Chapter 16

2.2K 97 10
                                    

Clara Renee Everlue

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatunganga simula nang magsara ang lagusan kung saan ako pumasok. Nanatili lang ako dito matapos nitong magsara dahil hindi ko pa alam kung ano ang aking gagawin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Bakit ba kasi ang dilim dito?

Halos wala akong makita sa sobrang dilim. Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid. Ang tahimik. Ni wala akong marinig ni katiting na ingay. Nang imulat ko ang mga mata ko ay wala parin akong makita.

Where are those dangerous sea creatures na sinasabi nila? Bakit parang wala naman akong nakikita ni isa sa kanila?

Kahit medyo natatakot ay nagsimula akong lumangoy palayo sa bungad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na. Ang Diyos lang ang nakaka alam kung anong magiging kapalaran ko sa lugar na ito.

Hindi ko akalaing magiging ganito ka thrilling ang buhay ko.

Isa lang naman akong normal na teenager na walang ibang ginawa kundi manlait ng ibang tao, purihin ang sarili, at hayaang mangyari kung anong dapat mangyari.

Mamuhay araw araw kasama ang nag iisang kaibigan at ang mapagmahal na boyfriend.

But now, everything has changed.

Hindi lang ang pag uugali ko ngunit pati na rin ang takbo ng buhay ko.

I let out a heave sigh.

I already faced death many times, ngayon pa ba ako matatakot?

Kung meron mang mabuting naidulot sa akin ang mga pagsubok na kinaharap ko, yun ay ang naging mas matapang at matatag ako. Dahil kung hindi, kanina pa ako lumangoy palayo sa lugar na to at hindi na ituloy ang misyon.

Ang tanging ipinag aalala ko lang ngayon ay ang mga kasama ko. Kamusta kaya sila? Ayos lang kaya sila ngayon? Napapalaban ba sila?

Nasaan na Kiu? Tutuparin kaya niya ang kanyang pangakong hahanapin niya agad ako? Kahit ganun siya ay may tiwala ako sa kanya. Alam kong darating at darating siya para sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglangoy tungo sa kawalan. Bakit parang walang kahit ano dito bukod sa akin? Tama ba ang lugar na napuntahan namin?

Nagulat ako nang may marinig akong parang kaluskos. Nagpalingalinga ako sa paligid upang magmatyag. Mukhang hindi ako nag iisa dito.

"Renee." nabigla ako nang may biglang humawak sa balikat ko.

Paglingon ko ay nakahinga ako ng maluwag at biglang gumaan ang pakiramdam ko. Parang nabunutan ng tinik ang lalamunan ko nang makita ko siya. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti naman siya pabalik.

"Azul!" saad ko at yumakap sa kanya.

Kahit na hindi si Kiu ang unang nakakita sa akin ay nagpapasalamat na din akong nandito si Azul. Kahit papaano ay nabawasan ang kaunting takot na nararamdaman ko.

At napanatag na rin ako dahil ayos lang siya. Sobrang kinabahan ako kanina nang pumasok sila ni Seeya ng lagusan ng hindi alam ang gagawin at hindi nakapagplano.

Kumalas ako sa pagkakayap at tinignan siya. Mukhang ayos lang siya dahil wala naman akong makita ni katiting na sugat. May hawak siyang isang sandata sa kanyang kanang kamay. Saan naman kaya ito galing? Sa pagkaka alam ko ay yung patalim lang na ibinigay ni ina ang dala namin sa misyong ito. Maliban nalang kay Kiu na dala ang kanyang Trident.

"Mabuti naman at nahanap na kita, Renee. Kanina pa ako nag iikot ikot dito. Salamat naman at nakita na kita sa wakas." saad niya habang nakangiti.

"Nagpapasalamat din ako dahil nakita na kita. Saan galing ang sandata mo, Azul? Sa pagkaka alam ko ay wala ka namang dalang ganyan nang pumasok ka dito?" tanong ko sa kanya.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora