CHAPTER 16

2.7K 89 0
                                    

Jamael's POV

Isang Buwan, isang buwan na pala akong naghihintay sa paggising ng babaeng ito. Wala akong contact sa parents niya. Wala pa ngang paggalaw o ano mangpagpaparamdam.

Tssssss...

Sa gwapo kong toh pinaghihintay ako. Halikan ko kaya baka ako si Prince Charming niya na kailangan ko lang halikan para siya magising. Hehehehe.. Wag na mapatay ng Boss Lord!

Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong lumabas muna ng room para bumili ng makakain. Habang naglalakad ako sa hallway may napansin akong nakamasid sakin at para akong sinusundan. Napangisi na lang ako at minabilis ang paglalakad. Pagkatapos mabilis akong lumiko sa kanto at nang makita kong may kwarto ay agad akong pumasok. Bukas naman eh. Nagtago ako dun at nakikita ko yung sumusunod sakin na tila hinahanap ako. Agad kong binuksan yung pinto at hinila siya. Isinandal ko siya sa pader habang nakasakal sa leeg niya yung braso ko.

"Anong kailangan mo!?" mariing sigaw ko sa mukha niya.

Halatang nahihirapan na siya at mukhang natatakot na.

"I-i-pinapamigay p-po i-ito" nahihirapang sabi niya habang iniangat niya yung kamay niya hawak yung maliit na box.

"Ano toh?" sabay agaw sa kanya ng maliit na box.

"Singsing" sagot nito.

Singsing!? Binitawan ko siya at kinapa yung phone ko. Tinawagan ko yung number ni Rhea.

"Hello!!!" malanding bungad niya.

"Sayo ba tong singsing na ibinigay sakin?" tanong ko.

"Singsing?? Teka gusto mo punta ko diyan para makita ko." sabi niya.

Kanino ito??

"Sige" tinapos ko na yung call at humarap sa lalaking nawawala na ngayon. "Nasaan na yun?"

Pinagmasdan ko yung kahon. At parang ayaw kong tignan. Lumabas na ko ng kwartong iyun at nagdesisyong buksan iyun.

O_O

Bomba? May bomba rito sa loob. Saan? Saan yun?? Papel yung nakita ko sa loob at may warning about sa bomb na naririto mismo sa loob ng hospital at di ko malaman kung saan.

Ito na yung ayaw ko eh. Sa tuwing may babae kaming nakukuha ay meron nagtatangka sa buhay ng babaeng iyun.

Tama!! Posibleng nasa kwarto ng babae yung bomba. Pero paano? Baka kalalagay lang nila iyun, panlinlang lamang yung lalaki kanina at ngayong pabagal-bagal ako baka sasabog na iyun.

Stupid Jamael!!!!

Tuloy-tuloy ako sa mabilis na paglalakad kahit na may nababangga na ko. Kasabay ng pagsabi ng lumabas na kayo at dalian niyo.

Dali kong binuksan yung pinto ng kwarto ng babae. Nagulat pa ko sa nakita ko.

"S-sino ka?" Takang tanong nito.

Wala ng gaanong nakakabit sa kanya, meron na lang siyang sa braso at ilong. Inilipat na siya dito sa private room dahil umuokay na ang lagay niya.

"Sino ka sabi?" natinag ako ng ulitin niya yung tanong niya.

Di ko siya pinansin. Dali akong naghanap ng kakaiba sa paligid ng kwarto hanggang sa mapansin ko yung bintana, sumilip ako sa labas at may nakita akong BOMBA sa gilid ng bintana.

"Anong kailangan mo at sino ka?" nilingon ko yung babae.

"Don't move okay!?" parang pinapagalitan ko siya.

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon