CHAPTER 55

1.1K 29 3
                                    

Mhea's POV

Matapos ang malakas na pagsabog na iyun ay lumabas na kami. Lahat nakahandusay na sa lupa. Inihanda namin ang baril namin dahil di kami sigurado kung patay na ba talaga sila.

*BANG*

Napalingon kami kay Rhea dahil pinaputukan niya yung isa. Napalingon din siya samin at natawa.

"Buhay pa e, jinutay ko lang." sabay sabi.
Napailing na lang ako.
"Di ba tayo huhulihin ng mga parak dito, para tayong nang-masaker!" Dagdag pa ni Rhea.

"Di ko alam, baka wala lang talagang pake ang mga pulis dito. Magaling pumili ng lugar si Mark," sagot ni Martian sa tanong ni Rhea.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Pumunta na rin kami dito, wala akong nakitang pulis, wala rin umaawat sa nagpapatayan. Kumbaga, di na to saklaw ng mga pulis o gobyerno. Dito rin madalas nakukuha ang mga droga at armas." Paliwanag niya. "Ibig sabihin din nun, lahat ng taga-rito ay kalaban natin."

Napalingon ako sa paligid. May pagkaluma na rin ang mga gusali. Walang nakakalat ngayong tao. Makalat din ang lugar, puro plastik at upos ng sigarilyo. May nakikita pa akong tanim ng marijuana sa mga paso na nakapalibot sa mga bahay.

"So creepy pala rito," nag-iinarteng tugon ni Rhea.

Ilang sandali lang ay nakarinig kami ng sasakyan na paparating. Andiyan na ang mga tauhan ko, namin. Nakahinga ako ng maluwag. Marami sila. May helicopter din na nakasunod. Pagkalapit nila samin ay bumaba ang lahat at humilira. Nagbow sila samin ng sabay. Sunod naman na narinig namin ang pagdating nga conainer truck at sa likod ay mga tanke. Alam kong saamin yun dahil sa simbolong nakatatak.

"Bonga diba, natagalan lang." Ani Rhea.

"Sumabay na lang sana tayo sa kanila kanina," reklamo ko.

Naramdaman ko naman na iniligay ni Martian ang braso niya sa bewang ko at nilapit sa kanya. Napangiti na lang ako.

Lumapit kami sa container truck at pagkalapit namin dun ay binuksan nila agad ang container. Bumukas ang ilaw sa loob. Pumasok kami at tumambad samin ang mga equipment panlaban, iba-ibang baril. Rifles, pistol, handguns, sniper guns, may grenades kung ano pa. Hawak ng lahat ng tauhan ko ay Semi automatic rifles. Kumuha ng sniper gun si Rhea at handgun din, kumuha rin siya ng mga bala. Kumuha ng handgun si Martian at mga bala, pati na rin grenade launcher. Kumuha rin ako ng submachine gun at isang hand gun. Pati na rin ang mga bala.

Pinalitan ko din ang damit ko. Naglagay ako ng protektor at pinalitan ko ang ear bug speaker ko. Isiniksik ko sa likod ko ang handgun. Lumabas na kami sa container at pagkalabas namin nakahilera na ang mga tauhan ko. Bumuntong hininga ako.

"Maghahati-hati tayo sa limang grupo, ang isang grupo sasama sakin, isa kay Rhea at isa--"

"Hindi ka hihiwalay saakin," putol ni Martian sa sinabi ko.

"Okay, uulitin ko, mahahati tayo sa limang grupo ang unang grupo ay saamin ni Martian sasama at ang pangalawa kay Rhea. Ang pangatlo kay Direck. Ang pang-apat kay Anton at ang pang-lima ay kay Jer," pumili na kami ng magkakasama at pagkatapos nun ay pinapunta ko sila sa mga grupo nila. "Lahat ng tao rito ay kalaban natin, lahat. Ang pang-apat at limang grupo ang magdadala ng tanke at ang natira ang papasok sa mga building," tinuro ko rin kung anong papasukin nila. "Wag niyong hahayayaang maubos nila kayo, tayo. Tatalunin natin sila, tatapusin. Mananalo tayo sa giyerang to!" Sigaw ko sa dulo.

"Move now!" Si Martian na ang sumigaw nun.

Tumakbo na kami sa grupo namin. Kanina kinontak ni Rhea ang media team. Sila ang mata namin sa boung bayan na to.

"Di pa ba nahahanap ang kambal?" Tanong ko kay Rhea bago kami maghiwalay.

"Di pa, wag ka mag-alala mahahanap din natin sila. Sabi ko kontakin ka ng Media Team para sa information tungkol sa anak mo." Paalala niya bago umalis at pumunta sa team niya.

Napabuntong hininga ako. Hinawakan ni Martian ang kamay ko, mahigpit. Ngumiti ako sa kanya.

"Maililigtas natin sila," paninigurado niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Naniniwala naman talaga ako na kaya namin, magagawa namin. Marami kami at malakas kaya namin silang talunin. Kayang-kaya. Malakas ang pananalig ko, malakas ang paniniwala ko. Di ko hahayaang mabigo kami, di yun mangyayare. Ako, kasama ang mahal ko at kaibigan ko. Pati ang mga tauhan kong naging parte ng ilang tagumpay ko, naniniwala ako sa kanila. Kakapitan ko sila, bukod sa kanya. Kahit anong pagsubok, alam kong makakaya namin. Kahit anong hirap, makakaya namin. Kahit anong bomba o bala, makakaya namin. Kahit anong problema ay may pantapat kami. Kaya namin to! Kaya namin to!

Ready na kami ng may marinig kaming tunog ng jets. Napatingala kami sa langit. Dun naglitawan ang mga bomber jets pala at naalerto kami run.

"Nandiyan na ang kalaban," bulong ni Martian. "Wag kang lalayo saakin."

"Di ako lalayo sayo," sagot ko.

Nawala na ang mga bomber jets pero ilang saglit lang ay bumalik ulit ang mga ito. Di na namin inaasahan ang sunod nilang ginawa. Nagpalipad sila ng gun bomb. Tumama iyun sa mga gusali at sumabog. Ginawa ulit yun at sa tapat na namin itinama. Napatakbo kami run. Mabilis kaming nagtago sa mga sasakyan. Tinira ng isa ang building na malapit saamin, gumuho ang mga pader at bumagsak yun sa mga sasakyan namin. Napatakbo ulit kami ng patamaan nila ang container truck, sumabog iyun ng napakalakas.

"DALIAN NIYO!!" sigaw ko. "PATAMAAN NIYO ANG PLANE NA YUN!"

Ilang sandali may natanawan akong sobrang bilis na jets na parating. Mga fighter and attact jets. Kinabahan ako, inaamin ko. Papalapit na sila, napakapit ako sa hawak kong baril. Pero nawala ang kaba ko ng patamaan nila ang mga bombet jets. Natuwa rin ako sa nakita kong simbolo, saamin pala iyun. Ang mga natatamaang bomber jet ng kalaban ay sumasabog at nag-k-crash sa lupa.

Napatingin ako sa paligid, may mga pababa ng kalaban sa mga bintana.

"Nandiyan na ang mga kalaban, humanda kayo!"

Naalerto ang mga tauhan ko at nakapagtago. Sunod-sunod ang pagbaba ng mga kalaban sa mga bintana. Kasunod nun ang pagguho ulit ng mga gusali. Lumabas run ang mga tanke. Pinaputukan nila ang tanke namin at sumabog iyun. Hindi nagpatalo ang kampo namin, pinasabugan din ang tanke ng kalaban.

"Fire!!" Rinig naming sigaw ng kalaban.

Nagpaulan na sila ng mga bala. Nakipagbarilan na rin kami. Natatamaan din ang mga tauhan ko pero ganon din naman sa kalaban.

Parang nasa worldwar 3 kami, nakikipaglaban para sa gusto namin. Parang kami ang mga katipunan at sila ang mga mananakop, nakikipaglaban para sa bayan. Lahat di nagpapatalo, nakikipagpalitan ng bala. Di pumapayag na di makabawi ang dalawang panig. Pero kingina, kami ang mananalo rito! Kami!

Wala pa ring kumukontak saakin kung nasaan ang kambal ko. Tangina! Baka napano na yun. Di ko yun kaya.

-to be continued-

PLEASE VOTE AND COMMENT.
PAFOLLOW NA RIN.

WALA PA RIN KAYONG SAY SA STORY. PATAPOS NA E.
<3

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon