CHAPTER 47

1.3K 32 1
                                    

Mark's POV

Di ako mapakali dito sa loob ng opisina ko. Magkahalong kaba at galak ang nararamdan ko. Habang hinihintay ko ang sinasabi nila Mr. Woi at Mrs. Futshida.

Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko kaya kinuha ko yung tubig na nasa table ko at inimum yun.  Saktong bumukas ang pinto. Iniluwa nun ang isa sa tauhan ko.

"Narito na sila Boss," nakayukong tugon nito.

Napahinga ako nang malalim bago magsalita.

"Papasukin mo," utos ko at tumayo.

Pumasok naman ang grupo ng mga nakamaskara na kulay itim. Itim rin ang suot nila at may espada sa gilid. Lima ang pagkakabilang ko. Sumunod naman ang ikalawang grupo. Walang maskara at magkakaiba ang kulay ng sout at sandata. Pero tatoo sa pisngi ang pagkakakilanlan na iisa silang grupo. Deretso silang nakatingin sakin.

"Welcome sa Ma-Ka-Ma," nagbow sila sakin ng ilang segundo at tsaka dumeretso ng tayo. Nakangiti ako sa kanila.

"Ako ang leader ng grupong Mask," nagsalita ang nasa unahan ng mga nakamaskara. Di niya tinanggal ang maskara niya. "Mask ang tawag sa grupo ko na nasa orginasasyong pinapatakbo ni Mr. Woi." Napatango naman ako.

"Kami naman ay nabibilang sa Futshida, yun lang." Matipid na pagpapakilala ng may tatoo sa pisngi. Napatango na lang ako.

"alam niyo na siguro ang patakaran ko," nakangising sabi ko.

Ramdam kong magtatagumpay ako, kami. Makakapaghigante ako sa nangyare kay Kate.
Mapapatay ko din yang potang-***ng babaeng yun pati na din ang gag*ng Martian.

JAMAEL'S POV

Ang sakit, sobrang sakit mag-let go. kasalanan ko din naman kasi di ko sinabi, di ko agad tinapat sa kanya yung nararamdaman ko. Sakay ng kotse ko di ko maiwasang isipin si Mhea. Yung mukha, yung mga ngiti niya. Di ko maiwasang maluha. naluha ako kasi alam kong wala ng pag-asa.

Napapreno ako nang may dumaang aso. Napabuga ako nang malalim. Naalala ko, saan pala ako pupunta? Tch yung mga gamit ko naiwan ko sa mansyon. Kelangan kong bumalik para kumuha ng ilan.

    Pinaikot ko yung kotse ko pabalik ng mansyon. Pinaharurot ko yun pabalik. Pagkarating ko sa tapat ng mansyon ay bumusena ako. Agad din nila akong pinapasok. Pinarada ko na yung kotse at bumaba. Kinakabahan ako, hinawakan ko na yung door knob at pinihit. Pagbukas ko, bumungad sa harap ko ang dahilan kung bakit di ko siya nakuha, kung bakit di niya ko kayang mahalin. Si Martian.

Umatras siya habang nakatingin sa mga mata ko. Pumasok naman ako at nilabanan ang mga tingin niya. Katahimikan lang ang bumalot samin. Gamit ko ang pinunta ko rito kaya iniwas ko na ang mga mata ko. Wala naman na akong magagawa kung makikipagtitigan pa ako sa Martian na 'yan.

"Bumalik ka na?" Napahinto ako sa tanong niya. Di nang-aasar at di rin sarkastiko. kundi normal lang na nagtatanong.

Di ako sumagot. Di ko alam kung nakatingin siya sakin o nakaharap. Nanatili ako at hinihintay kung may sasabihin pa siya.

"Alam kong gusto mo si Mhea at alam kong gusto mo siyang agawin. Pero Jamael 'wag ka mag-alala. Di ko siya sasaktan."

Napabuga ako ng hangin sa sinabi niya. Humarap ako sa kanya, nakatalikod pala siya habang sinasabi iyun.

"siguraduhin mo Martian," paninigiro ko. "Nagawa mo na siyang saktan at posibleng ulitin mo pa. Kapag ginawa mo yun aagawin ko siya mismo sayo."

Humarap siya sakin nang nakangiti. Parang sinasabing sisiw lang yung sinabi ko. Di ko maiwasang mainis.

"Wala akong planong saktan siya." Nakangiting sabi niya. "Kaya makakaasa kang di siya iiyak."

Mhea's POV

"Ngayong wala muna si Jamael sa grupo natin pansamantala sa kadahilanang bigo siya sa pag-ibig," baliw, muntikan siyang matawa buti napigilan niya. "Si Martian Flakes muna ang tatayong kanang kamay ni Princess Mhea," -Rhea.

Nakakagulat ang araw na 'to. May nalaman kasing bago si Ton. Wala pa si Jamael. Di ko alam kung kelan balik niya.

Kelangan na 'tong simulan para matapos agad. Huminga muna ako ng malalim bago sumandal.

"Ton," tawag pansin ko kay Ton. Hudyat na sabihin na niya yung nalalaman niya.

Tumayo si Ton. Tinignan siya nang lahat. Napansin kong may projector. Pero hinayaan ko na lamang yun at nakinig na lamang kay Ton.

"kahapon, saktong alas dos nang hapon ay dumating na ang ipinatawag ni Mark. Dalawang grupo na may tig-lilimang myembro. Yung isang grupo ay tinawag na MASK dahil sa nakamaskara ito," lumitaw sa screen ang picture ng grupong tinutukoy niya. Natitig naman ako sa picture. "At ang pangalawang grupo naman ay nabibilang sa Futshida. Sa nakita ko, Devil Web ang pangalan ng grupo nila. Sapot ang nasa pisngi nila bilang pagkakakilanlan." Lumitaw din ang picture nila.

Di ko maiwasang kabahan. Syempre dahil di namin yun kilala. Di namin alam ang kakayahan nila. Pero di naman kami susuko, lalabanan namin kung sino pa sila.

"sila raw ang pinakamagaling at napakarami nang napatay," dagdag niya. "Ang ilan sa kanila ay Pilipino. Ilan naman ay iba't ibang lahi na. Di sila madaling kalaban, napanoud ko sila kung paano nila napatay ang ilan sa tauhan ni Mark nang ilan sandali lang. Kahit robot ay natalo nila." Kwento niya at lumabas din ang mga pictures. Marami nga. "Ayon sa nalaman ko pa, karamihan nang napapatay nila ay leader o boss ng Gang. Dumadagdag na lamang ang lumalaban sa kanila."

"Posible bang traydurin nila ang Ma-Ka-Ma?" Tanong ko.

Di ko alam kung bakit ko natanong yan. May parte kasi sakin na sumisigaw na pwedeng traydurin ang Ma-Ka-Ma ng dalawang grupong iyan.

"posible po," tumingin sakin si Ton. "kahit na malaki ang binayad ni Mark sa grupong yun. Pero di ako sigurado."

Marami pa kaming pinag-usapan. Gaya nang gagawin namin. Mga plano. Pagkatapos ay pina-dismiss ko na dahil mukhang napagod ako. Alam namin ang kakayahan namin kaya alam naming matatalo namin sila.

Tumayo na ako. Gusto ko munang umidlip sa kwarto ng kambal.

"Babe!" Napalingon ako sa tumawag saakin. Napangiti ako, si Martian lang naman kasi.

"Bakit babe?" Lumapit siya sakin at hinila ako palapit sa kanya tsaka niya ako niyakap patalikod.

"Tara, Sama ka saakin." Ramdam ko yung hininga niya sa leeg ko. ambango niya.

"Saan?" Tanong ko. Saan naman kaya kami pupunta. Tss hehe.

Kumalas na siya sa pagkakayakap niya sakin at hinawakan ang kamay ko para hilahin palabas. Di niya sinagot yung tanong ko.

"Wuy san tayo pupunta?" Tanong ko pa habang hila niya ako.

"Sa Forever kasama ka, kaya wait ka lang babe." Napakagat ako ng labi ko. Anudaw?

-to be continued-

HEHEHE.
VOMMENT PLS.

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon