, pumakanan ako. Ewan ko kung saan ako pupunta. Gabi na kaya nahihirapan na kong mahanap siya, siguro hahanap na lang ako ng matutulugan ko.

Habang naglalakad ako, meron akong kakaibang naramdaman. Pakiramdam ko merong sumusunod sakin. Lumingon ako sa likod ko pero wala naman, mag-isa na lang pala akong naglalakad. Ibinalik ko yung tingin ko sa nilalakaran ko at mas binilisan ko pa yung lakad ko. Hanggang sa makapasok sa sa kantong nakita ko. Naramdaman ko na naman yung naramdaman ko kanina. Humarap ako sa likod ko para hanapin kung meron nga. Pero wala akong nakita. Nagulat na nga lang ako ng may biglang nagtakip sa bibig ko. Hinawakan ko yung kamay niya at tsaka ko siya siniko. Nakawala ako sa kanya. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa wala na kong matakbuhan. May harang na. Humarap ako sa likuran ko at may dalawang sasakyan ang nakaharang sakin.

Lumabas ang sakay ng mga sasakyan, mga siyam sila. Pormal ang suot na akala mo dadalo sa prom. Umatras ako at may naramdaman ako sa likod ko. Kinapa ko yun at tubo yung nahawakan ko.

"Sumama ka samin, di ka namin sasaktan," sabi ng nasa gitna.

Lumapit sila. Hinugot ko yung tubo na kanina ko pa hawak at itinutok ko sa kanila. Naglabas sila ng baril nila at itinutok din sakin.

"Di ako sasama sa inyo!" Sigaw ko. "Sino ba kayo!? Anong kailangan niyo sakin!?"

Lumapit pa sakin yung nasa gitna bago nagsalita.

"Basta sumama ka lang samin, di ka namin sasaktan, Pangako!" Mahinahon ang pagkakasabi niya.

"Ano ngang kailangan niyo!? Sino kayo!?" sigaw ko.

"Masasagot namin yan kung sasama ka," ganon ulit, mahinahon.

"Ayaw ko!!"

Tumakbo ako pasugod sa kanya at tsaka ko hinampas yung tubong sa mukha niya. Mabilis ang naging kilos ko kaya di niya inaasahan yun. Patumba na sana siya ng hinila ko siya at ginawang panangga sa mga balang pinakawalan na ngayon ng mga 'to. Kinuha ko din yung baril niya na hindi niya inilabas kanina habang nag-uusap kami. Ginamit ko yun at nakipagbarilan sa mga lalaki.

Naitumba ko sila agad. Binitawan ko na yung lalaking ginawa kong panangga at tsaka tumakbo palayo dun. Di ko alam kong sino sila? Di ko alam kong anong kailangan nila sakin? Meron din akong kutob na grupo yung Ma-Ka-Ma pero parang imposible dahil sa suot nila. Nakakapagtataka!? Sino ang mga yun? Wala akong nakita anumang sign o simbolo sa katawan nila para malaman ko kung anong grupo iyun.

Takbo ako ng takbo at tumawid sa kalsada. Nang nasa gitna na ko ng biglang.....

~~~HHHMMMMMMFFFFTTT——BOOOOOGGGSSSSS~~~ (PRENO TSAKA BANGGA -.-)

Nang mabangga ako ay nagpagulong-gulong ako. Naramdaman ko yung sakit sa buo kong katawan. Nakaramdam ako ng panhihina. Nanlalabo na din yung paningin ko isabay mo pa yung ilaw ng sasakyan. Di ko alam na hanggang dito na lang pala ang lahat. May naaninag akong lumapit saking mga lalaki. Naluha ako dahil sa kawalang pag-asa. Naramdaman kong may tumusok sa leeg ko. Mas lumala ang panlalabo ng paningin ko at parang inaantok ako. Magsasalita na sana ako ng mawalan na ako ng malay.

~to be tutuloy~

----

A/N: BUTI NA LANG NAGKAROON AKO NG TIME! KAYA ITO NA PO! MUAH! YESSS LALAKI PO AKO! LALAKING LALAKI! GWAPO PA!

DEDICATED SA KANYA DAHIL GUSTO NA NIYANG MALAMAN KUNG ANO ITSURA NI MARTIAN! HAHAHAHAXD!

(LT kahit masakit! Mahal pa din kita kahit na nasasaktan ako kasi nakita ko kung sino kasama mo sa profile picture mo sa facebook, tandaan mo I'm happy for you! Idol na kita kasi ang galing mo palang sumayaw! (^3^)(っ˘̩╭╮˘̩)っ)

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon