Chapter 50

2.4K 96 23
                                    

"Renee, anong oras na?"

Napatingin ako sa aking relo. "5:27 PM." sagot ko kay Seeya.

"2 hours left." mahinang bulong ni Shanum.

Oh God! Hindi namin akalain na aabutin kami ng ganito. We're supposed to be there at 8 AM pero hanggang ngayon ay hindi parin kami nakakarating. Not because we're lost, but because bizarre things started to happen since we arrived here in the ocean.

Una, hinarangan kami ng maraming isda na tila nagwawala. Well, I think 'marami' is an understatement. Sa sobrang dami nila kanina at nagmistulang pader ay halos hindi kami makalampas. Kinailangan pang gumawa ni Kiu ng isang napakalaking butas, na sobrang nahirapan siyang gawin dahil sa dami ng higanteng isda na kailangan niyang patayin.

Pangalawa ay ang isang napakalaking ipo ipo sa ilalim ng dagat na matagal bago tumigil. Muntik pa kaming masama sa pag ikot nito kung hindi lang kami nakahawak ng mahigpit sa mga halamang dagat at bato sa paligid.

Pangatlo ay ito. Para kaming nawawala. Hindi namin mahanap ang tamang daan. Nagsisimula nang dumilim at kailangan na naming bumalik sa Aquania sa lalong madaling panahon.

"Are you sure that this is the right way? We're running out of time!" sambit ni Seeya sa hindi kalayuan.

Magkaharap sila ni Azul at mukhang nagtatalo nanaman silang dalawa. Sabagay, hindi na iyon bago.

"Ito nga iyon! Maging sila Kiu at Haji sinabing ito ang daan!"

"Bakit hanggang ngayon hindi pa tayo nakakarating sa Aquania?!"

"Hindi ko alam! Basta ito ang tamang daan! Kung bakit kasi nawala yung mga palatandaan natin!"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumabat sa kanila. Dahil mukhang wala sa mood si Shanum upang umawat dahil maging ito ay parang nababahala.

"Will you two stop? Hindi nakakatulong ang pagtatalo niyo!"

Natahimik naman sila at parang natauhan. Pinagmasdan ko ang paligid. Something's not right. Yung mga kakaibang pangyayari ang patunay.

"This is not good." napatingin kaming lahat kay Shanum. "The sudden change in the behavior of those fish and the strange phenomenon that is happening here in the ocean. It only indicates one thing..."

Tinignan niya kami isa isa bago mariing napapikit.

"The ocean is starting to die."

Nanghina ako sa aking narinig. Maging ang mga kasama ko ay nawalan ng kulay ang mukha.

Ito na nga ang sinasabi ni ina. Kung hindi kami magtagumpay sa aming misyon, tiyak na tuluyan nang mamamatay ang karagatan maging ang mga nilalang na nabubuhay dito.

Shanum is right. This is not good.

"Why don't we try the other way? Baka sakaling tama na ang tahakin natin."

Tumango kaming lahat kay Haji. If this way is not the right way, then maybe it's the other one.

Mahigit tatlumpung minuto din kaming nagpatuloy sa paglalakbay pabalik hanggang sa may maaninag kaming kaunting liwanag.

"Ang Aquania!" masayang sigaw ni Seeya.

Kahit na medyo malayo pa kami dito, nasisiguro kong iyon nga ang Aquania. Ang kaibahan lang, hindi na ito kasing liwanag tulad ng dati.

Binilisan namin ang paglangoy upang makarating na sa Aquania ngunit may hindi inaasang pangyayari ang naganap. Napatigil kaming lahat. Para akong nanigas at nanuyo ang lalamunan ko.

"Kamusta? Nasaan na ang matatamis niyong ngiti kanina? Bakit biglang naglaho?"

I clenched my fist when I saw Azura. Kasama niya ang higit sa tatlumpung mga sireno na may mga hawak na malalaking sandata. Sumulpot sila mula sa mga matatayog na mga bato kaya naman labis kaming nagulat. Ngunit kapansin pansin ang mga galos ng mga ito sa kanilang mga katawan. Maging si Azura ay may mga galos din.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt