CHAPTER 48

1.1K 32 7
                                    

Mhea's POV

Dinala niya ako sa di ko alam na lugar. Ang alam ko lang napakataas nitong building na to. Ramdam ko naman na safe ako dahil kasama ko siya at hawak niya ang kamay ko.

Di pa nawawala yung ngiti niya sa labi. Napakagwapo niya sa ngiting yun. Mas nakakainlab. Di kami nagsasalita. Ewan ko ba kung bakit walang lumabas sa bibig ko. Gusto kong magtanong kung anong gagawin namin dito pero parang gusto ko na lang 'wag itanong para surprise.

Nakasakay na kami sa elevator. Pumindot siya sa mga number. Yung 10th floor. Ano naman meron dun? Naeexcite ako, totoo yun.

Ilan saglit lang nakaabot na kami sa 10th floor. Wala naman surprise. Maliban sa mga tao na naglalakad. Pansin ko lang ay nakikita yung labas dahil sa salamin ang pader. Naglakad pa kami habang hawak niya pa rin yung kamay ko. Lumapit kami sa gilid ng mga pader. Mamamangha ako sa nakita ko. Kitang-kita ko yung boung tsudad. Yung iba-ibang kulay. Yung mga sasakyan. Alam niya talagang ito yung gusto ko. Yung nakikita ko yung nangyayare sa baba.

"M-martian," tawag ko kay Martian. Nakabitaw na pala ito sakin.

Nakita ko si Martian. Nakaluhod sa harap ko. Napanganga ako. Omyghad. Di ko alam kung paano ako magrereact. Kinakabahan ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Umangat yung ulo niya sakin. Di ko na siya hihintaying tanungin iyun. Pabuka pa lamang ng bibig niya ay sumagot na ako.

"Oo! O-oo Martian!" masiglang sagot ko.

Nakangiti siya habang papatayo. Hinanap ko yung singsing.

"Anong Oo babe?" Tanong niya.

"H-ha?" Takang tanong ko. Myghad so hindi siya nagpopropose. "W-wala hehe!"

Nakakahiya yung naging react ko. Sobrang nakakahiya. Sa pinapanoud ko na lang ulit ako tumungo. Sht! Naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod ko. Napabuntong hininga na lang ako. Inayos lang niya siguro yung sintas niya. Kainis. Sinandal ko yung ulo ko sa dibdib niya. Ansarap sa pakiramdam. Safe na safe ka. Parang walang problema. Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko at inilagay sa balikat ko yung baba niya.

"Babe," tawag niya.

"hmmh?"

"Do you love me?" Tanong niya. Tumango ako. "I love you too. Sobrang mahal kita. Sa tuwing kasama kita. Nadadagdagan yun. Alam mo bang natatakot akong mawala ka, natatakot akong masaktan ka. Alam ko dati sobra yung sakit na naibigay ko sayo. Di ko yun ginusto. Nung narealize ko na dapat pala di ko yung ginawa sayo, hinanap kita kung saan. Narealize ko rin kasi na dapat kong humingi sayo ng sorry. Nung nakita kita, natatakot ako sayo. Kasi baka di mo ko patawarin. Baka pagkamuhian mo ko. Pero mali. Pinatawad mo rin ako. Tapos minahal mo pa ulit ako." Di ko alam kung bakit siya ganyan. Hinayaan ko na lang siyang sabihin ang mga yan dahil gusto ko din naman. Gustong-gusto ko. "...alam natin na di perpekto ang lahat, pwede tayong magkamali at masaktan pero gusto kitang makasama habang buhay. Gusto kong ibigay sayo ng boung-bou ang sarili ko at puso ko. Gusto kong ibigay ang apelyedo ko. Mhea, Will you marry me?"

sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ito na ba yun? Totoo na ba to. Hindi ba ito talkshit lang. Huli na ng malaman kong may tumulong luha sa mga mata ko dahil sa saya. Humarap siya sakin. Pinunasan niya yung mga luha ko.

"Yes" sagot ko.

Ngumiti siya ng malaki at tsaka ako niyakap ng sobrang higpit. Napapikit ako at ninamnam ang pagmamahal niya. Handa na akong pasukin to. Handa akong makasama siya. Handa akong magkamali at masaktan. Handa akong ibigay ang boung puso ko. Handa akong kunin ang apelyedo niya. Handa ako. Handa.

Kumalas siya sa yakap ko at may kinuha sa bulsa. Isang singsing. Isinuot niya yun sakit at tsaka ako hinalikan sa labi. Ilan sandali lang ay bumitaw na siya.

"I love you!"

"I love you too!"

--
Jamael's POV

Ilang araw na ang lumipas. Gusto kong bumalik dun pero di pa pwede. Mahal ko pa rin siya. Di pa nawawala. Di ko nga alam kung kelan mawawala eh. Kung bumalik naman ako masasaktan lang ako. Lalayo muna ako. Sabi ko na lang kung may emergency ay tawagan nila ako.

Naglalakad ako pabalik sa tinutuluyan ko. Sa madilim na kalye ako dumaan. Gabi na kasi. Shortcut kasi to. Di ko nga nadala yung kotse kasi pinapaayos ko pa. Kumikislap-kislap pa yung mga ilaw. Para akong nasa horror movie na mamaya lang ay may susulpot ng multo. Natawa ako sa naisip ko. Imposible.

Sa paglalakad ko. May nakita akong papasalubong saakin. Multo ba to? Pfft hindi naman siguro. Hanggang sa makalapit na kami. Huminto siya sa harap ko.

"P-pingi akong pagkain," anito.

Gusgusin siya at sobrang tanda na niya. Naaninag ko pa naman mukha niya. Mukhang gutom na si Lola at namamayat na rin. Napabuntong hininga ako at dumukot sa wallet ko.

"Ito ho," inabot ko sa kanya yung 1000 pesos ko.

"Sala--" di na niya natuloy yung sasabihin dahil muntikan ng matumba si Lola. Buti na lamang ay nasalo ko siya. Napahawak ako sa batok ni Lola pero parang basa. Tinignan ko yung kamay ko. Naaninag ko yun at nanlaki yung mata ko.

May dugo.

Hinanap ko sa paligid yung gumawa pero wala akong makita. Inilapag ko sa lupa si Lola. Pagkatalikod ko ay may nakatutok ng espada sa tapat ng mukha ko. Nakamask yun kaya di ko makita mukha niya. Di ko alam kung babae o lalaki to.

Lalaban na sana ako kaya lang may nakatutok pa saking espada sa likod ko. Pati sa gilid ko. Kainis. Di ko na alam gagawin ko. May lumabas pa sa dilim. May baril itong hawak. Andami. Pinapalibutan na nila ako.

Itinaas ko yung dalawang braso ko at pinakitang sumusuko na ako.

"Anong kelangan niyo?" Tanong ko.

Pero di ako sinagot. Walang sumagot ni isa. Pero may humawak sakin mula sa likod at tinurukan ng kung ano sa leeg. Dahilan para manlabo ang mga paningin ko.

"Mhea~"

Nandilim yung paningin ko at wala na akong maramdaman at marinig.

--

PLS VOTE AND COMMENT.

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon