CHAPTER 20 THE TRUTH PART2

2.8K 91 3
                                    

A/N: Medyo matatagalan na ang pag-update ko! Kaya medyo tiis lang. Hihihi! Loveyouguys!!!

CHAPTER 20: THE TRUTH PART2

Habang kumakain kami ay nagtatawanan kami. Because of Rhea the great. Grabe talaga siya..

"Paano mabarak si Boy??" Kunwaring tanong niya, inabangan namin." Sabi ni Boy: Hi Miss, tubig ka ba?

Sagot naman ni Girl: Tao ako, t*nga ka ba? Hindi ba halata? Kakausapin mo ba ko kung tubig ako? Kaya walang nagpapaligaw sayo eh.

Napakamot si Boy. " Dagdag niya, pero. " Paano naman mabarak si Girl?

Tanong ni Boy: Ano na lang sabi ng posporo sa isa pang posporo?

Paninira ni Girl: Alam ko na yan eh. Sabi ng posporo sa isa pang posporo "Match tayo".

Sagot ni Boy: T*nga! Wala siyang sinabi. Posporo nga eh. May kilala ka bang posporong nagsasalita? Kaya walang nanliligaw sayo eh! "

Natawa kami. Halos di na ko makakain. ang totoo di talaga ako makakain. Di ako komportable sa kutsara nilang dalawang stick. Hayyzz! Pinipilit ko na lang kumain kahit hirap na hirap na ko. Nakikisabay na lang sa kanila. Hihihi. Pagmaghihigop sila ng sabaw sa maliit na sandok , hihigop din ako. 'Pag gagamitin tong dalawang stick eh gagamitin ko na din. Hihihihi.

Sa di na ko makatawa ay may bigla akong gustong itanong. Bigla na lang pumasok sa utak ko.

"Tatay pwedeng magtanong?" tanong ko sa kanya na susubo na sana.

"Ano yun anak?"

"Paano kayo nagkakilala ni Mama?" tanong ko ng makita ko siyang di na itinuloy yung pagsubo.

"hmmh" simula niya ng nakangiti. Napatungo ako sa kanya. "Gusto mo malaman?"

Napatango ako ng malaki ang ngiti sa labi ko. Naramdaman kong nakatingin na din samin sina Rhea/Jamael. Napabuntong hininga si Tatay at nagpunas ng labi tsaka tumungo din samin.

"Nagkakilala kami ng Mama mo dahil nakita ko siya noon sa tabi ng dagat, walang malay at puro din pasa't sugat. Naalala ko pa nun yung mukha niya, nakakaawa. Tulad mo din siya, PINAHIRAPAN NG MA-KA-MA. Ang dating Ma-Ka-Ma" kwento niya.

Nawala yung ngiti ko sa labi ko. Napalitan ng gulat at galit na din ang pakiramdam ko. Naiyukom ko yung palad ko na naitago ko sa ilalim ng mesa. Bakit!? Bakit pati sa Mama ko nagawa nila iyun!?

"Gusto ng Mama mo, maghiganti kaya tinulungan ko siya." dagdag niya na ikinawala ng ngiti niya. "Isang araw ginawa namin yung gusto niya ang maghiganti. Pero umabot sa puntong gusto niyang pumatay, pinigilan ko siya. Ang totoo dahil mahal ko na siya"

Nagkatitigan kami ng Rhea. Pero nawala yun ng magkwento na ulit si Tatay. Napatungo ulit sa kanya.

" Nagtapat na ko nun sa Mama mo pero di niya ko mahal. Ang mahal niya ay yung tinatawag mong Papa. Pero di siya nawala sa tabi ko. Nanatili siya bilang kaibigan. Dumating nga yung araw na nalasing kaming pareho at may nangyari samin, dun ka namin nagawa" sumilay yung unting ngiti pero nawala din yun.

"Pero paano kayo nagkalayo? At paanong naging sila ni Papa?" tanong ko. Yan yung tanong na namuo sa utak ko.

"anak , love is sacrifice. Sinakripisyo ko yung pagmamahal ko para sumaya siya. Ang kaligayahan ng Mama mo ay ang Papa mong tawag. Naging sila kasi nagsakripisyo din ang Papa mo, kasi siya ang isa sa Leader ng Ma-Ka-Ma. Siya yung isang nagpahirap sa Mama mo pero lahat yun may pagsisi, naniwala ang Mama mo kaya sumama siya" kwento pa ni Tatay.

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon