Chapter 29

2.2K 82 6
                                    

Dalawang araw na ang lumipas simula nang makalabas kami sa Maidus Cave ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Seeya. Ngayon, alam ko na ang nararamdaman nila nang ako ang walang malay. Halos hindi na kami umaalis ni Shanum sa tabi niya upang hintayin siyang magising.

Ang sabi ni Azul, hindi na daw niya kinaya ang mga sinasabi sa kanya ng kanyang repleksyon kaya sumunod siya sa amin sa kabila ng babala ni Geyenna. Ngunit laking gulat niya nang makita niya si Seeya na umiiyak at akmang susugatan na ang kanyang sarili. Mabuti nalang at naging maagap siya kaya napigilan niya ito. Ngunit pagkatapos nun ay agad itong nawalan ng malay. Akala niya noong una ay huli na siya. Akala niya wala na si Seeya. Ngunit nang makita niyang humihinga pa ito ay agad niya itong binuhat. Nang wala namang nangyaring kakaiba sa kweba ay nagpatuloy siya sa paglangoy hanggang sa makita niya sila Haji at Shanum.

Hanggang ngayon, lagi pa rin tulala si Haji. Halos hindi niya kami kinikibo at kailangan pa siyang pilitin bago pumayag na kumain. Ang kwento ni Shanum, hindi daw siya nagpaapekto sa kanyang repleksyon kaya bigla itong naglaho tulad ng nangyari sa akin. Napagtanto na din niya nang mga oras na iyon na nilinlang lang kami ni Geyenna. Nabigla siya nang marinig niya ang pagsigaw ni Haji kaya dali dali niya itong pinuntahan. Nadatnan niya si Haji na halos nakadapa na sa salamin na sahig at sobrang nahihirapan. Matagal niya pa itong kinumbisi upang sumama sa kanya dahil ayaw daw nito umalis at sigaw lang ng sigaw.

Nang makita niya si Azul na buhat buhat si Seeya, pareho raw kami ng naging reaksyon. Akala din niya, may nangyari nang masama dito. Mabuti nalang at nawalan lang ito ng malay at hindi nasugatan ng kanyang patalim.

Sila Azul at Kiu ang umaalis upang maghanap ng aming makakain ngunit paminsan minsan ay napapatulala din sila na para bang may malalim na iniisip. Kami lang ni Shanum ang normal kung kumilos. Lahat sila ay parang naging mga robot. Halos walang emosyon at minsan lang magsalita.

Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang mga pinagdaanan nila. Kung ano ang sinabi ng kanilang mga repleksyon at ganito nalang ang epekto sa kanila ng mga ito. Alam ko na ang kay Kiu at tama naman ako sa naisip kong ginamit ng repleksyon ang alaala ni Shanum tungkol sa kanyang ina. Mabuti nalang at hindi siya nagpaapekto dito at lumisan ng kusa ang kanyang repleksyon. Sana katulad nalang din ng kanya ang pinagdaanan ng apat. Upang hindi sila nagkakaganito ngayon. Parang hindi na normal ang buhay namin ngayon dahil sa mga nangyari. Hindi na kami bumalik sa dati. Hindi nga kami nasaktan ng pisikal, maliban kay Kiu, ay nasaktan naman kami ng emosyonal. Nasaktan sila ng kanilang mga repleksyon at ako naman ay nasasaktan dahil sa kalagayan nila ngayon.

"Nag-aalala ako para kay Haji, Renee. Tignan mo siya. Parang laging wala sa sarili. Parang hindi na siya yung Haji na nakilala natin." napatingin ako kay Shanum nang bigla siyang magsalita.

Nakatingin siya kay Haji na ngayon ay tulala na naman sa isang sulok. Hapon na at hindi pa siya kumakain simula kaninang umaga.

"Why don't you try to talk to him?" suhestiyon ko.

Umiling naman siya. "I already tried pero hindi niya ako pinapansin. Sa tuwing lalapit ako sa kanya at tatanungin kung anong problema ay umiiling lang siya. Ni hindi manlang niya ako tapunan ng tingin. Kasalanan ko to. Noong una palang kinutuban na akong may masamang mangyayari ngunit isinawalang bahala ko iyon. Hindi sana ganito ang mangyayari. Hindi sana ganito ang kalagayan nila Haji at Seeya. It's all my fault."

Kumirot ang puso ko nang nagsimulang mag unahan ang mga luha sa kanyang mga mata. Agad ko siyang dinaluhan at niyakap.

"Hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanila, Shanum. Walang may kasalanan nito. Magdasal nalang tayo na maging maayos na sila. Magiging okay din ang lahat kaya tumahan ka na. Hindi mo bagay umiyak." saad ko ng natatawa.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Where stories live. Discover now