CHAPTER 37

1.7K 53 0
                                    

3rd person's POV

"Martian!!" Sigaw nito at nagpaputok ng baril.

Agad na nakailag si Martian, nagpaputok din siya ng baril niya. Nakapagtago si Martian sa table.

"Martian!!! Traydor ka! Lumabas ka! Sinasabi ko sayong mamamatay ka!!" Sigaw pa nito. Ni Jr, ang  isa sa barkada ni Martian.

"Umalis ako dahil nakakasawa na kayo!" Lumabas si Martian at sunod-sunod na pinaputukan si Jr. Di na nagawang lumaban ni Jr dahil sunod-sunod na dumadapo ang bala sa katawan niya hanggang sa matumba ito.

Tumigil na si Martian sa pagpapaputok. Hinanap ng mata niya si Mhea, wala siyang makita. Tumakbo siya sa kung saan tumungo kanina si Mhea, nakita niya yung cr, inisip niyang nandun si Mhea kaya pumasok siya, hindi nabigo si Martian, nandun nga si Mhea.

Nakita niya si Mhea na inaayos yung sarili niya.

"Anong nangyari ba? Sayo?" Nag-aalalang tanong ni Martian kay Mhea.

Tumayo si Mhea at hinatak si Martian palabas ng lugar na yun.


"Walang nangyari sakin, hanapin na natin si Mark." Si  Mhea

Lumabas na sila ng cr na yun. Dun na binitiwan na ni Mhea si Martian at kinasahan ang baril na hawak.

---

Sa kinaruruunan ni Mark, nagulantang sila ng may pumasok  na loob.

"Boss kailangan na nating lumabas," agad na sabi nito.

"Ano bang nangyayare?!" Naiinis na sagot ni Mark at agad na sinuot ang pantalon.

"Di ko po kilala yung pero pinatay nila ang ilan sa kasamahan po natin," sagot nito agad tsaka lumabas ng pinto.

Walang pumasok sa isip ni Mark kung sino, dali niyang kinuha ang gamit niya at lumabas. Naghihintay ssa labas ang mga tauhan niya para bantayan siya.

"Hulihin niyo ang sinasabi niyo, yung iba protektahan ako" utos ni Mark.

--

Hinatak ni Martian si Mhea ng nagpaputok. Nagtago sila sa pader. Nakasandal si Mhea sa pader habang nasa harap niya si Martian, magkalapit ang mukha.

"Muntik ka na," sabi nito. Kumikibot yung labi ni Mhea, hanggang sa kinagat niya ang labi niya para pigilan ang temtasyon. "Mag-ingat ka."

Umalis na si Martian sa pwesto nila, at pumuwesto sa gilid. Kapag nakakuha ng tyempo tsaka lalabas para magpaputok ng baril.

Habang okyupado si Martian sa ginagawa ay nilayasan niya si Martian. Pumasok siya sa kanto at may nakasalubong na grupo ng Ma-Ka-Ma. Sumugod siya at pinaputukan yung naglabas ng baril. Mabilis niyang sinipa yung lalaking sumugod sa kanya at sunod-sunod na magpaputok ng baril hanggang sa maubos ang kalaban.

Dali niyang binuksan ang mga pinto at hinanap sina Mark, wala siyang natagpuan. Pero nakita niya yung naiwang gamit, di lang siya sigurado kung kay Mark yun. Kinuha niya yun, narinig niyang may paparating, agad si Mhea nakapagtago sa likod ng pinto.

Nakita niya yung babae na may hinahanap, unagaw din sa pansin niyang may tattoo ito sa balikat. Itinago ni Mhea ang hawak na baril sa likod niya. Isinara niya yung pinto na ikinagulat ng babae.

"Sin~~Mhealyn Craig, ikaw na ba yan?" Tanong nito.

"Oo at sino ka naman?" Tanong ni Mhea.

"Hays,.di mo pala ako kilala. Ako si Althea ang devil angel ni Mark." Nakangiting pagpapakilala ni Althea.

Inilahad ni Althea ang kamay niya. Tinignan ni Mhea yun, ngumiti siya at tinanggap ang kamay ni Althea. Tumingin siya sa mata ni Althea at tsaka hinila, kinuha ang ulo at tsaka tinuhod ang mukha.

"Arrgghh!" Daing ni Althea at napahawak sa ilong niya.


Galit na tinignan ni Althea si Mhea at sumugod siya ng suntok, pinalipad ni Mhea ang binti niya at natamaan sa leeg si Althea at napadapa.

Nakaramdam ng pananakit si Althea pero tiniis niya. Napasampa ang kamay niya sa table at nakita niya yung base, binato niya yung kay Mhea, natamaan pero buti napagkrus niya ang kamay niya para hindi yung mukha niya ang tamaan.

Di nakita ni Mhea ang pagsipa ni Althea sa kanya. Napaatras lang si Mhea at di din niya inaasahan ang pagsabunot sa kanya. Lumaban na din si Mhea ng sabunutan pero wala sa kanya ang kontrol.


"Hayop ka!!" Mura ni Althea. "Tangina mo! Mamatay ka na!"

Di makaimik si Mhea dahil sa sakit nagpagkakasabunot sa kanya. Hanggang sa maisandal siya nito sa pader. Gumala yung kamay ni Mhea at napunta sa likod niya, kinuha nniya yung baril. Ng makuha niya ay itinutusok niya sa tiyan ni Althea.

"Mamamatay ka na!" Maraming beses siyang nagpaputok, hanggang sa matumba si Althea.

Maraming dugo ang dumaloy at nabahidan din si Mhea. Napapunas siya ng pawis sa noo at naisinandal ang ulo sa pader.

Lumabas na siya at nakita niya si Martian, nakikipagputukan, nakipagputukan na din siya. Hanggang sa malapitan nila ang isa't isa. Nag-aalala ang mga mata ni Martian habang sa Mhea ay naiinis dahil di niya natagpuan ni Mark.


Naubos nila ang mga kalaban pero di sila nagtagumpay. Galit na naman ang nasa pagkatao ni Mhea na uhaw sa paghihigante, sa hustisya. Nanggigigil siya ng sobra, kahit laman loob niya. Para siyang bulkan na sasabog na lang bigla.

-to be continued-

Tuloy ko pa ba?
Nakakapagod ~

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon