Chapter 1

11K 276 77
                                    

"A mermaid is a legendary aquatic creature with the head and upper body of a human and the tail of a fish. They are said to be the guardians of the sea who lives in the blah blah blah."

Halos pumikit na ang mga mata ko sa sobrang boring ng dinidiscuss nitong prof namin sa literature. Like duh? Mermaids? Only kids will believe on those creatures. Not even a single person saw one, so they are not true. Ewan ko ba kay Ma'am Literature. She's just filling our minds with her unbelievable stories. Mas na eenjoy ko pa nga na makinig ng istorya tungkol sa history kaysa dito. Maganda ako eh.

"Ouch!" Nagulat ako nang may tumama sa ulo ko. Pagtingin ko sa baba ay nakita kong chalk iyon.

"Who threw that?!" malakas na sabi ko.

Nakakainis, malapit na akong makatulog eh, istorbo.

Naramdaman ko naman ang marahang pagsiko sakin ni Daphne na nasa tabi ko. Napatigil ako nang mapagtanto kong nakatingin sila saking lahat with a worried expression.

"Miss Everlue!"

Napatingin ako kay Ma'am na nasa harap ko na pala habang seryosong nakatingin sakin. Napalunok naman ako. Siya ba yung bumato sa akin?

Malamang Clara, malamang.

"Yes Ma'am? What do you need- I mean, what can I do for you?" tanong ko ng medyo nauutal.

Tinignan niya ako ng masama. "Are you listening or you're just sleeping here in my class?!"

Siya ang isa sa mga pinaka terror na prof dito at hindi mo talaga siya gugustuhing magalit. Halos lahat ng estudyante ay takot sa kanya, palibhasa kasi matandang dalaga kaya sobrang sungit.

"Of course I'm listening Ma'am. Your subject is one of my favorites."

A lie. It's actually one of the most boring subjects. Tinignan niya ako ng hindi makapaniwala. Then she smirked. Masama ang kutob ko dito.

"So you're listening, huh? What's my last word?" tanong niya habang nakangisi parin.

Tumayo ako at lumunok. "Ma'am, I believe, your last word is 'word'." I said emphasizing the word 'word'.

I heard my blockmates laugh on what I said. Why? Tama naman ako, diba?

Nawala ang ngisi sa labi ni Ma'am at napalitan iyon ng pagkakunot ng noo. Kinabahan ako. Yung mga tingin niya, parang kakainin niya ako ng buhay. So scary.

"Get out of my class." seryosong sabi niya.

Tila nabingi ako sa sinabi niya.

"What? But Ma—" magproprotesta pa sana ako nang bigla siyang sumigaw.

"Now!"

Wala na akong nagawa kundi kunin yung mga gamit ko at lumabas. Wala naman akong ginawa ah? Sinagot ko lang ang tanong niya. At may pagka eng eng talaga si Ma'am. Papalabasin niya ako 3 minutes before dismissal? My gosh.

Medyo marami ng mga estudyanteng dumadaan sa hallway. Malapit na kasi ang lunch.

I just went to the student lounge to wait for Daphne. Sigurado kasi ako na papalabasin din sila ni Ma'am few minutes from now. At hindi nga ako nagkamali. After a minute or two ay nakita ko na siyang papalapit sa akin.

Pagkalapit niya sa akin ay agad niya akong binatukan.

"Ouch! What was that for?" singhal ko.

Ngumiti siya sa akin ng malapad. "You never failed to make someone a laughingstock. Pati si Ma'am!" saad niya habang tumatawa.

"Well hindi ko naman sinasadya, sinagot ko lang yung tanong niya. Like duh? Talaga namang word ang last word niya."

Muli siyang tumawa. Lecheng babae to. Mukhang masayang masaya naman sa ginawa ko pero kinailangan pa akong batukan.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Where stories live. Discover now