Chapter 3

5.1K 146 6
                                    

"Saan kayo galing?" bungad sa amin ni Daph pagkadating namin sa room.

Kumpara kanina ay mas maayos na ang itsura niya ngayon. Mabuti naman, sana okay na siya.

"Diyan lang sa tabi tabi." sagot ko. Umupo ako sa tabi niya at ganun din ang ginawa ni Jacob. "Ayos ka na ba?" tanong ko.

Tumango naman siya at ngumiti. "Ayos na ako. Salamat."

Napagpasyahan kong huwag nalang itanong kung ano ba talaga ang problema niya dahil mukhang masyado itong pribado na kahit sa akin na best friend niya ay hindi niya masabi. Masyado kaming open sa isa't isa at ngayon lang nangyaring hindi niya masabi ang problema niya sa akin kaya rerespetuhin ko.

"Mabuti naman. Mas lalo kang pumapangit kapag malungkot ka." saad ko sabay irap.

Natawa siya sa sinabi ko. Lihim naman akong napangiti. Iyan ang Daphne Cortez na kilala ko.

"Ayan ka nanaman, Clara! Kanina ang bait mo ah? Tapos ngayon iirapan mo ako? May split personality ka talaga!" wika niya at tumawa ng malakas.

Nakitawa na rin si Jacob sa kanya. Kung makapagsabi siya na may split personality ako, parang siya hindi. Sa pagkaka alala ko may 'Rise and shine' at 'Jajaja' pa sa text niya sa akin kaninang umaga na parang ang saya saya niya tapos papasok siya na parang pasan niya ang buong mundo? She's crazy.

Pero aaminin ko na kahit nakakabwisit siya ngayon ay mas gusto kong ganito siya. Yung tumatawa at masaya. Kung masaya siya, masaya na din ako.

Oh damn, ang corny ko. Pero normal lang naman sa mga magaganda na magpaka corny minsan, diba?

"Oo nalang." walang buhay na sagot ko.

Halos ilang minuto na din ang lumipas pero hindi parin dumadating prof namin.

"13 minutes late na si prof. Nasaan na kaya yun?" tanong ni Jacob habang nakatingin sa kanyang relo.

Nasagot naman ang tanong niya nang biglang pumasok sa classroom namin si Todd, yung isa naming kablock. Pawis na pawis siya at humihingal nang pumasok, parang galing sa pagtakbo. Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong hininga bago sumigaw.

"GUYS MAY MEETING DAW ANG MGA PROF! UWIAN NA!" malakas na sigaw niya.

Bakla ba to? Daig pa ang babae sa sobrang ingay. Nagtatalon na yung mga kablock namin at nagsilabasan. Ito naman talaga ang normal na reaksyon ng mga estudyante. Ang magsaya kasi walang pasok. Unti unting naubos ang tao sa room namin hanggang sa kaming tatlo nalang ang natira.

"Sasabihin ko sana na lumiban tayo sa klase pero nangyari ito. Ang swerte natin." saad ni Jacob ng nakangisi.

Lumiban? Saan naman kami pupunta?

"At kung magyayaya ka, hindi ako sasama dahil scholar ako at kailangan ko ng matataas na grado. Bawal akong umabsent." sagot sa kanya ni Daph.

"Kaya nga swerte kasi hindi na natin kailangan mag lumiban." kontra ni Jacob.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

Bumaling sa akin si Jacob at ngumiti.

"Basta."

--

"Diba alam niyo naman na hindi ako marunong lumangoy?" nakangiwi kong tanong.

Nandito kami ngayon sa Farraday Beach Resort. Malapit lang ang lugar namin sa dagat kaya naman naglipana ang mga beach resort dito.

Kanina pa ako pinipilit nung dalawa. Naglalaro sila sa tabing dagat ngayon at pinipilit nila akong sumali sa kanila habang ako, nakatayo dito sa pampang habang nakahawak ng payong.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Where stories live. Discover now