CHAPTER 34

2K 67 1
                                    

Mhea's POV

"Maganda tong bagong titirhan natin ah, Mansion!" Sabi ni Rhea.

Bukod kasi sa malaki ang bahay ay maganda pa ito, malawak ang paligid, bakuran. Malalalanghap mo ang sariwang hangin. Yung init, namiss ko.

Apat na palapag ang mansion. Gold and white ang design. Mukhang mamahalin, mali mamahalin talaga. Di ko inaakalang may ganito si Tatay dito sa Pilipinas. Yung loob ng mansion, para kang nasa ibang bansa. Kakaiba.

Pinaayos ko na ang mga gamit namin at pumunta na muna ako sa kwarto ko. Napangiti ako dahil namiss ko talaga ang Pilipinas. Nakabalik din ako, eh kamusta kaya ang magulang ko dito, pero di pa pwedeng magpakita ako.

Dalawang bagay kaya umuwi kami, ang pagpapagaling ng anak ko at ang paghihigante ko. Ano kayang mangyayare, nakakangati ng kamay, nakakabuhay ng dugo at nakakagalit.

"Anlalim ng iniisip mo ah," tinig na nagpabalik sakin sa ulirat. Pero di ko siya pinansin at tumalikod na lang sa kanya. "Di pinansin, famous."

"Whatever," bulong ko.

"Narinig ko yun," narinig niya pa yun. "Ano nga problema?"

Kelan pa kumulit tong lalaking to, ngayon? Ano bang paki niya sa problema ko? Ano bang magagawa niya sa problema ko? Wala, wala dahil isa siya sa problemang gusto kong kalimutan.

"Ano?" Tinignan ko siya. Nakatingin siya sakin, sa mga mata ko. "W-wala,"

"Ok---"

"Ano pa palang impormasyon ang alam mo?" Biglang tanong ko sa kanya.

Napatingin ulit siya sakin ng nakangiti. Alam kong gwapo tong lalaking to pero bakit lalong gumagwapo. Nakakainis.

"Gusto din nilang kunin ang ari-arian ng Tatay mo," sagot niya.

"Alam mo, andaming dahilan kung bakit ako gustong patayin, una dahil sa ex-girlfriend mo, pangalawa dahil sa leader ng Ma-Ka-Ma, pangatlo ari-arian. Ano pa ba?"

Di siya nagsalita. Nakatingin lang siya sakin.

"Never mind," sabi ko at tumalikod na pero may tinanong siya.

"Pwede ko bang malaman kung mahal mo pa ako?" Hinarap ko siya.

Di ko alam ang isasagot, ano bang isasagot ko. Ano bang pumasok sa isip nito at agad na lang niyang tinanong? Nang-iinis ba to, dahil naiinis na ako.

"Hahaha~~ Never mind kasi alam ko naman ang sagot." Nakangiti niyang sabi. "Sige, mag-aayos pa ako," umalis na nga siya.

Anong sagot ang alam niya? Anong sagot yun, dahil ako di ko alam ang sagot. Nahihirapan ako. Kung exam to, bagsak na ako. Kung quiz to, di na ako nakapasa. Di ko mareview ang sarili ko, nahihirapan ako.

"Martian, di ko alam ang sagot," habol ko sa kanya. Tumigil naman siya at humarap.

"Mahal kita, Mhea. Di yun mababawasan dahil madadagdagan yun. Kaya okay lang kahit ako na lang ang nagmamahal kasi atleast nakakasama kita, di ba?" Sabi niya. "Kahit ilang beses mong tanggihan."

"Mahirap lang kasi Martian eh, sobrang hirap. Kasi niluko ako eh, naluko ako kaya di ko na alam ang kaibahan ng totoo sa kunware," ako, totoo. Nahihirapan akong maniwala.

"Bakit ganon, Mhea. Alam ko namang mali pero ginagawa ko pa din, ngayon namang alam kong di na pwede pero sige pa din ako. Alam kong bawal pero nandito pa rin ako. Nakadapa na ako pero tumatayo pa rin ako, bakit ganon?" naluluha ang mga mata niya habang umiiling. "Nakakabaliw ang mahalin ka,"

Lumapit siya sakin. Di ko nagawang umatras. Ayaw kong lumayo, ayaw ko. Sinalubong ko ang malulungkot niyang mata. Sinalubong ko ang nararamdaman niya. Huminto siya sa harap ko, hinawakan niya ang panga ko. Hinawakan ko naman ang kamay niyang nasa panga ko.

"Sorry, sorry Martian. Sige susugal ako ulit, di ko na pipigilan kasi nasasaktan din ako, gusto ko ng matapos ang sakit." Di ko inaasahan ang luhang bumagsak sa mga mata ko.

Nakita kong sumaya ang mga mata niya, nakita ko kung paano tumamis ang mga ngiti niya at nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha niya. Naramdaman ko ang ssaya niya. Naramdaman ko ang pagmamahal niya.

Unti-unting lumalapit ang mukha niya sakin, hanggang sa maramdaman ko na ang labi niya. Isang matamis na halik na ginantihan ko din naman. Iba ang pakiramdaman sakin, ibang iba. Ansarap sa pakiramdam. Kaya nung humiwalay siya ay hinabol ko ang mga labi niya. Ayaw ko siyang tumigil, ayaw ko. Kaya nauwi sa di inaasahan ang lahat~~

-to bee continued-

A:N: HELLO READERS! SANA MABASA NIYO TO!

BABAGAL NA PO ANG UPDATES KASI MAGIGING BUSY DIN AKO.
ISA PA DAHIL NAWAWALAN AKO NG GANA, KASI NAMAN PO YUNG READS AY UMABOT NA NG 5K PERO YUNG VOTES KULILAT PA DIN.
KAYA PARA BUMILIS PO ANG UPDATE AY KAILANGAN KO NG MARAMING VOTES, OKAY NA ANG 5 VOTES PATAAS.
SORRY~~~PERO TATAPUSIN KO PO TO.

SANA MAINTINDIHAN NIYO!

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon