Chapter 11

2.6K 91 3
                                    

Dalawang oras lang ata ang tulog ko. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa sobrang inis. Damn that Kiu. Dahil sa sobrang inis ko sa kanya ay tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, may magpopop na imahe niya sa isip ko kaya hindi ako makatulog. Kumukulo talaga ang dugo ko sa supladong sireno na yun! Nakaka inis siya!

Siguradong mukha na akong zombie ngayon sa itsura ko. Kahit sobrang inaantok ay pinilit kong bumangon sa kama. Hindi naman ako nahirapan dahil matigas ang kama, hindi tulad sa lupa na malambot at hindi mo gugustuhing bumangon.

Buti nalang rin at hindi uso ang ligo dito kasi nasa ilalim naman na kami ng tubig. Mas makakasave ako sa time. Ang bagal ko pa namang maligo kaya minsan nalalate ko sa school. Minsan lang naman dahil madalas ay maaga ko.

Habang nag aayos ng sarili ay nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Anak? Gising ka na ba?"

Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Ina.

"Opo, ina." saad ko.

Narinig ko ang pagbukas ng ng pinto at mula dito ay pumasok si ina at lumapit sa akin. Nilapitan niya ako at gaya ng lagi niyang ginagawa ay hinalikan niya ako sa noo.

"Kamusta ang tulog mo?" tanong niya sa akin.

Umupo ako sa isang upuang bato sa harap ng salamin. Nagpunta naman siya sa likuran ko at sinimulang suklayin ang aking buhok.

"Maayos naman po, ina. Nakatulog po ako ng maayos." pagsisinungaling ko.

Labag man sa kalooban kong magsinungaling ay yun lang ang tanging choice ko ngayon. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa sobrang inis ko kay Kiu. Baka kung ano pa ang isipin niya.

"Mabuti kung ganon, anak."

Napalingon ako kay ina nang mapansin kong garagal ang boses niya. And I'm right, she's crying. Parang may tumusok na karayom sa dibdib ko nang makita kong ang mga luha niyang nag uunahan sa pag baba. Siguro nga ay talagang mas mabigat ang luha kesa sa tubig dagat dahil nakikita ko nanaman ang pagbaba ng mga ito mula sa mga mata niya.

"Bakit ka umiiyak, ina?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin at yumakap. Narinig ko ang kanyang paghagulgol.

"I'm sorry, anak. Wala akong magawa. Walang kasiguraduhan kung mabubuhay ka pa sa misyong ito pero wala akong magawa kundi pumayag na sumama ka. Ikaw lang ang anak ko kaya ikaw ang dapat ipadala para sa misyon. Alam kong unti unti ka palang namumulat sa pumuhay dito pero heto ka, sasabak sa isang delikadong misyon. Patawad, anak. Hindi pa man din kita nakakasama ng matagal pero aalis ka na naman. Maniniwala na lang ako sa inyo. Lagi ko nalang iisipin na makakaya niyo ito. Na makakabalik kayong lahat ng buhay. Mahal na mahal kita, anak."

Wala akong nasabi at naiyak na lang din ako. Masakit din sa akin na mahiwalay sa kanya pero tama nga, wala kaming magagawa. At ganun din sila Haji. Kailangan naming gawin ang misyong ito para sa kinabukasan ng lahat ng nabubuhay sa karagatan.

"Magagawa namin it, ina. Makakabalik kaming lahat ng buhay." yan nalang ang nasabi ko habang umiiyak.

Kumalas siya sa pagkakayakap at hinalikan ako sa noo.

"Panghahawakan ko yan anak. Hihintayin kita."

Tumango ako sa sinabi niya.

"Halika na. Hinihintay ka na ng iyong mga kasama. Ngunit bago tayo umalis ay isuot mo muna ang iyong korona."

Oo nga pala. Nakalimutan ko itong isuot. Dali dali ko itong kinuha sa aking kama. Isusuot ko na sana nang bigla itong kinuha ni ina at siya mismo ang nagsuot nito sa akin.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Where stories live. Discover now