Chapter 14

2.5K 93 2
                                    

Seeya Petronova

"Renee! Shanum!" sigaw ko habang hinahampas ang lagusan kung saan ako pumasok.

Bigla nalang kasi itong nagsara gaya ng nangyari sa pinasukang lagusan nung pangit na si Azul. Buong akala ko hindi mangyayari to.

Anak ng dilis naman oh.

Dapat hindi ako nagpadalos dalos.

Pero sabagay, ganito din naman ang kahahantungan naming lahat kung tama si Shanum na isa lang ang maaaring pumasok sa isang lagusan.

Pinagmasdan ko ang paligid.

Halos wala akong makita sa sobrang dilim. May mga naririnig rin akong mga tunog na hindi ko mawari kung ano. Ni minsan sa buong buhay ko hindi ko pinangarap na pumunta dito sa Atticus dahil na rin sa mga nakakatakot na kwentong naririnig ko.

Noon, sinabi ko pang kahit anong mangyari ay hinding hindi ako pupunta dito. Pero kita mo nga naman ang pagkakataon. Kami pa ang napili para sa misyong ito na buwis buhay. Kung pwede lang sana na si Sho nalang ang ipadala dito tutal siya naman ang lalaki. Bakit ba kasi kailangang panganay pa?

14 years old naman na siya, hindi na siya bata. Feeling ko talaga may favoritism sila ama at ina. Dahil ako, hindi pinapayagang makisalamuha sa mga normal na sireno at sirena. Samantalang siya, kung anong gusto niya ay nakukuha at nagagawa niya. Sa akin lagi silang nagagalit, samatalang sa kanya hindi. Meron pa yung time na nag away kami, hindi naman ako ang may kasalanan pero ako yung pinagalitan at pinarushan.

Hindi naman sa naiingit ako. Sadyang napaka unfair lang kasi. Dahil ba ako ang babae kaya ang higpit nila sa akin? Pakiramdam ko tuloy hindi nila ako anak. Na mas mahal at pinapahalagahan nila si Sho ng higit kaysa sa akin.

Sobrang higpit sa akin ni ama at minsan ko lang makausap ng normal si ina. Kaya naman sobrang tumatak sa akin ang kwento ni ina tungkol sa pagsakay niya ng barko noon. Dahil yun ang unang beses na naramdaman kong anak niya ako. Nagkwento siya sa akin sa unang pagkakataon tungkol sa mga karanasan niya. At lubos akong nagpapasalamat sa maikling sandali na iyon.

Pero mabuti na rin at ako ang nandito, dahil naging malaya ako at nakawala sa mga kamay nila pansamantala. At ang pinaka magandang nangyari sa akin dahil sa misyong ito ay nagkaroon ako ng mga kaibigan. Mga tunay na kaibigan. Except syempre dun sa pangit na sireno. I hate him to the moon and back. Ayaw ko siyang maging kaibigan.

Sa tana ng buhay ko ngayon lang ako naging sobrang saya. Nag eenjoy ako sa bawat araw na kasama ko sila. Pero sigurado naman ako na mas nageenjoy silang kasama ko. Ako pa ba?

Si Seeya the Great?

Napatigil ako nang may marinig akong ingay. Naramdaman ko ang paggapang ng takot sa buong katawan ko. Sariwa pa rin sa isipan ko ang tunog na iyon, ang ungol ng halimaw na nakasagupa namin kailan lang. Ang isa sa mga pinaka kinakatakutang nilalang sa karagatan. Ang Requim.

At alam kong sa pagkakataong ito, hindi lang iisa ang naririnig ko kundi marami. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Anong gagawin ko ngayon?

Kung hindi ba naman kasi ako kalahating isda at kalahating tanga, hindi mangyayari to. Pero kung hindi naman ako kikilos ay hindi namin mahahanap ang pakay namin. Kailangan kong maging matapang. Kailangan kong maging matatag.

Nagsimula akong lumangoy sa gitna ng kadiliman. Bakit ba kasi napakadilim dito sa Atticus? Dapat pala kumuha muna ako ng isang ilaw kay Kiu para hindi ako nahihirapan ngayon. Baka mamaya, sa bunganga ng Requim na pala ako papunta.

Nagpatuloy lang ako sa paglangoy hanggang sa may maaninag ako mula sa malayo.

Isang liwanag? Saan naman kaya iyon papunta?

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Where stories live. Discover now