CHAPTER 52

1.1K 36 1
                                    

Third Person's POV

"Takbo na! Takbo na!"

Naalerto sila sa pagsigaw ni Ton. Natigilan kasi sila sa nakita. Imposible, yan ang nasa isip nila. Bukod dun ay iniisip din nila kung paano nangyayare ito?

Umatras sila at tinungo pa ang hallway at hagdan paakyat sa mga palapag. Takbo lang sila ng takbo. Di alam kung saan makakatago, di alam kung saan makakarating. Natataranta sila. Di makapaniwalang nangyayare to, para bang nasa horror movie sila.

"Dito tayo!" Turo ni Martian sa kwarto. Sinipa niya iyun na bumukas din naman agad. Dali silang pumasok sa loob at isinara.

"A-Ano yun?!" Mabigat ang paghinga ni Mhea.

Iba-iba ang pumapasok sa isip niya. Kinakabahan siya, ang akala niya noon ay di yun mangyayare dahil imposible pero ito na, nakita na mismo ng pareho niyang mata.

Biglang pumasok sa isip niya ang kalagayan ng Kuya niya. Naiyak siya sa naisip. baka napatay na siya o baka naging isa na sa kanila. Napaupo siya sa sahig at tinakpan ang bunganga. Nagulat na lang siya ng makarinig siya ng sigaw na tila ba nilalapa na ang sumisigaw.

"Mhea, Martian! Kailangan hindi sila kumalat. Hindi natin alam kung paano nangyare at kung ano pa ang mangyayare," kahit nahihirapan ay pilit na pinapalinaw ni Jamael ang sinasabi. "Di karaniwan ang kalaban ngayon. Habang nasa building pa sila kailangan na natin silang mapatay agad."

"P-pero paano? Sabi mo nga karaniwan sila, naiiba--"

"Nandito tayo sa imbakan ang mga gamit. Sa nakikita ko, imposibleng wala tayong magagamit dito,"

Naghanap si Martian ng kung ano. Tumayo na rin si Mhea at naghanap sa mga box na kahoy. May mga bala, baril. Bukod dun ay may nakita siyang mga bomba at granada. Kumuha siya ng bomba at pinakita iyun sa kanila.

"Ito!"

Napatingin sila sa hawak ni Mhea. Napatango si Jamael at kinuha yun mula sa kamay niya. Kumuha pa siya ng mga bomba.

"Pakihila ang mga kemikal sa drum na iyun," utos niya kay Martian na dali namang ginawa.

Tatlong drum ng kemikal ang nasa gitna. Pinalibutan iyun ni Jamael ng bomba at granada. Pati bala at kung anong pwedeng magcause ng pagsabog. Di ko alam kung ano pa ang ginawa niya.

"Marami pang imbakan ng bomba at kemikal dito. Kung siswertehin na umabot ang pagsabog na iyun mula rito papunta sa mga imbakan ng mga bomba ay pwedeng sumabog ang boung building." Paliwanag ni Martian.

"Yun ang punto ko, bumaba na kayo sa bintanang iyun. Ako ang magpapasabog nito." Sabi ni Jamael na ikinagulat ni Mhea.

"No! Sabay-sabay tayong aalis dito!" Pigil nito sa plano niya.

"Wala tayong pagpipilian, sino ang magpapasabog nito? Nanghihina pa ako at di ko kayang makatakas. Please sundin mo ko!" paliwanag ni Jamael sa sitwasyon nila ngayon. Napakahirap. Nakakabweset kasi sobrang hirap ng sitwasyon nila.

Umiling si Mhea at naluluha ang mga matang nagbaba ng tingin. Di niya matanggap ang mangyayare. Di niya tanggap ang sakripisyong gagawin ni Jamael. Di niya matanggap na magkawatak-watak ang katawan ni Jamael. Di niya matanggap na mawawala na lang ganon ang taong naging parte ng buhay niya.

"Mhea, mahal kita. Alam mo yun." Di na rin napigilan ni Jamael ang pagluha. "Magiging masaya ako kung magiging ligtas ka. Basta wag mo lang akong kakalimutan ha," natawa si Jamael pero lamang ang lungkot. Pinipigilan niya ang pagluha pero tinatraydor lang siya.

"No, I can't!" Pagtanggi ni Mhea na naliligo na sa luha niya.

"You can, Mhea. Nandito lang ako sa tabi mo, lagi. Hindi bilang tao pero nasa tabi mo lang ako. Naniniwala kasi ako na kahit wala na ako ay pwede ko pa rin gawin ang ipinangako ko sa Tatay mo." Hinawakan niya ang pisngi ni Mhea at iniangat. Tinitigan niya ito sa mga mata. "Don't cry, please! Sige na. Wala na tayong oras. Umalis na kayo."

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon