Chapter 5

4.6K 153 38
                                    

"Ayos na ba siya?"

"Opo, kamahalan. Hihintayin nalang nating gumising siya."

"Maraming salamat."

"Walang anuman, kamahalan."

Naalimpungatan ako nang may narinig akong mga hindi pamilyar na boses. Who are they? At bakit parang tumigas ata ang kama ko?

Napatigil ako nang maalala ko ang panaginip ko. Pumunta daw kami ni Dad sa tabing dagat at ibinigay niya ako sa mga sireno at sirena.

Halos maluha ako nang maalala kong namatay si dad sa panaginip ko. Pinatay siya ng isang lalaki na may hawak na sandata. I can't bear to lose him. Siya nalang ang natitirang pamilya ko at hindi ko kayang mawala siya.

Naramdaman kong may humawi sa aking buhok at hinaplos ang mukha ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at halos atakihin ako sa puso nang bumungad sa akin ang isang sirena.

What the hell? Am I still dreaming?

Sinampal ko ng medyo malakas ang pisngi ko at naramdaman ko ang sakit. So I wasn't dreaming?

Totoo ang mga nangyari?

Totoong namatay si dad?

Namalayan ko nalang ang sarili kong humahagulgol sa pag iyak. Akala ko isang masamang panaginip lang iyon at paggising ko ay muling babalik sa normal ang lahat. Ngunit hindi. This is the damn reality and I have to face it.

Patuloy lang ako sa pag iyak habang binabanggit ang pangalan ni dad. Hindi ko na alintana ang mga nasa paligid ko. Kung wala siguro ako sa ganitong sitwasyon ay kanina pa ako nagulantang dahil sa mga nilalang na nakikita ko. Ngunit walang ibang laman ang isip ko ngayon kundi si dad. Wala na siya. Wala na ang daddy ko.

"Renee." sinubukang lumapit sa akin ng sirenang humawi sa buhok ko kanina ngunit dali dali akong lumayo.

Who is she? At bakit niya ako kilala?

Bukod sa hindi pa ako makapaniwalang wala na si dad, ay hindi rin ako makapaniwala sa mga nilalang na nakikita ko.

"Don't go near me. Stay away!" sigaw ko sa sirena at nakita ko namang lumungkot ang mga mata niya.

Nakita kong bumaling siya ibang sirena at sirenong nakatingin sa amin.

"Maaari bang iwan niyo muna kaming dalawa?" saad niya.

Ngayon ko lang napagmasdan ang paligid. Nasa isang napakagandang silid ako at napaka liwanag ng paligid. Ngunit nagulat ako nang mapagtanto kong nasa ilalim kami ng tubig, ng dagat. At gaya ng nangyari sa akin sa pool ay nakakahinga din ako. This is definitely a dream. I hope.

Nakita kong yumuko ang mga sireno at sirena at mabilis na tumalima. Sino ba ang sirenang ito? At bakit sinusunod siya ng iba? Nang makaalis na ang lahat ay bumaling siyang muli sa akin.

"Mag usap tayo, Renee. Alam kong nasasaktan ka sa pagkawala ng iyong ama at maniwala ka, halos ikamatay ko ang nangyari sa kanya. Hindi lang ikaw ang nasasaktan, ako din." saad niya at unti unting lumandas ang mga luha mula sa kanyang mga mata na hindi ko alam kung paano nangyari.

Nasa ilalim kami ng dagat kaya bakit nakikita ko ang mga luha niya? Hindi ba dapat sumasama lang ito sa tubig? Are tears denser than ocean water?

Isinantabi ko nalang muna iyon dahil nagulat ako sa sinabi niya. Kilala niya si dad? At nasasaktan siya din siya? Who the hell is she?

"Who are you?" tanong ko.

Ngumiti naman siya ng mapait. "Ako ang iyong ina." sagot niya na siyang ikinagulat ko.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Where stories live. Discover now