Chapter 37

2.1K 85 28
                                    

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Kung nagagalit ba, nasasaktan, nalilito o ano. Halo halo na ang mga nararamdaman ko.

Kanina ko pa iniisip kung ano ba ang pag uusapan namin o may dapat ba kaming pag usapan. O kung kailangan pa ba talaga naming mag usap.

Dinala niya ako sa isang silid, at kami lang ang narito. At sa itsura palang ng silid ay masasabi kong hindi sa kanya ito. Masyadong pangbabae ang disenyo at mga palamuti.

Hindi ko alam kung anong pag uusapan namin, but I want it to be quick. Ayaw kong magsayang ng oras kasama siya.

Tinignan ko siya. Nakayuko lang siya ngayon at parang nag iisip ng sasabihin. Is he ready for this? O hinila nalang niya ako basta ng hindi alam ang sasabihin?

"Anong kailangan nating pag usapan, Kalum?"

Napatulala siya sa akin ng parang hindi makapaniwala. Marahil ay hindi niya inaasahang tatawagin ko siya sa ganoong pangalan. Why call him Jacob? Hindi naman yun ang totoong pangalan niya.

"Please, Clara. Don't call me that. I'm Jacob, okay?"

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "Bakit naman kita tatawagin sa pangalang iyon? Hindi ba Kalum naman talaga ang pangalan mo?" sarkastikong tanong ko.

"Clara, please. Nagmamakaawa ako. Pwede bang itrato mo ako katulad ng pagtrato mo sa akin noon? Please?"

I faked a laugh. Sa tingin ba niya kaya ko pa siyang itrato ng maayos matapos kong malaman lahat ng katraydoran nila? Sa tingin ba niya kaya kong sikmurain na maging mabait sa kanya, gayong siya ang pumatay sa daddy ko? That's bullshit.

I can forgive him, yes. Dahil hindi naman ganoon katigas ang puso ko. At may mga pinagsamahan kami. Pero yung hinihingi niya? That's too much!

"You. Killed. My. Dad." matigas kong sabi.

Bigla siyang namutla at ilang beses siyang napalunok. Sign that he's guilty.

"Y-Yes. I-I killed T-Tito."

Unti unti nanamang bumuhos ang aking mga luha. Ang sakit. Ang sakit pala kapag galing na mismo sa kanya ang katotohanang iyon. Ang sakit ma manggaling mismo sa kanya na pinatay niya si dad. Sinubukan niya akong lapitan pero lumayo ako. Muling nag alab ang galit sa dibdib ko.  Nagawa pa talaga niyang tawagin na Tito si Dad matapos niya itong patayin. Ang kapal ng mukha niya!

"I-I killed him. Pero hindi ko iyon ginusto!"

At ngayon siya pa ang may ganang sumigaw?! Hindi niya ginusto?! Inutos ng kanyang ina?! Fucking reason! Inutos man ito o hindi, dapat hindi niya ginawa! Kung mahal niya talaga ako, hindi niya papatayin ang daddy ko!

"Then what? Hindi mo kagustuhan pero ginawa mo?" sarkastikong sabi ko at tinignan siya ng matalim. "Cut the bullshit, Jacob. I don't need your explanations. Let's stop this damn conversation."

Pinatay niya si dad. Yun lang ang gusto kong makumpirma. Wala na kaming dapat pag usapan pa.

"Listen to me first, Clara. I killed him, not because I want to, but because he told me to. Siya ang nagsabi sa akin na patayin ko siya, Clara. He said that I must kill him."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Sa tingin ba niya maniniwala ako sa kanya? Bakit naman gugustuhin ni dad na mamatay?

"You're lying! Hindi ganun si Dad! Hindi niya gugustuhing mamatay dahil masasaktan kami ni ina!"

Ang sakit. Parang pinipiga ang puso ko sa mga oras na ito. Umiling si Jacob at nagsimula na ding umagos ang kanyang mga luha. Sa mukha niya ngayon ay parang nasasaktan siya.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Where stories live. Discover now