Chapter 26

2K 73 2
                                    

Shanum Willows

"Nag aaway ba kayo ni Kiu? Bakit hindi mo siya pinapansin?" mahinang bulong ko kay Renee.

Nung isang araw ko pa kasi napapansin na parang naging mailap siya kay Kiu gayong close naman silang dalawa. Habang nagpapatuloy kami sa paglangoy ay nasa likod lang namin si Kiu at mukhang walang pakialam si Renee.

"Hindi kami nag aaway Shanum. I'm just... hmm... tired?" alangan niyang sagot.

Pinaningkitan ko siya ng mata. I'm not buying her excuse pero nanatili nalang akong tahimik. Ayaw kong makisawsaw sa kanila. Hindi na rin naman siya umimik at nakatingin lang sa likod ni Geyenna.

Bakit ba kasi ako ang nandito? Dapat nagpaiwan nalang ako. Dapat si Haji nalang ang nagpatuloy. Ngunit sa tingin ko naman ay lahat kami magpapaiwan at isa lang ang tutuloy.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang lugar na ito. Kanina pa kami dito ngunit wala naman akong nararamdaman na kahit anong panganib. Puro salamin lang din ang nakikita ko sa buong paligid at parang masyado namang maliit ang lugar na ito para magkasya ang isang halimaw. Pero paano kung... Paano kung ang mga kasama namin na naiwan ang nanganganib sa mga oras na ito?

Napalingon ako sa aking likuran. Sana naman mali ako. Sana maayos lang sila Azul, Seeya at Haji. Sana nasa mabuti silang kalagayan. Dahil sa oras na malaman kong may nangyayari na sa kanila, ay hindi ako magdadalawang isip na balikan sila kung saan namin sila naiwan.

Napakunot ang noo ko nang dumako ang mga mata ko kay Kiu. Tahimik siyang nakatitig kay Renee. May mga nacoconclude na ako sa utak ko pero pilit kong isinasantabi. May gusto ba si Kiu kay Renee? Kaya ba siya iniiwasan nito? Hindi naman sa ayaw ko sa kanila, pero bukod sa may boyfriend na si Renee ay may sinusunod pang batas ang mga sireno at sirena. Hindi sila pwedeng mag ibigan dahil masasaktan lang sila. At yun ang ayaw kong mangyari. Pareho silang mahalaga sa akin dahil mga kaibigan ko sila. I don't want them to get hurt.

Napaiwas ako ng tingin nang lumingon sa akin si Kiu. Ibinaling ko nalang ang tingin ko kay Renee na ngayon ay seryosong seryoso. Nagulat ako nang bahagyang kumislap ang kanyang kwintas. Pumikit ako at muling nagmulat dahil baka namamalikmata lang ako. Ngunit hindi, muling kumislap ang perlas na suot niya. Napatingin ako sa kwintas na suot ko, kumislap din ito. What's the meaning of this?

Katulad ng inaasahan ko ay muli na naman kaming tumigil. Nagkatinginan kaming lahat hanggang sa magsalita si Renee.

"I'll stay." seryosong saad niya habang nakatingin sa akin.

"No, Princess. Ako ang maiiwan."

Hindi ko alam kung saan ako magugulat. Kung sa pagtawag ba ni Kiu ng 'Princess' kay Renee o sa biglang pamumula ng gulat na mukha ni Renee at sa pag iwas niya ng tingin. Naningkit ang mga mata ko. There's something fishy about them.

"Ako ang maiiwan, Kiu. Ikaw na ang magpatuloy. Shanum needs a company." Ani Renee nang makabawi na siya mula sa pagkagulat.

"Hindi, ako na. Kayo na ni Shanum ang magpatuloy."

"Ako na. Mas mabuti kung kayong dalawa ang magpatuloy."

"I'm sorry, Princess. But I'll stay here."

"Bakit ba napakakulit mo? Sinabi nang ako na! Anong hindi mo maintindihan dun?"

"Ako na nga sabi ang maiiwan. At ikaw ang hindi ko maintindihan!"

"Paano mo ako maiintindihan kung hindi mo ako iintindihin?"

"Sinusubukan kong intindihin ka pero hindi talaga kita maintindihan!"

Bago pa sila magkainitan ay pumagitna na ako. "Manahimik kayong dalawa. Ako ang maiiwan. At pwede ba? Hindi ko kayo maintindihan!"

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora