Chapter 10

2.7K 94 4
                                    

Hindi ko alam kung ilang tupa na ang napatalon ko sa bakod sa isip ko. Kahit anong gawin ko ay hindi talaga ako makatulog. We have a big day tomorrow, yet here I am, still awake.

Hindi ko maiwasang isipin ang mga maaaring mangyari bukas at sa mga susunod pang mga araw.

Parang kailan lang nung unang araw ko palang dito sa Aquania pero ngayon ay lilisanin ko na ito at walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ba ako ng buhay.

Napakabilis talaga ng panahon. Ni hindi ko manlang namalayan ang oras. Parang kailan lang rin nung kila Jacob at Daph lang umiikot ang buhay ko, pero ngayon may lima na akong kaibigan na laging nandyan para sa akin. Parang kailan lang din nung si dad lang ang kasama ko pero ngayon nandito na si ina. Nakakalungkot lang dahil sa pagpatak ng bukang liwayway bukas ay hindi ko na naman siya makikita. At maaaring panghabang buhay pa ito.

Natatakot din akong baka hindi ko na mabalikan sila Daph at Jacob. Miss na miss ko na sila. Mahigit isang buwan ko na din silang hindi nakikita.

Kamusta kaya sila?

Hinanap kaya nila ako nang bigla akong nawala?

Ano kayang ginagawa nila ngayon?

Paniguradong nag aalala pa rin sila sa akin.

Yung eskwelahan ko kaya? Baka nagtataka ang mga kaklase at prof ko sa bigla kong pagkawala.

Sabagay, ang isa sa pinaka maganda sa school ba naman ang biglang mawala? Paniguradong laman na ako ng balita doon.

Eh si Trixie? Nasa mental na ba?

Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa sa akin ng pango na yun.

Baka naman siya talaga yung anak ni Azura? Pareho silang maitim ang budhi eh. Kung sakali man na mag ina sila, pango din kaya si Azura?

Napailing nalang ako sa mga iniisip ko. Sa sobrang kaba ko sa mga mangyayari bukas ay kung ano ano nang kabaliwan ang pumapasok sa utak ko.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata, ngunit nagmulat din ako makalipas ang ilang segundo. Kahit anong gawin ko ay hindi talaga ako dinadalaw ng antok.

Sila Shanum kaya? Tulog na kaya sila? O tulad ko ay hindi rin sila makatulog?

Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. Ang alam ko, wala namang batas dito sa Aquania na bawal lumabas ng gabi. Mas mabuti sigurong lumabas muna ako kaysa manatili dito.

Lumangoy ako papalabas ng pinto. Mukhang tulog na ang lahat dahil wala na akong nakikitang nakakalat na sireno o sirena sa loob ng palasyo.

Lumabas ako ng palasyo at nagtungo sa tambayan naming anim. Sa pinakamaliwanag na lugar sa buong palasyo. Mapa umaga man o gabi ay napaka liwanag dito. Punong puno ng mga ilaw at nakakarelax tignan ng mga bagay sa paligid. Mga halamang dagat, coral reefs, pearls, at maging ang mga isdang naglalanguyan.

Napatigil ako sa paglangoy nang may mapansin akong bulto ng tao na nakaupo sa isang malaking bato. Kahit nakatalikod at hindi niya suot ang kanyang korona ay alam ko na kung sino siya.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Parang nagulat pa siya nang makita niya ako kaya naman natawa ako.

"Bakit gising ka pa? Malalim na ang gabi ah?" tanong niya sa akin.

"Hindi ako makatulog." sagot ko at ngumiti. "Ikaw? Bakit gising ka pa? Maaga tayo bukas diba?"

Ngumiti naman siya at pinisil yung ilong ko. "Hindi rin ako makatulog. Iniisip ko ang mga pwedeng mangyari sa atin sa misyong ito. At magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinakabahan. Natatakot ako. Natatakot akong hindi tayo magtagumpay at natatakot akong baka may mangyaring masama sa atin. Natatakot akong hindi ko na mabalikan ang mga magulang at mga kapatid ko."

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Where stories live. Discover now