CHAPTER 38

1.8K 54 1
                                    

Mhea's POV

-kinabukasan-

Nagising ako dahil may gumagalaw sa ilong ko. Minulat ko yung mga mata ko, si Martian. Nakangiti at titig na titig sakin yung mga mata. Tinapik ko yung kamay niya.

"hahaha---Good morning," di ko siya pinansin, bumangon na ako.

Pagkabangon ko, pumasok ako sa banyo. Ginawa ang morning rituals ko. Habang ginagawa ko ang mga yun, naiinis ako, di pa rin ako makamove on at di pa di ako makapagtimpi. Huminga ako ng malalim para makalma ko yung sarili ko.

Sinout ko yung roba at lumabas na ng banyo. Pagkalabas ko may dalang tray si Martian na may pagkaing nakalagay.

"Breakfast na~para mawala yang--" nagkibit balikat siya.

Umupo na din ako at inilapit niya sakin yung pagkain. Kinain ko , gutom na ako eh. Subo ako ng subo, wala samin ang nagsasalita. Nakatingin lang siya sakin, tinignan ko siya. Ngumiti siya~

"Gusto mo?" Tanong ko. Para pa siyang nagulat sa sinabi ko.

"A-ako? Sure ka?" Siya


"Mukha ba kong nagbibiro?" Pagtataray ko.

Binigay ko sa kanya yung tinidor. Pinagsaluhan namin yung pagkain. Maya-maya, napansin ko siyang binabalatan yun saging, pagkabalat niya nilapit niya sa bibig ko. Kukunin ko na sana pero nilayo niya.

"Nga-nga ka," utos niya sakin.

Ngumanga na lang ako, sinubo niya sakin yun saging at kinagatan ko nga. Ayun na naman yung mga ngiti niya. Bakit ba anlakas ng epekto sakin ng mga ngiting yun?

Naubos namin yun. Nagdecide na kaming bumaba. Dala niya yung tray at dumeretso siya sa kusina, ako naman sa sala. Nandun sina Rhea at Jamael napatayo sila ng makita ako. Umupo ako at ganon din sila. Masama yung mukha ni Jamael, di kasi namin nasabi sa kanila.

"Anong nangyare?" Agad na tanong niya.

"Di namin siya napatay," walang ganang sagot ko. Sumandal ako at napabuntong hininga.

"Pinag-alala mo kami, dapat naman sana nagsabi ka! Parehong-pareho ang ugali niyo ng Tatay mo!" Kumunot ang noo ko ng pagtaasan niya ko ng boses.

"Okay lang kami!" Sagot ko.


"Di yun ganon kadali Mhea! Paano kung meron ha?! Sana nagsama ka ng poprotekta sayo o tumawag ka ng back-up! Yan ang hirap sayo eh, di ka nag-iisip!" Sigaw niya.

Napatayo ako sa inis. Ansama ng tingin ko sa kanya. Nilabanan lang niya yun.

"Wag mo kong sinisigawan ng ganyan! Sige next time, isasama kita! Kahit ikaw pa ang mauna!" Sigaw ko sa kanya. Nagwalk out ako at lumabas para magpahangin.

Nasa garden ako, nanggigigil yung kamao ko. Naiinis ako, bakit di nila ako maintindihan! Tngn! Lagi na lang akong mali sa tingin niya, nakakainis!

"Mhea--"

"Ano!!?" Sigaw ko at hinarap kung sino yung nagtanong, si Martian.

"Badtrip ka na naman," siya


"Ano bang kailangan mo!!??" Sigaw ko sa kanya.

"Ikaw..." napapikit ako sa inis, anong katangahan to Martian! "Eh teka, bakit sakin ka nagagalit?" Nakasimangot na tanong niya.

"Anong gusto mong sabihin ko!?"

"Ang kumalma, di naman ganyan yung Mhea ko dati eh, yung unting lambing ko lang tatahan na." Sagot niya.

"Wala kang paki alam!" Sigaw ko, namuo yung luha sa mga mata ko. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na di na ako ang Mheang tinutukoy mo! Ito na ko ngayon, puno ng sakit, pagdurusa at hirap! Lahat yun ng dahil sayo, sa tanginang sainyo!" Pinunasan ko yung nagbabadyang luha. "Gusto kong mawala ang sakit, pero di ko magawa kasi nandiyan ka! Pwede namang iwan mo na ko! Pero di mo ginagawa kasi nagtatangatangahan ka sa nararamdaman mo! Di na kita mahal Martian! Kaya lumayo ka na sakin, Iwan mo na ako!!" Sigaw ko sa kanya.

"Ansakit naman," naiusal niya.


"Anong masakit dun, ang mga sinabi ko o yung malaman mong di na kita mahal!?" Tanong ko sa kanya.

"Pareho, sobrang sakit. Sobrang sakit malaman at marinig mula sayo lahat ng yun, sana wag mo ng ulitin to," sabi niya, natahimik ako. Nakita ko yung mga luha galing sa mga mata niya, yung mga sakit na naruon. "Manhid mo,"

Tunalikod siya sakin pero may iniwan siyang salita na nagpasikip ng dibdib ko. Parang di ko yun kaya, di ko inaasahang sasabihin yun sakin. Dahilan para tuluyang tumulo yung luha ko, bukod sa natahimik ako ay nagdulot yung ng hapdi saking puso at di ako makahinga~~

"Sana wag ng ganito," panimula niya. "Sana huwag kang gumawa ng paraan para sumuko ako dahil sa oras na ipinaramdam mo ulit to, na parang balewala ako sayo,.."dagdag niya. "Kahit sobrang mahal pa kita, bibitaw ako."

Tsaka siya tuluyang iniwan ako...

----

VOTE PLEASE!!!!
COMMENTT!!!
KAMSA!

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon