THE FINALE

1.5K 35 0
                                    

Miah's POV

Di ko inaakala na aabot sa ganito kasaya ang buhay ko. Di ko inaakala na matatapos lahat ng mabibigat na problema namin.
Di ko inaakala na maglalakad na ako mamaya palapit sa altar.

Habang inaayusan nila ako di mawala ang ngiti sa mga labi ko. Minsan naman ay di ko mapigilang maging emosyonal kasi naman sa kabila ng lahat ng hirap at sakripisyo umabot kami sa ganito.

Nakakalungkot ding isipin na ang ilan sa mga mahal ko sa buhay ay di makakarating sa kasal ko. Hindi ko sila makikitang nakaupo sa mga upuan habang masayang pinapanoud kami. Pero sabi naman nila, napapanoud nila kami. Nakikita nila ang lahat ng kilos ko, namin. Kontento na ako run, masaya na. Nasa puso ko lang naman sila at di sila mawawala run.

Tapos na akong ayusan ng make up artist ko. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ako. Tumingin ako sa salamin, napangiti na rin ako sa nakita ko. Simpleng ayos lang para mas lumitaw ang natural na ganda. Bagay din yung buhok kong parang bulaklak ang pagkakatali. Yung make up kong slight lang pero bumagay. Bagay din saakin yung earings ko na puti at purong diamond, bigay ito sakin ni Rhea gift niya raw. May kwentas din ako na may maliit na bato. Di ko maitangging bagay saakin ang gown na sout ko. Strapless sweetheart ang dibdib kung saan ka-hugis ng top ng puso ang desinyo and fits closely to the body from the chest to the knee, then flares out to the hem ang kabuong itsura o sa madaling salita mala-mermaid ang gown ko. Floorlenght ang sukat nito. Purong puti na may mga diamond ang nakaburda. Kumikinang iyun kapag nasisikatan ng liwanag.

"Ready na po ba kayo? Ma'am this is it, ito na yung pinakahihintay nyo." Sabi sakin ng isa sa mga katulong. Naiiyak ako pero pinipigilan ko dahil di pwedeng masira ang ayos ko. Huminga ako ng malalim at tumango.

Inabot niya sakin ang mga bulaklak na puro rosas na puti tsaka niya ako inalalayan palabas sa kwartong iyun na pinag-aayusan ko. Ramdam ko ang bigat ng sout ko pero mas ramdam ko ang saya sa puso ko. Para pa rin akong estudyante, di magkamayaw sa talbog ang puso ko.

"Ma'am kinakabahan ba kayo? Ilan beses ka ng bumubuntong hininga," natatawang tanong niya.

"I'm great kaya lang baka kasi makalimutan ko sasabihin ko mamaya," sabay kaming natawa.

Isinakay niya ako sa Rolls Royce limousine kung tawagin nila. Kulay puti yun. Nang makasakay na ay umandar din naman agad yun. Napapangiti ako sa napakaraming dahilan, sa mga sasabihin niyang matatamis na salita, sa mga idohan namin, sa halik at sa ho- basta.

Di ko na inisip ang mga malulungkot na bagay. Ito na yun e, ito na. Di rin nagtagal nakarating na kami sa lugar kung saan yung kasal namin. Di po siya sa simbahan, ginawa lang siyang parang simbahan. Nasa forest kami, maraming matataas na puno. Nakakaragdag sa ganda ng paligid ang tuyong dahon na nahuhulog. Itinapat ng driver ang pintuan ng backseat kung saan ako nakaupo sa daraanan ko. Itinakip na ng kasama kong katulong yung belo kong puti sa mukha ko. May nagbukas ng pinto para saakin.

May malaking gate na gawa sa mga bulaklak ang nasa harap ko, kaya di ko makita ang nasa likuran nun. Puro puting bulaklak na paborito ko rin naman. May mga kurtinang puti rin akong nakikita mula rito sa kinatatayuan ko na nakasabit sa ere, desenyo kumabaga.

Sumunod na narinig ko ay ang pagtipa ng piano at sumunod ang pagguhit ng violin. Mukhang magsisimula na.

[Tagpuan-Moira Dela Torre]

Di, di ko inakalang
Darating din sa akin
Nung ako'y nanalangin kay Bathala
Naubusan ng bakit

Bakit umalis nang walang sabi?
Bakit 'di siya lumaban kahit konti?
Bakit 'di maitama ang tadhana?

Napapikit ako sa narinig, di ko man kakilala ang kumakanta pero kaya niyang iparamdam sakin kung ano ang sinasabi nito. Nagpapasalamat ako sa kumakanta kasi inihahatid niya ako sa dapat na maramdaman ko.

MIAHLYN's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon