CHAPTER 31

2.3K 75 0
                                    

Mhea's POV

Umalis na din ako dun. Binura ko na yung sinabi niya, at kung uulitin niya yun mapapatay ko na siya. Pupuntahan ko na lang sina.Sky at Magic. Mas gaganda pa ang mood ko dun kesa makita ang demonyo nilang Ama! Pagpasok ko nandun si Rhea binabantayan sila.

"Huy! Pinadidi mo na sila?" Tanong ko.

"Opo, señorita," nakangiwing sagot niya.

Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang kambal ko. Napapangiti ako, syempre sa tuwa. Sumaya ako ng dahil sa kanila. Naging may kwenta na ang buhay ko. Natuto na akong lumaban, dahil.sa kambal. Ganito pala ang isang ina. (HAPPY INTERNATIONAL WOMEN'S DAY)

"Mhea, may plano ka bang sabihin kay Martian ang tungkol sa kambal, sa mga anak niya?" Biglang tanong ni Rhea.

Huminto yung isip ko sa tanong niya. Ipapakilala ba ang tawag dun. Di ko alam, natatakot ako. Siguro wag na lang, dahil baka bumalik pa.ang lahat. Natatakot ako.

"Hindi na, total,papatayin ko naman siya," mapait na sagot ko.

"Pero, Mhea. Iba pa din kung may Tatay ang mga Bata. Paano kung pagdating ng araw, tanungin nila kung saan ang Tatay nila at malaman nilang pinatay ng nanay nila ang tatay nila. " sabi niya, di ako nakasagot. Di ako sasagot dahil wala akong sagot. Ayaw ko, ayaw kong malaman, ang sagot at ang katotohanan.

"Natatakot ako," naiiyak na huni ko. "Di ko alam ang gagawin, ayaw kong magalit saakin ang mga anak ko, kamuhian nila ako." Tunuloy ang mga luha ko sa pisngi habang nanginginig ang mukha ko. Naramdaman ko na lang na niyakap na pala ako ni Rhea.

"Sshhhhhh," ang tanging tugon ni Rhea.

-kinabukasan-
-at meeting room-

"Sa susunod na linggo ang pasya kong uuwi sa Pilipinas," sabi ko sa harap nila.

Unti-unti kaming magpaparamdam sa Ma-Ka-Ma. Ipapakita namin ang presensya ng grupo namin.

"Ihanda lahat ng gamit, aramas etc." Utos ko tsaka sumimsim ng kape.

"Sinong uunahin?" Tanong ni Rhea.

Lahat sila nakatingin saakin. Sina Jamael,.Martian. Ilang tauhan namin. Lahat. Sino bang uunahin.

"Sa pinakamababa," sabi ko. "O kaya sabay or random," sagot ko.

Napasandal ang ilan sa upuan nila sa sinabi ko. Si Martian, anlayo ng tingin pero nasa'kin. Di ko kinaya ang titig niya kaya tatayo na sana ako ng magsalita siya.

"Magaling sila," sabi niya.

"Magaling din naman kami," sabi ko naman.

"Alam ko, pero kailangan din natin ng ingat." Sabi niya.

Di ko siya maintindihan. Ano bang sinasabi niya.? Di niya pa puntuhin.

"Ano bang sinasabi mo?" Nakunot ang noo ko habang tinatanong ko yun.

"Hinahanap ka nila, buhay ka man o hindi hinahanap ka nila. May plano din sila sayo." Sabi niya.

Di ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o maiinis. Yun yung pinupunto niya. Bakit ano bang alam niya? Marami, Ex member ata ng Ma-Ka-Ma eh. Nakakainis.

"May plano din naman kami, di lang sila." Sabi ko. Tinitigan lang niya ako kaya nailang ako ng unti. "Ano na, pwede na tayong magdismiss." Nauutal na sabi ko.

"Ayaw lang kitang mawala," rinig kong sabi niya, napatingin ako sa kanya. Sinsero, walang panluluko. "Pwede bang iwan niyo muna kami please," nakangiting pakiusap niya.

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon