Chapter 49

1.1K 30 1
                                    

Mark's POV

Jamael! Ang kanang-kamay ng grupong kinakainisan ko. Siya ang una kong pinahanap at dakip. May nakakita sa kanya nung araw na namatay si Kate. Nandun siya sa Airport.

Ngayon nasa harap ko na siya. Nanggigigil ako. Gusto ko na siyang patayin pero di pa pwede. Kailangan ko muna malaman yung mga nalalaman niya. Pagkatapos niyang sabihin sakin lahat, pwede ko na siyang patayin.

Nakasabit siya at mukhang tulog pa. Nakakabagot na.

"Gisingin niyo na!" Sigaw ko.

Binuhusan nila ng tubig si Jamael. Nagising naman ito at nagulat ng makita ako. Napangisi ako sa itsura niya. Nakakaawa.

"Hayop ka!" Sigaw niya. Napalitan ng masamang tingin ang gulat niyang tingin.

"Sagutin mo lang ang mga tanong namin kung gusto mo pang humaba ang buhay mo!" Pagkakasabi ko nun bigla siyang tumawa.

"Hahahaha, paano kung ayuko?" Ngumisi siya sa huli.

Nagpintig sa taenga ko yung sinabi niya. Tngina pala nito e! Di niya alam ang sasapitin niya. Mukhang kailangan ko ng gumamit ng dahas dito. Yun masasabi niya lahat ng gusto kong malaman.

"Pinapainit mo ulo ko ha!" Tumalikod ako at kinuha yung latigong nakasabit sa pader. Inihampas ko pa sa sahig bago ako lumapit sa kanya. "Nakikita mo to ha!? Nakikita mo!"

Inihampas ko sa katawam niya dahilan ng pag-aray niya ng malakas. Natatawa ako habang ginagawa ko yun. Namnamin mo yung galit ko! Napasakit diba!? Napakasakit!?

"Anong ginagawa mo sa Airport!?" nanlilisik ang mga mata ko habang nagtatanong.

"A-ano ba sa tingin mo!?" Pabalang na tanong niya.
Sa inis ko hinampas ko siya muli ng latigo. "Arghhh!"

"Sagutin mo ko!! Tngina papatayin kita!" Nanggigigil na banta ko sa kanya.

"Wala kang sagot na makukuha sakin! Gusto mo kong patayin? Gawin mo!!!" Hinampas ko sa muli, ilan beses. "Aaarghhhhh!!"

Mhea's POV

Kingina mo Mark! Pagkasabi ni Ton na dinakip si Jamael ng Ma-Ka-Ma ay di na kami nagdalawang isip na puntahan si Jamael. Mapapatay ko siya kung napatay niya si Jamael..

Nasa tapat na kami ng building kung saan yung address na tinutukoy ni Ton. Tahimik kaming pumasok sa loob. Medyo nahihirapan kaming pasukin kasi madilim. Buti na lang may unting liwanag mula sa buwan at sa ilang ilaw na nakasindi.

Sabi ni Rhea kung may problema raw, tawagan namin siya para sa back up. Darating daw sila agad. Kaming dalawa lang ni Martian ang pumasok, bukod sa alam niya ang pasikot-sikot dito sa loob. Ang alam ko ay magiging mas ligtas ako sa tabi niya.

Hawak ko yung baril na may silencer. Habang maingat na pinapasok ang loob ng building. May nakita kaming hagdan at agad na umakyat dun. Walang tao kaya dumeretso kami hanggang sa marating namin ang second floor. Wala ring tao kaya nagawa namin ang magpagala-gala sa loob nitong second floor. May mga kwarto siya at mga ilang gamit. May elevator din sa di kalayuan samin.

"shot tayo!" Napatago kami ng may lumabas sa isang kwarto. Naka-lab gown sila.

Ginamit nila ang elevator at ng wala na sila. Yung kwartong pinasukan ng dalawang yun. Di naman siya nakalock kaya kami nakapasok. Tumambad samin ang ilang gamit sa lab. May nakasabit pang babae na nangingisay.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig ng makita ko kung paano siya labasan ng mga dugo saan mang parte ng katawan. Pati ang pagkulubot ng balat niya at mukha.

"Ano yan!?" Gulat pa ring tanong ko.

"Yan yung tinutukoy ni Ton minsan, ang Z-virus!" Napalingon ako kay Martian. Di ko na masikmura ang nakikita ko.

"Sino kayo!?" Napalingon kami sa pumasok. Di nagdalawang isip si Martian na barilin yung pumasok.

Dali kaming lumabas at iniwan ang kwartong yun. Naisip ko, ginagaya ba nila yung ginawa ng Tatay ko noon o yung maling nagawa ng Tatay ko. Pero para saan. Nakakainis.

"Baka nasa underground nila dinala si Jamael, dun dinadala ang dinadakip ng Ma-Ka-Ma!" nagtatakbo lang kami hanggang sa makababa.

Hinanap namin ang daan pababa ng underground. Nahanap din naman namin yun agad. Dali kaming pumasok dun. Anlakas ng tibok ng puso ko, baka kung ano ng nangyare kay Jamael. Natatakot ako. Importante sakin si Jamael.

Nakababa na kami. Malansa sa lugar nato. Masakit sa ilong. May iisang ilaw na nagbibigay liwanag sa loob nito.

Hinila ako ni Martian patago sa kanto ng may parating na tao dun. Umagaw sa pandinig ko yung umuungol. Naiisip ko na si Jamael yun kaya nilapitan ko pero mali ako ng makita ko ng tuluyan yun mukha niya. Nanlaki yung mga mata ko.

"K-kuya! Kuya!" Gising ko rito. Ang kuya ko. Paano siya napunta rito.

Nilapitan ako ni Martian. Nagising si Kuya at napatingin sakin, samin. Nagulat siya at bumawi rin naman agad at nagyakapan kami. Nakatali ang mga braso niya kaya nahirapan siyang yakapin ako.

"A-anong ginagawa mo rito!?" tanong niya.

"Ililigtas namin si Jamael at ililigtas ka rin namin!" Naluha ako. Naiiyak ako sa kalagayan ni Kuya. May mga sugat siya at gasgas. Para siyang pulubi.

"Wag niyo na akong iligtas," nagulat ako sa sinabi niya. Bakit? "M-martian, i-ikaw ba yan?"

"A-ako nga." Nagtatakang sagot ni Martian.

"Ku--"

"K-kelangan mong malaman ang t-totoo!"

Totoo? Anong totoo. Nakakalito. Sa sinabi ni Kuya para akong may naramdamang kakaiba. Bumilis yung tibok ng puso ko. Tinignan ko si Martian, nakakunot ang noo niya. Siguro iniisip din niya kung ano yung totoong tinutukoy ni Kuya.

"Anong totoo?" Nagtataka pa ring tanong ni Martian.

"Yung tungkol kay Kaye, sa girlfriend mo!" Nanginginig na sagot ni Kuya. Anong meron kay Kaye? Tinignan ko si Martian, nakakunot pa rin ang noo niya. "D-di ako ang pumatay sa kanya! S-si...Mark!"

"Ha? Si M-Mark?" Nagulat ako at alam kong ganon din si Martian. Mukhang di siya makapaniwala sa sinasabi ng Kuya ko. "Di ko maintindihan!"

"Ang alam ko, nakita niya nun kayo ni Kaye na naghahalikan. May gusto si Mark kay Kaye at sa tindi ng selos. Nirape niya si Kaye bago pinatay sa bugbog!" Kwento ni Kuya. "Nakita ko yung nangyareng paglibing ni Mark kay Kaye. Ako ang tinuro niyang gumawa nun kaya kumalas ako sa grupo nun. Maniwala ka! Martian!"

Di ako makaniwala. Hindi sa kung sino ang pumatay kay Kaye kundi sa myembro si Kuya ng Ma-Ka-Ma dati? Bat di ko alam. Bakit di sakin sinabi. Nakakainis.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Napatingin ako kay Martian. Hinila na niya ako paalis dun.

Nakakainis. Kailangan na naming iligtas muna si Jamael.

--

PLEASE VOTE, COMMENT AND SHARE!

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon