CHAPTER 57

1K 27 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Matapos ang pagputok ng baril na yun ay naalerto ang kalaban sa loob.
Itinaas nila Mhea at Martian ang pareho nilang braso ng palibutan sila ng kalaban.

"Ibaba niyo yung hawak ninyo," matigas na tugon ng isa sa kalaban.

Nagtiim ang bagang ni Mhea, walang magawa sa mga oras na yun. Naunang nagbaba ng baril si Martian. Gumaya na lamang si Mhea, pero bigla niyang naalala may naitago siyang baril sa likuran niya. (meron siyang inilagay sa likuran niyang handgun, nasa chapter 56 kung di niyo naalala, skl)

May lumapit sa kanilang dalawa at hinawakan ang mga braso. Di sila makapalag dahil banta ang mga baril na nakatutok sa kanila.

"Kaya kong maglakad!!" Sigaw ni Mhea ng kaladkarin siya, sila.

Dinala silang dalawa sa tapat ng dalawang malaking pinto. Parehong nasa isip ng dalawa na baka si Mark ang nasa loob nun, nagrerelax habang pinapanoud ang bakbakan sa labas. Dahan-dahang binuksan ng dalawang kalaban ang pintuan. Bumungad sa kanila ang red carpet na patungo sa isang table sa gitna at may upuan roon na nakatalikod. Malawak ang kwarto, parang isang bahay na. May chandelier din sa itaas, purong diamond. Ginto at pula ang makikita sa paligid. May mga furniture, paintings at halaman. Meron pang ibon na nasa hawla, nakalagay iyun sa tabi ng malaking bintana. Naiiba ang lugar na iyun sa makikita mo sa labas. Ito yung lugar na nakasunod sa uso. Walang bakas ng sira, walang wala. Ito yung lugar na napakainosente para sa giyera. Ito yung lugar na ayaw mong madungisan o masira.

Maya-maya lang ay umikot na ang upuan na pinag-uupuan ni Mark. Malaki ang ngiti na humarap sa kinagagalitan. Bitbit niya ang kawawang baby ni Mhea at Martian. Oo iisa lang at di kasama ang kakambal. Si Mark lang ang nakakaalam kung nasaan iyun.

"IBALIK MO SAKIN ANG ANAK KO!" galit na sigaw ni Mhea. "IBALIK MO SIYA SAAKIN!!"

Napahalakhak lang si Mark at nilaro ang baby.

"Kung ayaw ko? May magagawa ka!?" Sarkastikong tanong ni Mark.

"PAPATAYIN KITA! IBALIK MO SIYA!" sigaw ulit ni Mhea at pilit na binabawi ang braso sa nakakapit.

"Nasaan si Sky?" Mahinahon pero nanlilisik ang mga matang tanong ni Martian. Tinutukoy niya ang kakambal ng hawak ni Mark.

Tumawa lang si Mark. Inuubos ang pasensiya ng dalawang magnobyo. Tumawa lang siya ng tumawa. Nababaliw na at kahit sino ay ayaw iyun marinig. Nakakatanga na napaseryuso mo pero iyan lang ang sagot niya.

"MAPAPATAY KITA KAPAG MAY GINAWA KANG MASAMA SA KANILA! MAPAPATAY KITA!!" sa sobrang panggigigil si Mhea ay namuo na ang mga luha nito. Tumulo lang ang mga iyun ng kumurap siya.

"Di mo ba ako tatanungin kung bakit ko to ginagawa?" Tumahan si Mark at pagtawa at tinanong iyun. Di sumagot ang dalawa. "Dapat mamatay na kayo! Sinisira niyo ang mga plano ko!" Galit na sagot ni Mark sa sariling tanong.

"Ano bang gusto mo ha!? Pinatay mo na si Kaye, ibinintang mo pa sa kuya ni Mhea ang ginawa mo, sinaktan pa n-natin si Mhea at ngayon gumawa ka ng virus tapos kukunin mo pa ang mga anak ko! Di ka na ba titigil sa kagaguhan mo!?" Sigaw ni Martian, punong-puno na siya. Naiinis, nagagalit. Tangina kasi!

"Gusto ko? Ako ang maghari sa boung gang! Gusto ko ako ang katakutan ng lahat! Gusto kong mapaakin ang bansa! Gusto ko tawagin niyo kong Diyos! Yan yung gusto ko pero sinira niyo!" Sagot ni Mark.

Di na masukat ang galit na nararamdaman ng dalawang magkaaway. Pare-parehong pinapatay sa isip ang kaaway. Si Mark lang naman ang baliw sa lugar na yun, isama mo na ang tauhan niyang sunod-sunuran sa kanya.

"Antaas ng gusto mo Mark! Kingina, bakit di ka na lang tumakbo ng Presidente, posible pa yun!" Pabalang na tugon ni Mhea. "Mark, di namin kasalanan kung bakit nasisira ang mga plano mo sadyang napakaimposible lang ng mga gusto mo! May mas malakas pa sayo at kami yun!"

"MANAHIMIK KA! Matutupad yun kung di mo lang sinira!" Sigaw ni Mark. Tumayo siya bitbit si Magic. Saktong nabasag ang bintanang malaki, naroon ang helicopter. Daling pumunta run si Mark dala pa rin ang baby ni Mhea. "Makukuha mo ang mga anak mo kung matatalo mo kami!"

Dali na siyang sumakay sa helicopter na yun. Pilit pa ring hinahablot ni Mhea ang braso niya para sana pigilan ang pag-alis ni Mark pero di niya kaya, mahigpit. Umalis na ang helicopter at lumipad palayo. Napasigaw pa nga si Mhea e, parang may magagawa yun e wala naman talaga.

May dumating na mga tauhan ni Mark. Lima sila, may tatoo sa pisngi. May baril ang hawak, yung iba pana at palakol. Nakangiti ang nasa gitna, natutuwang makita ang dalawang magnobyo. Yung iba naman walang emosyon parang sabik ng makipagpatayan.

"Hello?" Nakangiting bati ng nasa gitna. Kung wala siyang armas at tatoo, matatawag mo siyang friendly. Di ka magdadalawang isip na kausapin siya o pakisamahan. "Kamusta ka? Kayo?"

Di sumagot ang dalawa, nakakunot at masama ang tingin sa kaharap. Di nila gusto ang presensya ng mga taong yun. Nakakaurat, nakakainis. Lalo na sa pagkakangiti ng nasa gitna. Pero maya-maya lang ay sumimangot na ito at iniangat ang baril na hawak. Itinutok niya iyun kay Mhea.

"Sungit-sungit niyo naman!" Nakangiwing usal nito.

Maya-maya lang ay kinalabit na niya ang triger ng baril. Di yun kay Mhea tumama, kundi sa kalabang nakakapit sa kanya. Sunod na pinaputukan niya ay yung kabila. Nagulat si Mhea, di alam ang salitang itutugon.

"T-traydor!" Sigaw ng isa sa nakakapit naman kay Martian. Binaril din niya yung dalawang yun.

Lahat nagulat. Ang mga may tatoo sa mukha ay pinatay lahat ng tauhan ni Mark sa loob ng kwartong yun. Natira na lamang dun ay si Mhea, Martian at ang mga may tatoo sa mukha. Napahakbang paatras si Mhea, hinarang naman ni Martian ang braso niya sa mahal niya.

"Wag kayong matakot samin, hahaha! kakampi kami sa simula pa lang, di niyo kami malaban!" Nakangiting tugon ng lider siguro.

"P-pero,"

"Maniwala kayo samin, Ikukwento namin sainyo."

To be continued-

VOMMENT PLS.
FOLLOW ME~

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon