CHAPTER 60

1.4K 36 6
                                    

A/N: UMABOT NA TAYO RITO. ♡♡♡
LAST CHAPTER NA PO ITO. :'<

Jamael's POV

Nakatingin sakin si Mhea habang sakal ni Mark, sa kabila ng panggigigil naroon ang lungkot, sakit at hirap. Nakatingin lang siya saakin habang may sinasabi siya kay Mark.

Nag-aalala ako, sobra. Natatakot din ako sa posibleng mangyare sa kanya. Bakit kasi siya ang nasa sitwasyon yan, dapat ako. Dapat ako ang pumuprotekta sa kanya pero hindi. Itinapat ko yung baril na hawak ko, tinatansiya ko para kay Mark yun tumama pero malikot sila. Di ko maiputok dahil baka si Mhea ang tamaan. Nanginginig na ako wala pa rin akong magawa.

Maya lang binitawan na ni Mark si Mhea. Tatakbo na sana ako pero humarap si Mhea at sinalo ang balang ipinutok ng baril na hawak ni Mark. Tumama iyun sa bandang dibdib niya. Dahan-dahang bumagsak si Mhea.

"MHEAAA!" tangin pangalan niya ang naisigaw ko. Naiiyak na ako at nagagalit na rin dahil kay Mark. Papuputukan pa sana ni Mark si Mhea pero inunahan ko na siya. Ilang beses akong nagpaputok hanggang sa maubos ang bala ng baril ko. Dahan-dahan din siyang bumagsak habang naliligo sa sarili niyang dugo.

"MHEAA!! MHEAA!!" sigaw kong muli at di na inaasahan ang luhang tuloy-tuloy na bumagsak.

Lumapit ako kay Mhea at nakita ko siyang nagmulat at ngumiti ng mapait. Umiling ako, umiiling. Hinawakan ko yung kamay niya, mahigpit.

"Mhea, Mhea!" Muli kong usal.

May protector si Mhea pero di yun nakatulong. Tumagos pa rin ang bala sa dibdib niya. Sa dibdib niyang inaagusan na ng dugo. Hinubad ko yung tshirt ko at itinapat sa tama niya para di maubos ang dugo niya.

"Kapit ka, kapit ka lang please, wag mo kong iiwan, wag mo kaming iiwan please. " nanginginig at gumagaralgal na ang boses ko. "I'm so sorry, sorry dapat ako ang nasa sitwasyon mo ngayon pero hindi,"

Di ko kayang makita siyang ganito. Ansakit para saakin, sobrang sakit. Di ko siya nagawang protektahan, antanga-tanga ko. Dapat ako ang naghihirap ngayon, dapat ako ang nasasaktan at di siya. Dapat ako! Dapat ako!

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko na nakalagay sa dibdib niya. Kahit nanghihina ginawa pa rin niya yun. Mahigpit ang pagkakahawak niya, parang sinasabing magiging okay din ang lahat.

"A-ang m-mga a-a-anak natin?" Mahinang tanong niya.

"Ligtas sila, babe." Sagot ko. "Babe kapit ka lang, babe! Wag mo kaming iiwan at di ko kaya yun. Please!"

Paano na lang kung wala na siya, ang mahal ko. Paano na lang ang buhay ko? Masisira na naman. Di ko kaya, hinding-hindi ko kaya. Nasanay na akong nasa tabi niya. Nasanay na akong nakikita siya. Nasanay na akong kasama siya. Nasanay na akong nayayakap at nahahalikan siya. Nasanay na ako run.

Ilan saglit lang, dumating na si Jamael dala niya ang kambal. Nagulat siya sa nakita. Dumapa siya at hinawakan ang pisngi.

"Mhea, Mhea!" pagtawag niya rito.

Ngumiti si Mhea bilang tugon. Sobra na siyang nanghihina pero wala pa ring dumadating para tulungan kami. Nakakatangina!

"Kailangan na natin siyang idala sa hospital!" Sigaw ko kay Jamael.

Sa di kalayuan ay may parating na chopper. Nagpapasalamat ako dahil sakay nun si Rhea. Dali nilang inilapit ang chopper samin ng makita ang kalagayan ni Mhea.

"Andiyan na sila, babe." Bulong ko sa taenga niya.

2 months later

Sa kabila ng lahat ng mga masasaya at masasakit na nangyare hito ako naglalakad sa may parke. Makulimlim at parang nakikisabay sa lungkot na nararamdaman ko. Parang sasabay siya kapag tumulo na ang mga luha ko.

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon