Chapter 33

2K 84 11
                                    

Patuloy lang sa pagluha ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya. Paano nangyari ito? Hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay nasa isang panaginip lang ako. Isang bangungot.

Isa din siyang sireno? Ngunit...

Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Gulong gulo na ako at hindi ko alam kung anong gagawin. Parang may nakabara sa aking lalamunan at hindi ko magawang makapagsalita. Kulang ang salitang 'gulat' upang idepina ang nararamdaman ko ngayon. Oh God.

Ilang taon na din kaming dalawa ngunit ngayon ko lang ito nalaman. Ni hindi ko manlang siya pinaghinalaan dahil hindi ako naniniwala sa mga sireno o sirena noon. At siya na ata ang isa sa pinakamabait na taong nakilala ko tana ng buhay ko. This is shit. A freaking nightmare!

Ang sakit. Ang sakit sakit dahil pakiramdam ko ay nagtaksil siya sa akin. Nagsinungaling siya.

At sa tinawag sa kanyang ni Kiu.

Siya si Kalum?

Ibig sabihin, siya ang pumatay kay Kaius at kay dad.

Ngunit bakit niya iyon gagawin? Napakabait niya sa akin at ramdam kong mahal na mahal niya ako. Hindi siya kailanman nagkulang sa akin. Napunan nila ni Daph ang pagmamahal na hinahanap ko kay dad.

Kahit hindi sila madalas mag usap ni dad ay nirerespeto niya ito. Kita ko iyon tuwing nag uusap sila tungkol sa hindi ko alam. Paano niya ito nagawang patayin?

Akala ko kilalang kilala ko na siya. But I didn't know that he's capable of doing those things. As much as I want to, I won't hear his explanations anymore. Sapat na sa akin ang narinig ko mula kay Kiu. At siya ang pinaniniwalaan ko.

Sa totoo lang, halos hindi pa rin ako makapaniwala sa ngayon. Hindi ko matanggap at hindi ko ata kayang tanggapin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

My life is truly full of shits.

Kaya pala hindi niya ako magawang ipakilala sa kanyang pamilya. Ang sabi niya noon ay masyado silang busy sa trabaho kaya hindi nila mahaharap.

Kaya pala hindi niya ako madala sa bahay nila. Tuwing yayayain ko siya dahil gusto kong makita ang kanilang bahay, napakarami niyang sinasabi hanggang sa mawala yun sa isip ko.

Kaya pala madalas siyang wala ngunit naniwala akong may importante lang siyang ginagawa. Na may importante lang siyang lakad.

Kaya pala hindi siya kumakain ng kahit anong lamang dagat. Akala ko noon masyado lang siyang maarte at pihikan sa pagkain.

Pero si Daph din naman...

No. Allergic lang siya. That's all. Hindi ko na kakayanin kapag nalaman kong pati siya... isang sirena.

That will be a big blow to me. Mas gugustuhin ko pang mamatay kapag nangyari iyon.

"Dakpin niyo sila." utos ni Jacob o ni Kalum.

Agad namang lumapit sa amin ang mga kawal ng Agua. Bakit siya sinusunod? Sino ba siya?

Hindi agad ako nakakilos samantalang mabilis na inilabas ng mga kasama ko ang kanilang mga sandata. Maging si Kiu ay naghanda upang lumaban, ngunit hindi niya pa rin binibitawan ang aking kamay.

Oo, masyadong nakakamatay ang mga sandata namin. Ngunit hindi namin sila kakayanin. Mahigit dalawampu sila samantalang kami ay anim lang. Anong laban namin sa kanila? Mukhang sanay na sanay din silang lahat sa pakikipaglaban. Samantalang sa aming lahat, si Kiu lang ang maaaring makipagsabayan sa kanila.

At isa pa, wala pa sa kondisyon ang katawan at pag iisip ko. I can't fight.

Masyadong malaking sampal sa akin ang nalaman ko ngayon. I'm like petrified and I can't even blink.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon