CHAPTER 36

1.8K 53 0
                                    

Mia's POV

"Sabi ni Ton, pupunta sila sa casino," sabi ni Martian habang nagdadrive.

"Bilisan mo, baka makatakas pa sila!" Sabi ko sa kanya.

"Pwede bang umakto tayong parang maglalaro lang tayo dun?" Sabi niya habang nagdadrive.

Narating namin ang lugar na sinabi samin ni Ton. Pinark niya agad yung sasakyan. Gaya ng sabi niya, naglakad kami papasok sa loob na.parang walang plano. Isinabit ko ang kamay ko sa braso ni Martian at nakangiting pinasok ang building.

"Act normal at huwag kang gagawa ng palpak Matian," bulong ko sa kanya.

Sakay ng elevator, agad namin narating ang second floor. Gaano ba kayaman ang mga tao dito at sosyal ang mga suot. Maraming tao ang nasa loob, naglalaro ang, kwentuhan at may nanunuod.

3RD PERSON'S POV

Paikot-ikot yung mata ni Mhea, ganon din si Martian. Di nila mahanap ang grupo ng Ma-Ka-Ma.

"Hiwalay tayo," sabi ni Mhea.

Di na umangal si Martian dahil lumayo na si Mhea. Naiinis si Mhea dahil ang nasa isip niya ay naka-alis na ito. Pero umaakto pa din siya ng normal.

Habang si Martian ay patuloy sa pagmasid, kumuha pa siya ng baso ng alak at tinunggak ito. Nang maibaba na niya ang baso, nakita niya ang isa sa tauhan ng Ma-Ka-Ma. Pumasok ito sa isang kwarto.

Dinayal niya ang number ni Mhea sa phone niya.

"Nakita ko na sila, saan ka?" Tanong ni Martian.

"Ako na ang pupunta sayo," sagot ni Mhea.

Sa grupo ng Ma-Ka-Ma, masayang inuman habang may mga babae sila. Mga walang hiya na gumagawa ng kababalaghan. Habang yung iba naman ay naglalaro ng baraha. Hanggang sa mapunta ang topic nila kay Mark, ang leader.

"Si Boss, antagal sa kwarto niya ah, andami sigurong babae," biro ng isa.

"Hahahaha! Baka nga!" Sang-ayon ng isa.

"Di man lang magpatikim!" Batok ang natanggap ng nagsabi nun. "Biro lang naman," angal pa nito.

Tumayo naman ang isa sa kanila. Napansin to ng mga kasama niya,

"Saan ka pupunta?" Tanong ng katabi.

"CR, ji-jingle lang ako," sagot nito. "Bakit? Sama ka? HAHAHA."

"Oo, naiihi din ako," sumagot ito at tumayo na.

May sumunod pang isa sa kanila, so tatlo silang pumasok ng cr.

...

Pinanoud ni Martian ang paglabas ng tatlo. Di na din siya mapakali dahil antagal ni Mhea. Hanggang sa di na niya matanaw yung tatlo dahil lumayo na nga ito.

Dinayal niya ang number ni Mhea pero di ito sinasagot, pinatayan pa siya.

"Ikaw na ang nagsabi Mhea, wag gagawa ng ikapapalpak," nag-aalalang bulong nito sa sarili.

...

Nakita ni Mhea yung tatlo, nagtago ito at sinundan ng tingin kung saan pupunta. Nakita niyang papapasok sa cr yung tatlo. Sinundan niya ang mga ito na para bang walang gagawin.

Nakapasok na ang tatlo sa loob, sa cubicle yung isa at yung dalawa ay umihi na sa ihian. -.- (alam niyo na yun)

Kinuha ni Mhea ang dalawang maliit na gun na may silentor sa hita niya. Pumuwesto si Mhea sa likod ng dalawang walang kamalay-malay.

"Isang beses ko lang to uulitin, saan ang Boss niyo?" Tanong ni Mhea na yung dalawa lang ang makakarinig.

Napansin niyang pabunot ng baril ang isa kaya di siya nagdalawang isip na barilin ito sa mismong ulo. Nagulat ang isa, lalo na ng hilahin siya ni Mhea paharap sa kanya at inilapit ang bunganga ng baril sa panga niya.

"Sagutin mo yung tanong ko!" mariing sabi niya. "Kung hindi, mamamatay ka!" Banta pa nito.

Umiling yung lalaki at nagpapakita na lang ng kalakasan niya. Diniinan ni Mhea ang pagkakatutok sa panga ng lalaki yung bunganga ng baril.

"Sagu--" napansin ni Mhea na gumalaw yung itim ng mata ng lalaki kaliwa.

Tinignan ni Mhea yun, nakita niya yung isa pang lalake, she forgot na meron pa pala. Bumunot ito ng baril at nagpaputok, buti na-iharang agad ni Mhea yung lalaking hawak niya sa kanya. Then pinaputukan rin niya ng ilang beses yung lalakeng nagpaputok, agad itong natumba.

Ang pagputok ng baril ng lalaki ang naglikha ng ingay at kaguluhan sa Casino. Lahat nabulabog, maliban kay Mark dahil sa kulob ang kwarto niya.

Nag-alala ng husto si Martian. Hinanap na niya ito, lahat ng madaanan nababangga na niya. Sa pagmamadali niya, may nakita siyang nakatingin din sa kanya, isang pamilyar na mukha, napahinto si Martian. Medyo malayo sila sa isat isa. May baril yun at nakatutok kay Martian.

"MARTIAAN!!" sigaw nito sabay paputok ng baril.

-----
TO BE CONTINUED.

UD 'PAG MAY LOAD O NAGKAWIFI NA.

VOTE PLS. 5 VOTE AND 5 COMMENT.

SANA GAWIN NIYO PARA MAGANAHAN AKO!

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon