Chapter 7

3.9K 125 7
                                    

"Sa north muna tayo." pagpipilit ni Azul.

"No, sa south muna." sabi naman ni Seeya.

"North!"

"South!"

Naiiling nalang kami habang pinapanood sila. Ilang minuto na simula nung sinabi nilang ililibot nila ako pero heto kami, hindi pa nakaka alis dahil sa pagbabangayan nilang dalawa.

"Sa north nga kasi! Tignan muna natin yung mga coral reefs doon!"

"Mas maganda sa south! Masasarap ang mga pagkain doon!"

"Palibhasa kasi mukha kang pagkain!"

"Eh ikaw?! Kalalaki mong sireno mahilig ka sa mga coral reefs!? Para kang babae!"

"Kaysa naman sayo! Hindi mukhang babae!"

"Bwisit ka! Ang pangit mo! Bakla!"

Bago pa sila magrambulan ay mabilis na silang pinaghiwalay nila Shanum at Haji. Hinawakan ni Haji si Azul samantalang hinila naman ni Shanum si Seeya papunta sa akin.

Bakas ang pagkainis sa kanilang mga mukha. Hindi ko akalaing yung simpleng pag aaway nila kung sa north o south kami pupunta ay mapupunta sa ganito. I think mali ang sinabi ni Haji kanina. Mas katanggap tanggap kung sinabi niyang minuminuto silang nag aaway at hindi halos araw araw.

Parang batang natatantrums si Seeya habang naka crossed arms. She keeps on murmuring something like 'bwisit talaga' 'parang hindi prinsipe' 'masyadong epal' and whatsoever.

"Lagi nalang kayong nag aaway. Baka mamaya kayo pa ang magkatuluyan." Shanum said while laughing.

Natawa rin ako sa sinabi niya. Samantalang halos hindi na maipinta ang mukha nung dalawa.

"I'd rather die kaysa makatuluyan yan. Like duh? Ayoko sa mga pangit at isip batang sireno!" saad ni Seeya.

Medyo napangisi pa ako. Kung makapag salita siya ay parang hindi siya isip bata. Halos pareho lang naman sila. Natawa ako nang dinuro ni Azul si Seeya habang ang mukha niya ay parang nandidiri.

"At sa tingin mo masisikmura kita? Mas lalong hindi ko tanggap na makatuluyan ang isang kalahating baliw at kalahating pangit na tulad mo!"

"Enough! Para walang away pareho kayo pangit!" sigaw ni Shanum at tumawa.

Ngunit imbis na tumigil ay lalo lang lumala ang gulo, at kasali na ngayon si Shanum. Pinagtutulungan siya nung dalawa na kanina lang ay hindi magkasundo. Tawang tawa kami ni Haji habang pinapanood sila.

I didn't know that I'll be happy and comfortable here. Akala ko hindi ako magiging masaya dahil wala naman akong alam sa mundong ito ngunit heto ako, nag eenjoy habang kasama sila. Madali lang kasi silang makagaanan ng loob. Because of them, I don't feel lonely and I'm so thankful.

Biglang napadako ang tingin ko kay Kiu. As usual, tahimik lang siya at nakatulala. I wonder kung anong iniisip niya. Napaka misteryoso niyang tao— I mean, sireno. Kung anong ikinaingay ni Azul ay siya namang ikinatahimik niya. Kung ang mukha ni Haji ay napaka amo, siya naman walang ekspresyon. Napaka seryoso. Ganito ba lahat ng mandirigma? Ni hindi manlang magsalita o ngumiti?

Hindi ko alam kung anong nangyari pero sa isang iglap ay nagkatinginan na kami. Para akong nanigas nang magtama ang mga mata namin.

"What?" masungit niyang tanong habang nakatingin sa akin.

Simula kanina ay ngayon ko lang siyang narinig na magsalita. Full of authority ang boses niya na parang kapag inutusan ka niya ay wala kang ibang magagawa kundi ang sumunod.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Where stories live. Discover now