The One With The Big Change

Start from the beginning
                                    

Tumayo na ako matapos ang kanting dramahan. At lumabas kami ng kwarto. Isinara ko ang pinto.

"Kapag may isang pintong nagsara, may panibagong magbubukas," sabi ni Gabriel.

"At literal na mangyayari ito ngayon," sagot ko. Napahinga ako nang malalim.

Inihatid na lang ako ni Gabriel sa apartment ni Kuya. Matapos tiyaking wala na doon si Daddy, pumasok kami sa loob.

"O Albert, ikaw na ang bahala kay Alex ko ha," bilin ni Gabriel kay Kuya.

"Ha?" gulat ni kuya. "Kapapaalam pa lang sa akin nitong mokong sa'yo a, sinagot mo na?"

"Hala," sabi ko. "Kuya, hindi pa."

"Pero sasagutin mo?" tanong ni Kuya.

"Pagbalik niya."

Nanlaki ang mata ni kuya. Nanlaki rin ang mga mata ko.

Tumawa nang malakas si Gabriel, at ang tawa na iyun ay tawa ng saya. Ang saya-saya niya. Nagliwanag ang mukha niya at nakita ko kung gaano siya kagwapo kapag masaya siya.

Napangiti din ako. Ang saya niya ay tumatawid sa akin. Napapasaya ako ng kasayahan niya.

Si kuya naman, hindi ko maipinta ang mukha. Nakatingin sa akin na parang disappointed.

"Buhay mo 'yan," sabi ni kuya.

"Kuya, sasagutin ko lang siya," bawi ko "Hindi pa ako sigurado kung ano ang isasagot ko."

"Ay?" nawala ang saya ni Gabriel. "Akala ko naman..."

"No pressure, Alex," sabi ni Kuya. At tumingin nang masama kay Gabriel.

"Yuh," sabi ni Gabriel. "No pressure."

Pagtalikod ni Kuya ay kumindat si Gabriel sa akin. Napangiti naman ako.

"Nakikita ko kayo sa salamin," sabi ni kuya. "Lalandi ninyo."

"Lalandi talaga?" tanong ni Gabriel.

"Bahala kayo!" sabi ni Kuya.

Natawa lang si Gabriel.

"Alam ko namang mahal mo ako, Albert e, at mahal mo rin ang kapatid mo. Kaya't anuman ang mangyari, kaligayahan lang naming ang gusto mo," sabi ni Gabriel. "Sige na, una na ako. I'll be driving to Baguio pa."

"Tantanan mo ako," sabi ni Albert, at yumakap kay Gabriel para magpaalam.

"Bye, Alex," sa akin naman yumakap si Gabriel. "I'm just a text away. I love you."

Muntik nang lumuwa ang mata ko. Hindi ko alam kung dahil sa higpit ng yakap niya o dahil sa I love you.

Bumitaw si Gabriel.

"Don't answer yet," sabay pisil sa ilong ko.

"Bye guys," paalam ni Gabriel sa aming dalawa.

Sa dining table kami naupo ni kuya. Nagtimpla ako ng dalawang kape. Ako na ang nag-volunteer.

"Hindi mo ako madadaan sa kape," paliwanag ni Kuya. "Sinuko mo na ba ang Bataan?"

"Hala," sabi ko. "Wala akong Bataan."

Nagtawanan na lang kami.

"Hindi kuya," sabi ko. "Kung tinatanong mo kung may nangyari sa amin, wala pa."

"Sorry," sabi ni kuya. "I'm overreacting. Wala naman akong magagawa kung may mangyari sa inyo. Gusto ninyo yan e. Gusto mo. Basta huwag ka lang padadala sa pressure."

"Syempre, kuya," sagot ko. "Pero kuya, anon a talaga ko."

"Ano?" tanong ni Kuya.

"Ganun."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now