CHAPTER 53

1.1K 29 2
                                    

Third Person's POV

Magliliwanag na habang tinatahak ang daan. Wala pa silang tulog pero di nila ramdam ang antok. Gising na gising ang lahat.

Nakasakay sa kotse sina Rhea, Martian at Mhea at ilan pang tauhan nila. Nakasakay sa helicopter naman ang ilan. Lahat sila may hawak na baril. Lahat handa ng tapusin ang laban. Lahat sila handang bumuwis ng buhay kung sakali. Walang nag-isip na umatras. Abante kung abante. Barilan kung barilan. Basta matapos na ito.

Tumatanaw na ang araw ng may biglang sumabog. Nasa harapan nila iyun. Napa-preno si Rhea na nagdadrive ng sinasakyan nila Mhea.

"Tangina!" Iniikot niya ang manibela at tinungo ang kabilang daan.

Mabilis ang pagmamaneho niya parang kasali lang sa karerahan. Lahat sila ay nasa daan ang tingin.

"Ayun! Yung sasakyan na yun ang nagpasabog!" Turo ni Mhea sa harap na sasakyan. Saktong lumabas ang isa at naglabas ng baril.

Napaliko si Rhea, iniiwasan ang mga bala. Minsan pang tyumatsamba ang lalaki na natatawaan ang salamin ng sasakyan. Patuloy lang sa pag-iwas si Rhea.

"Haharapin ko yan, tangina niya!" Galit na sigaw ni Mhea.

"Dito ka lang, Mhea." Suway sa kanya ni Martian.

"Bu--"

"Maghiwa-hiwalay kayo! Hanapin nyo ang sasakyan ng Ma-Ka-Ma sa paligid. Pasabugin niyo or paulanan ng bala, yun lang ang magagawa natin para makalusot, now!" Pinakinggan lang ni Mhea si Martian habang sinasabi ang mga iyun sa mga tauhan nila.

"Fck, hawakan mo nga tong manibela!" Utos ni Rhea kay Mhea.

Ginawa naman yun ni Mhea. Kinuha ni Rhea ang baril niya at inilabas ang kalahati ng katawan sa bintana ng sasakyan. Pinuntirya nito ang kalaban, isang putok pa lamang ay nahulog na ang kalaban sa sasakyan. Sunod naman na pinaputukan ni Rhea ay ang gulong sa likod ng sasakyan. Natamaan naman iyun. Nagpagewang-gewang ang sasakyan ng kalaban at saglit lang, bumangga ito sa isa pang sasakyan na inosenteng umaandar. Nagdulot iyun ng sunod-sunod pang banggaan. Sumikip ang dadaanan nila pero nagawan iyun ng paraan. Nalusutan nila iyun.

"Keribels," mataray na bigkas ni Rhea.

Bumilis ang pag-andar nila. Napasandal pa nga si Mhea e. Napatingin sa bintana si Mhea at dun may nakita siyang pabagsak ng helicopter habang umuusok ang likuran nun, sa kanila iyun. May nakasunod roon na helicopter, galing sa kalaban.

"Shit! Tignan niyo iyun! May nakasunod din sating kalaban, sakay ng helicopter!" Naiinis na sigaw ni Mhea.

"Di nila tayo titigilan hangga't di tayo nauubos, kingina!" Galit na usal ni Martian, hawak niya yung grenade launcher. Kinargahan niya iyun at tsaka binuksan ang pintuan ng sasakyan.

Sa helicopter ng kalaban iyun ipapatama. Habang nasa ere, tinapat ni Martian sa kalaban ang hawag na grenade launcher. Nang makahanap ng tyempo, agad niyang pinalipad ang bala papunta sa kalaban. Sumabog ito at dahan-dahang dumaos-dos sa lupa.

Sumunod na pinuntirya ni Martian ang helicopter na nasa likod pa nila.

"Umiwas ka Rhea sa kanan!" Sigaw ni Martian.

Napaiwas naman sa kanan si Rhea ng nagpalipad din ng bala ang kalaban. Sa iba iyun tumama at sumabog ito. Si Martian na naman daw, pinaliparan niya rin ng bala ang kalaban at sakto ito. Malakas na 'boom' ang nangyare.

Nagpatuloy pa sila sa mabilis na pagpapaandar. Napansin ni Martian na maraming sasakyan ang nakasunod sa kanila. Lahat iyun itim. Ibang-iba iyun sa sasakyang gamit ng nga tauhan nila at bukod dun ay hiwa-hiwalay ang kampo nila. Isinara niya ang pinto;

"Marami ang nakasunod!"

"Yeah! Hold on guys!" Mas pinabilis pa ni Rhea ang sasakyan. Napakahusay niyang drayber talaga.

"Kingina Rhea may truck!" Sigaw ni Mhea nang makita ang papalabas na sasakyan.

Nakangisi lang si Rhea at parang walang narinig na pagmumura mula kay Mhea. Nakahanap pa siya ng mas exciting dun.

"HOLD ON!!"

Sigaw niya iyun ng papalapit sila sa truck na papalabas. Unti na lang ay baka mabangga na nila ito pagkalabas. Napapikit si Mhea habang mulat na mulat ang kasama. Nakakakaba kung tutuusin. At patuloy lang silang umaandar at yun pala ay nakalampas na sila sa truck na tuluyan ng nakalabas sa kantong pinanggalingan nito.

Napatingin si Mhea at Martian sa likod. Kung saan ang mga sasakyang nakasunod sa kanila ay bumangga run at ang truck naman ay bumagsak patagilid.

"WHOO!!" Sigaw pa ni Rhea sa tuwa.

Tinungo na nila ang ruta papunta sa kalaban. Nasa tulay na sila na medyo mahaba. Dun ay marami ng sasakyan ang nakakasabay nila. Di nila kilala, mga inosente na walang alam na may nangyayare na palang gulo.

Di na mapakali si Mhea, iniisip niya ang mga anak niya. Baka raw ay may nangyare na ritong masama, di niya kakayanin kung nagkataon. Parang gusto na rin niyang mamatay kung mangyayare ang bagay na nasa isip niya. Mahal na mahal niya ang mga anak niya, bukod sa minamahal na si Martian ay ang kambal ay ang buhay niya. Ito ang lakas niya, inspirasyon. Di niya kaya na baka bukas ay wala siyang masasalubong na anak. Nakakatakot iyun. Mas nakakatakot pa sa zombies na gustong kumain ng utak.

Isang 'enggk' ang narinig nila. Tila may gun bomb na papabagsak. Tumingala sila sa langit, meron dung plane na papaalis na. Napapreno na lamang si Rhea sa narinig na pagsabog. Malakas na pagsabog, nakakabingi. Ang ilang sasakyan ay nagkanda-hulog-hulog ang ilan naman ay hindi. Gitna lamang ang napinsala, nawasak. Naistuck sila sa gilid pero swerte ang nakalagpas na ng tulay. Di alam kung paano tatawid dun. Buti na lang may alalay sa ibaba ng tulay kaya di lahat nawasak. Ang ilang sasakyan ay napaatras pero kamalasan ay nabangga ito at nagpagulong-gulong pa. Malakas kasi. Sunod-sunod na ang pagpapanic ng ilan kaya nagkakabanggaan, ang ilan naman ay nahuhulog sa tulay.

"Paano na!?" nawawalan ng pag-asang tanong niya. Napasuklay pa siya sa buhok niya. Di sumagot ang kasama dahil nag-iisip ng gagawin.

"We ne--"

"Ako ang magmamaneho," parang may naisip na gagawin si Martian at siya ang nagpresentang magmaneho.

"Okay,"

Nagpalit ng pwesto si Martian at Rhea. Mahigpit ang kapit ni Martian sa manibela at sa handbrake. Nagulat ang babae at binabae sa ginawa ni Martian. Mabilis niya itong pinaandar at idinaan sa nakataob na sasakyan para sumampa. Nakasampa sila run at tuluyang lumipad sa ere. Muntikan na silang di maabot sa kabila. Salamat sa Maykapal dahil ligtas at nakatawid sila.

Nerbyos ang naramdaman nila. Napakalakas ng pare-parehong kabog ng dibdib. Di nila iyun inaasahan. Salamat na lamang.

--to be continued-

Please vote, comment and follow me.

Malapit na~

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon