Chapter 48

2.2K 91 13
                                    

"Wala pa ba siya?"

"Calm down, Seeya. Hinahanap na siya nila Kiu. Let's just wait, okay? Ipagdasal nalang natin na sana ayos lang siya." hinawakan ni Renee ng mahigpit ang kamay ko at marahang pinisil ito.

"Pero Renee, hindi ko maiwasang hindi mag alala! Lalo na at nakatanggap pa tayo ng pananakot. Paano kung may masama nang nangyari sa kanya? Hindi ko ata makakaya."

Pinahid ko ang luhang lumabas mula sa aking mga mata. I'm worried. I'm so damn worried! Kung alam ko lang na mangyayari ito, sana nakipag ayos na ako sa kanya kanina. Sana nagpasama nalang ako at hindi siya hinayaang umalis.

Mamamatay na ako sa kakaisip sa mga pwedeng mangyari sa kanya. Paano kung binalikan kami ng mga taga Agua? Paano kung kinuha siya? Paano kung pinapahirapan siya? Paano kung... wala na siya?

I'm not a negative thinker before, but I just can't let go of the possibilities.

Napatayo kaming tatlo nang biglang bumukas ang pinto. Unang pumasok si Kiu na walang ekspresyon ngunit ngumiti nang makita si Renee. Sunod si Haji na agad pumunta sa tabi ni Shanum.

"Where is Az-"

Hindi na natuloy ni Shanum ang kanyang sasabihin nang biglang pumasok ang isang lalaking pawis na pawis at may hawak na bola ng basketball. Naka jersey short siya at naka itim na sando. Nakasapatos din siya at may towel na nakasabit sa kanyang balikat.

"Saan ka galing, Azul? At bakit ganyan ang ayos mo?" seryosong tanong sa kanya ni Shanum.

Hindi man nila ipinahalata, alam kong nag alala din sila ni Renee.

"Just, somewhere. I'm trying to learn how to play this thing." sagot niya at mahinang humalakhak.

Pinaikot ikot pa niya sa kanyang daliri ang hawak niyang bola. Mariin akong napapikit at parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking ulo. Halos mamatay na kami dito sa sobrang pag aalala tapos makukuha pa niyang tumawa?

"Ganoon nalang  ba yun?" sabi ko matapos huminga ng malalim. "Sobrang nag alala kami, dahil baka may nangyari nang masama sayo. Bigla bigla ka nalang nawala at hindi pa nagpaalam. Tapos darating ka at sasabihin mong galing ka lang kung saan at tatawa? Magaling." sarkastiko akong tumawa at tumingin ng masama sa kanya.

Natahimik ang lahat matapos kong magsalita. Nabalutan ng pagtataka ang kanyang mukha. Akmang lalapit na siya sa akin nang humakbang ako paatras.

"I'm sorry. I didn't mean to-"

"Sorry? Diyan ka naman magaling! Sa pagsasabi ng sorry! Hindi mo manlang ba naisip ang mararamdaman namin? We're so damn worried! We just received a threat tapos bigla kang nawala! Sa tingin mo ba hindi kami mag aalala? Tapos pagdating mo ay may gana ka pang tumawa? Fuck you!" malakas na sigaw ko at nagpunas ng luha.

Agad akong umalis at umakyat patungo sa kwarto namin. Iniwan ko ang mga kasama kong tulala sa sala.

I'm fuming mad! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na sana nakipag ayos nalang ako! Patuloy pa rin sa pag agos ang luha ko at marahas ko itong pinupunasan gamit ang aking palad.

Parang masyado akong naging exaggerated kanina, pero hindi ko na talaga napigilan ang emosyon ko. Kung nagpaalam lang sana siya, edi hindi kami kinabahan! Damn it!

At bakit ba gusto pa niyang matutong magbasketball? Hindi ba niya naisip na masasayang lang ang oras niya sa ganoong bagay? May misyon kaming kailangang tapusin, at hindi makakatulong yung ginagawa niya.

Hihiga na sana ako sa kama nang mahagip ng mga mata ko ang side table. Ilang beses akong napakurap nang may makita akong papel na nakapatong dito. Lumapit ako at nanginginig itong kinuha.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Where stories live. Discover now