Chapter 49

2.3K 80 24
                                    

Clara Renee Everlue

"And they lived happily ever after. The end— Aray! Bakit ka naman nambabatok Shanum?" singhal ko.

Tinawanan niya lang ako at muling tumingin kila Seeya at Azul. Nababaliw na naman siya.

Ipapasa ko na ba sa kanya ang titulo ko bilang Split Personality Queen? Daig pa niya ako sa pagbabago ng mood niya.

Muli akong tumingin sa tinitignan ko kanina. Masaya ako na makita sila Seeya at Azul na ganito ngayon. Magkayakap at makikita talaga sa kanilang mga mata na mahal nila ang isa't isa. Sa wakas! Natauhan na din si Azul.

Noon pa man alam ko nang may espesyal siyang pagtingin kay Seeya. Kaya hindi ako agad naniwala nang sabihin niyang gusto niya ako. Lahat ng mga ginagawa niyang pang aasar kay Seeya, alam kong para lang yun pansinin siya nito.

From enemies to friends.

From friends to lovers.

Oh God. Hindi ko akalaing ang magulong grupo namin ay hahantong sa ganito.

"Oh. Siya pala ang sinasabi ni AJ na sirenang mahal niya. Akala ko nga bakla, pero bakit sirena?"

Bigla akong napatingin kay Zoey na nasa tabi ko na pala. Maging sila Shanum at Haji ay napatingin din sa kanya. Nakatingin siya ngayon kina Seeya habang nakakunot noo. Hindi kalaunan ay lumingon din siya sa akin ng parang nagtatanong.

"Bakit sirena?" ulit niya.

Biglang may bumara sa lalamunan ko. How can Azul be this stupid? May balak ba siyang ilantad ang lahi namin sa mga tao?

Biglang tumikhim si Shanum kaya napatingin kami ni Zoey sa kanya.

"Seeya... Loves to study unusual creatures. Even those that aren't real. Mermaids and mermen are her favorites." wika niya.

"And then?" mataray na tanong ni Zoey.

I'm starting to hate her. If I can only slap her. She's starting to piss the hell out of me.

"Kaya nakasanayan na naming tawagin siyang sirena. Nakasanayan na namin yun simula nang mga bata pa kami." sa pagkakataong ito, si Haji naman ang nagsalita.

Tumango lang si Zoey pero halatang hindi siya kumbinsido. But I don't freaking care. Masyado akong abala para pagtuunan pa siya ng pansin.

"Calm down."

Naramdaman ko ang paghawak ni Kiu sa kamay ko pagkatapos niyang bumulong. Napabuntong hininga nalang ako. Madali talagang mag init ang ulo ko sa mga ganitong bagay.

Ilang minuto pa ay umalis na din si Zoey. Nakahinga ako ng maluwag nang mawala ang presensya niya sa paligid. Kung hindi ko napigilan ang sarili ko, malamang nasabunutan ko na siya.

"Lapitan na natin sila."

Hindi na ako nakapagsalita pa nang hinila ako ni Kiu papalapit sa dalawa na nag uusap. Sumunod naman sa amin sila Haji at Shanum.

"Salamat naman at ayos na kayo." wika ni Shanum sa dalawa.

Humalakhak lang si Seeya at napatingin sa akin. "Oh? Anong nangyari dito?"

"Nakaapak siya ng langgam kanina. Namatay. Ayun, naguiguilty ata."

Agad kong siniko si Kiu dahil sa sinabi niya. Kailan pa siya natutong magbiro? Narinig ko ang pagtawa niya pero hinayaan ko nalang.

"Uwi na tayo, nagugutom na ako." reklamo ni Seeya.

Sa tingin ko, yan ang ugali niyang hinding hindi na magbabago. Ang pagiging reklamador. Pero nasanay na din kami. Sa ilang buwan ba naman naming magkakasama. Kabisado ko na ang mga ugali nila.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Where stories live. Discover now