CHAPTER 11

2.7K 79 0
                                    

                             Nagising ako sa malakas na pagbukas ng pinto. Pumasok yung lalaking armado. Mukhang may ipapagawa ulit sila sakin. Inilapag nun yung baril niya. May biglang pumasok sa isip ko. 'kukunin ko yun'.  


                    "san mo ko dadalhin?" kunwaring tanong ko habang tinatanggal niya yung mga kadena. 

                                "kay Boss sa bahay niya." sagot niya.


                                  Anong gagawin nila sakin dun? Tinignan ko yung baril at sakto namang nakalas na lahat ng kadenang nakakabit sakin. Puwersahan ko siyang itinulak tsaka ako yumuko at kinuha yung baril. Pagkakuha ko itinutok ko sa mukha niya. 


                                           "dalhin mo ko sa labas o papatayin kita!" banta ko sa kanya. "Alam kong gumamit nito" Di nya alam ng lalaki ang gagawin nya. Kaya mas pinili nyang sundin ako. Lumabas kami habang nasa kanya yung bunganga ng baril. Itinago nya ko mula sa mga kasamahan niya. At nakarating kami ng di nila nakikita sa malaking pinto nito. "paki-bukas" utos ko. Mabilis nyang ginawa. "Mabait akong tao pero ginawa nyo kong demonyo kaya di ko mapapangakong maililigtas kita sa kamay ko!" dagdag ko.


                                       Bago pa siya lumingon binaril ko na siya tsaka ako iika-ikang tumakbo. Paglabas ko puro matatangkad na damo ang nakikita ko. Di ko alam kung saan ako pupunta basta takbo lang ako ng takbo. Medyo nakakalayo na din ako , paniguradong alam na nilang nakatakas ako kaya mas binilisan ko. Nakita ko na yung kalsada kaya mas binilisan ko pa. Nang marating ko ang kalsada wala akong makitang dumadaan, nagpatuloy lang ako sa pagtakbo ng may humintong sasakyan sa harap ko. Napaatras ako at grabe yung takot at kaba ko. Mukhang di talaga ako makakaligtas sa kanila. Nakita kong binuksan ng sakay sa loob ang pinto ng kotse kaya mas napaatras pa ko. Pero nang makita ko kung sino ang bumaba napaluha ako at agad akong lumapit sa kanya para yakapin ako.


                                    "Kate, sinaktan nila ako" sumbong ko habang umiiyak.


                                      "tara sa bahay" anyaya nya saakin at inalalayan na nya ko papunta at sakay ng kotse nya.


                                         "eh anong ginagawa mo dito?" maya-mayang tanong ko.


                                         "may pupuntahan lang, sa bahay naming luma" sagot niya sa tanong. di na ko umimik. Pinagmasdan ko na lang yung paligid , yung mga punong dadaraanan at mamaya may makikita kang mga ibon na naghaharutan.


                            At ilang sandali lang narating din namin.


                                 "were here!" sabi nya.


                                   Lumang mansyon ang tinutukoy ni Kate. Walang tao dito, ni katiwala wala. Pumasok na din kami ni Kate sa loob. Wow lang! Inilibot ko pa yung paningin ko sa kabuuang lobby. Malaking kumikinang na chandelier sa gitna ng kisame at magagarang gintong sofa at furnitures. Nakakainggit.


                                   "tara sa banyo, maligo ka!" alok ni Kate

                                    Tumango ako ng nakangiti bilang sagot. Pumunta kami sa bathroom nila. Pagpasok ko ang gara din sobra! Gold@white ang tema, pati mga towel at pamunas ng paa. 


                                     "pasok ka na sa kurtinang iyan, kukuha lang ako ng masusuot mo" sabi nya. 


                                         Pumasok na nga ako. Isa-isa kong hinubad yung mga suot ko. Nang mahubad ko na, binabad ko yung sarili ko sa tubig na galing sa shower at tsaka ko kinuha yung sabon nila na sobrang bango. Yung dumi sa katawan ko nawawala na at yung duming iyun iniaagos na ng tubig. Naisip ko lang, ang duming ginawa nila sakin ay hinding hindi ko matanggal at buhay lang nila ang makakatanggal nun. Ang dami kong katangahang nagawa, ang isa ang pagkatiwalaan sila ng lubos! Nakakainis nang sobra!


                         "tapos ka na ba?" nagulat ako sa nagsalitang si Kate. 


                            "malapit na" binanlawan ko na yung sarili ko at tapos na ko. "tapos na" 


                         Hinawi ko na yung kurtina habang takip ng isa kung kamay yung hinaharap ko. Si Kate na ang kusang naglagay ng towel sa katawan ko. Naisip ko yung pamilya ko.


                            "may balita ka ba sa family ko?" tanong ko.


                             "hinahanap ka nila eh, antagal mong nawala at inabot ka ng Christmas" nagulat ako, dumaan na pala ang pasko."Alam mo imbes na mga parol ang nakasabit sa poste, mga picture mo at hanggang ngayon na magbabagong taon hinahanap ka pa rin nila!" sabi nya. Isinuot ko na yung damit na ipinapasuot nya. Bulaklaking palda at plain na kulay puti ang pang-itaas. "namimiss ko na sila!" sabi ko at may idinugtong ako. " at humanda sakin ang mga g@gong MA-KA-MAng yun" Habang sinusuklay na ni Kate yung buhok ko may sinabi sya.

"tara may surprice ako sayo!" sabi nya.


"ano yun?"ako.

Lumabas kaming mansyon nila . Tapos isinakay na nya ko ulit sa kotse nya. Di ako makapaghintay kung anong suprice yung tinutukoy niya.

"trust me!" sabi nya.

Pinaandar na nya yung sasakyan at di na ko makapaghintay sa surpresang yun. Nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan yung daan. Mukhang pamilyar!

San kaya?

  ----Please vote naman!Sorry natagalan ngayon! Nagxmas eh!Ay o0 nga pala!belated MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR!   

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon