Chapter 46

2.2K 87 10
                                    

"What? No. I'm not in love with him." depensa ko sabay iwas ng tingin.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. "Deny pa. You're too obvious, Shanum. Kahit na itanggi mo, hindi nagsisinungaling ang mga ikinikilos mo."

Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. Am I really in love with him? Hindi ko alam. I've never been in love in my entire life kaya hindi ko alam ang pakiramdam.

"Admit it. You're in love with him. Silence means yes."

Hindi pa rin ako nagsalita. I'm afraid to speak. Natatakot akong aminin kung ano talaga ang nararamdaman ko. Pero mukhang wala na akong takas sa kanya.

"Sinong in love?"

Sabay kaming napalingon ni Renee sa pintuan. Nakatayo doon si Seeya habang nakakunot ang noo. Kalaunan ay lumapit din siya at umupo sa tapat namin pagkatapos isara ang pinto.

"Ano nga? Sinong in love?" muli niyang tanong.

May naglalarong ngisi sa mga labi ni Renee habang nakatingin sa akin. Mukhang nahulaan naman agad ni Seeya ang nais niyang ipahiwatig. Ngumisi din ito, at sa totoo lang, labis akong kinilabutan.

"Oh. Si Shanum ba? Kanino naman? Kay Haji?" sunod sunod niyang sabi.

"How did you know? Uh I mean, it's not what you think. I'm not in love wi—"

"Nah. Paano ko nalaman? Masyado ka kayang halata! Lagi ka nalang tulala na para bang may malalim kang iniisip. Napapansin ko din ang mga pasulyap sulyap mo sa kanya. At higit sa lahat, nakita ko ang lungkot sa mga mga mata mo nang kausap niya si Laura! Naku Shanum! Huwag mo nang itanggi. Sa mga galaw mo palang, kapansin pansin na." she breathed out.

Biglang nagflashback sa akin yung mga panahong magkasama kami. Nung una ko siyang nakilala sa Aquania. Kung paano kami naging tagapamagitan tuwing nag aaway sila Seeya at Azul noong wala pa si Renee. Kung paano kami tumawa habang pinapanood yung dalawa. Maging yun mga panahong nagbibigay siya sa akin ng payo at ganoon din ako sa kanya. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang maalala ko ang kanyang maamong mukha.

Siguro nga, tama silang dalawa.

Mahal ko na si Haji.

Ngunit anong gagawin ko ngayon? Dapat ko ba itong sabihin sa kanya?

"Actually Seeya, it's Lorraine, not Laura." saad ni Renee na siyang bumasag sa halos isang minutong katahimikan.

"But I thought it's Laura." nakangiwing sabi ni Seeya.

Hindi ko alam kung makakalimutin ba ang dalawang ito o ano. Lalo na si Renee. Parang kanina lang, sinabi ko sa kanya na Lauren ang pangalan nung babaeng kausap ni Haji.

"Ay mali! Tama ka pala, sinabi nga pala sa akin ni Shanum kanina na Laura ang pangalan nun."

Tinignan ko si Renee ng hindi makapaniwala. Nagbibiro ba siya? Pero base sa nakikita ko, seryoso nga siya. Napasapo nalang ako ng aking mukha.

"It's Lauren." I corrected.

Nagtinginan silang dalawa at sabay na tumawa. Pinaglololoko ba ako ng dalawang to?

"Pero seryoso, Shanum. Kung mahal mo talaga siya, sabihin mo na. Malay mo may gusto din siya sayo diba?" seryosong sabi ni Seeya na sinang ayunan naman ni Renee.

Baka may gusto din siya sa akin? Paano kung wala? Paano kung may gusto siyang iba?

"I don't know what to do." sagot ko.

"Gawin mo kung ano ang idinidikta ng puso mo. If you know that it will make you happy, take the risk. If you got rejected, at least you tried, right? Mas mabuti na yung may ginawa ka kaysa wala."

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Where stories live. Discover now