Chapter 2

6.3K 186 30
                                    

Nakatayo ako sa gitna ng kawalan. Dumadampi ng marahan sa aking balat ang malamig na hangin. Tumingala ako sa taas at pinagmasdan ang madilim na kalangitan, ang gandang pagmasdan ng mga bituin at ng buwan na siyang nagbibigay ng kaunting liwanag sa lugar na kinatatayuan ko.

Pinagmasdan ko ang paligid. Napakatahimik. Tunog lang ng mga kuliglig, mga nalaglag na dahon at ng hangin na humahampas sa mga puno ang tangi kong naririnig. Para akong nasa isang gubat.

Napakaraming puno at halaman sa buong paligid. Ngunit mayroon akong napansin. Bakit walang mga hayop dito? Tanging mga insekto lang ang nakikita at naririnig ko.

But the real question is, where am I?

What am I doing here?

Nagsimula akong maglakad lakad. Maingat ako sa aking bawat galaw at pinakikiramdaman ko rin ang paligid. Napatigil ako nang may nakita akong dagat. Dagat? May dagat dito? Wala ako sa gubat?

Nagmadali akong tumungo sa pampang kung saan humahampas ang malakas na alon. Tumayo ako sa gilid at pinagmasdan ang dagat ngunit nagulat ako nang makita ko ang isang imahe hindi kalayuan mula sa kinatatayuan ko.

May isang babaeng nakaupo sa isang malaking tipak ng bato malapit sa tubig. Kahit madilim ay alam kong nakatingin siya sa akin gamit ang kanyang mga mata.  Halos mapaatras ako sa aking kinatatayuan nang mapatingin ako sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Tumayo ang aking mga balahibo dahil imbis na paa ay tila buntot ng isda ang aking nakita. Kulay abo ang kulay ng kanyang buntot at buhok.

"Renee, sumama ka sa akin" saad niya at inilahad ang kanyang kamay.

Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko. Litong lito ako sa mga oras na ito at maraming katanungan ang naglalakbay sa aking isipan.

Who is she? Bakit niya ako kilala?  Anong kailangan niya sa akin?

"Sumama ka sa akin Renee, dadalhin kita kung saan ka nararapat" muli niyang saad ng nakalahad parin ang kamay.

Tila napako ako sa aking kinatatayuan at hindi ako makagalaw. Sino siya? At ano siya? I'm so confused right now. I just want to go back to our house.

"Halika na, huwag kang matakot."

Hindi ko namalayan ang sariling tumatango sa sinabi niya. Unti unting humakbang ang aking mga paa habang nanginginig ang aking mga tuhod. Mas lalo namang lumapad ang kanyang ngiti.

Nasa tapat ko na siya ngunit hindi parin malinaw ang kanyang mukha. Akmang aabutin ko na ang kanyang kamay nang biglang humangin ng malakas. Doon na ako bumalik sa katinuan.

Hindi ko manlang naramdaman na gumagalaw na ng kusa ang katawan ko. Umatras ako palayo sa kanya at ang kaninang matamis niyang ngiti ay napalitan ng nakakakilabot na ngisi.

"Sasama ka sa akin Renee, at hindi mo ako matatakasan." wika niya at tumawa ng parang isang demonyo.

Nagulat ako nang biglang nagbago ang kanyang anyo, mula sa isang taong may buntot ng isda ay naging halimaw siya na may mga galamay.

What in the hell is this?!

Napagpasyahan kong tumakbo nalang upang takasan siya ngunit hindi pa nakakalayo ay naramdaman ko nang pumulupot ang kanyang mga galamay sa aking katawan at pilit ako hinihila papunta sa kanya.

"Let go of me!" pagpupumiglas ko ngunit para bang wala siyang narinig at muling tumawa.

"Sasama ka sa akin Renee. Sa ayaw at sa gusto mo."

Lumusong siya sa tubig ng kasama ako. Nagpupumiglas ako dahil hindi ako makahinga ngunit walang epekto. Unti unting sumara ang aking mata kasabay ng paglamon sa akin ng kadiliman.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Where stories live. Discover now